Chapter 6 : Sweet Treats Cafe ( PART 1 )

513 18 4
                                    

A/N

Happy 400 reads mga madlang readers hohoho ~!

Sinipag si otor magUD :)) Ayan na po ang gift ko sainyo, parang birtday niyo na rin hahaha nvm me, vote and comment share na din :)!

Enjoy reading!~

Erin POV

Pag-alarm nung alarm clock ko, agad ako tumayo at dumiretso sa banyo. Wala ako sa mood ngayon, pagkatapos ng mga nangyari kahapon. Iniisip ko rin yung tungkol sa magiging trabaho ko sa cafe. Ano kayang posisyon ko dun? Cashier, waiter, cook or janitor? Bahala na si wonder woman.

Pagkatapos kong maligo nagbihis na ako ng uniform at sinukbit ang bag ko sa balikat ko. Bumaba na ako at pumunta sa dining room. Nakita ko sina mommy at daddy na kumakain. Umupo ako at kumuha ng tinapay at egg. Uninom ko rin yung hot chocolate sa mug ko. Nakakabinging katahimikan ang umiiral saamin ngayon. Siguro hindi pa nga tapos ang issue kagabi.

"Erin, yung trabaho mo sa cafe wag mong kakalimutan." paalala ni daddy habang nagbabasa ng dyaryo.

"Yes, dad." walang emosyon kong tugon.

Pagkatapos ng walang imikang pagbebreakfast, tumayo na ako at nagpaalam sakanila. Sumakay na ako sa private car at  hinatid papuntang St. Charlie High. Pagkalabas ko ng kotse, dumiretso ako sa mini park. Dito na ang tambayan ko simula ngayon. Dito na ako maglalabas ng sama ng loob at magrerelax kahit na saglit na oras lamang. Humiga ako sa damuhan ang pumikit. Ang sarap ng simoy ng hangin, umaga palamang at konti palang ang estudyante.

Maramdaman ko na may umupo sa tabi ko pero hindi ko nalamang iyon pinansin. Kung sino man siya, wala ako sa mood na maging ako. Makulit, childish at madaldal na 16 year old Erin Freya Scott.

"Anong ginagawa mo dito? Ba't hindi ka pa pumupunta sa classroom?" tanong nung katabi ko. Kilala ko yung boses na yun. Sino pa ba? Si Dan lang naman. Hanggang ngayon medyo masama pa rin ang loob ko tungkol sa emergency daw niya.

"Wala ka ng pakealam doon. Bad trip lang ako. Eh ikaw, ba't hindi ka pa pumunta sa classroom." tanong ko pabalik sakanya. Ayokong ibunton ang sama ng loob ko sakanya.

"Maingay doon, hindi tulad dito tahimik at walang tao maliban sayo. Pero bakit ka ba bad trip?" hindi halatang tsismoso 'tong Dan na ito 'no?

"Wala, problema ko na yun kaya wag kanang sumali." nakapikit pa rin habang sinasabi ito.

"Sabihin mo na para gumaan yang loob mo. Malay mo makatulong ako." makatulong? Isa ka nga sa dahilan eh!

"At kailan ka pa naging ganyan kadaldal?" siguro dahil sa Iris na 'yun kaya dumadaldal na ito.

"Kung ayaw mo 'di wag." naramdaman ko na yung pagtayo niya. Narinig ko na rin yung yapak ng sapatos niya hanggang sa humina ito at mawala na.

Pagkaraan ng ilang minuto, tumunog na yung bell. Tumayo na ako at pinagpag ang damit ko. Sinukbit ko ng muli yung bag ko at naglakad papuntang classroom. Nakita ko si Miles na nag-aabang. Pagkalingon niya saakin agad siyang lumapit at niyakap ako ng mahigit.

"Uy Erin! Nalaman ko na yung nangyari sa inyo kagabi. Sorry talaga." Halos mangiyak-ngiyak na siya habang nagmamakaawa saakin, nakapangpray yung itsura ng kamay niya.

"Umayos ka nga 'dyan Miles. Okay lang 'no, kakayanin ko 'to. Simple pagtatrabaho lang naman eh."

Pumasok na kami sa loob at patuloy niya pa rin akong kinukulit.

Ms. NBSB meets Mr. NGSBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon