Chapter 12 : EriNiel?!

304 9 2
                                    

A/N Ang chaka ko lang 'no? Every chapter may a/n, nagsasawa na ba kayo? Nako, hahaha sabihin niyo lang, gusto ko lang maging close ko mga readers ng MNMMN.

BTW, kung meron po kayong twitter, follow me and magf-follow back po ako. Tweet me @kyla_muncal, hindi naman po yan naka private! And para maging cool pa tayo lalo, este yung story na ito ay use the hashtag, #MNMMN para unique tayo hahaha. Pero kung ano man ang trip niyo, itweet niyo lang saakin magrereply ako =D !

BTW ulit, STC na ang gagamitin ko para mas maikli, at SCH para sa school thank you!

Enjoy reading :*

Chapter 12 : EriNiel?!

Erin POV

Siya nga ba yun? Si Daniel? Ang misteryosong si Daniel na crush ng buong universe, at pati rin ako?! Magaling siyang singer, meron pa nga siyang sariling album which is self titled. Kaso nga lang hindi mukha niya ang asa cover, kung hindi yung mismong title lang 'Daniel'. Model din siya ng mga clothing stores mapa Pinas man or sa iba 'pang bansa o kontinente yan! Lastly, isa siyang actor! Drama, commercial o kahit ano pa yan! Name it at siguradong kasama siya doon!

Hindi ko talaga inaakala na sa halos mag-iisang buwan ng pagsasama namin ay siya pala ang idol ng whole wide universe. All this time kasama ko lang pala ang isa sa mga crush ko! Pero I won't deny the fact na kinikilig pa rin ako dahil sa libreng dress nabinayaran na niya.

Pagkatapos ng walk out scene niya, pagiwan sa mga fans niyang nakanganga ay mabilis namang lumapit saakin ang dalawang chaka, este dalawang katrabaho ko.

"OH EM GEE!" oa na tili ni Gina habang nakatingin sa nilakaran ni Dan

"Kaya pala namuukhaan ko siya! Siya pala si Daniel na crush na crush ko!" tili pa ni Stacey

"Hindi naman halatang nagulat kayo 'no?" kalmado 'kong tanong

Hindi naman sa hindi ako nagulat pero parang hindi big deal saakin ang pagiging artista niya or kung ano pa 'mang tawag sa kanya. Hindi pa rin magbabago ang pakikitungo ko sakanya, kasi alam ko namang expected niyang magiging friendly na ang lahat sa paligid niya. Pwes ibahin niya ako dahil hindi ako magpapaapekto sa kagwapuhan niya! Este kasikatan pala hahaha.

"Duh! Malamang nagulat! Ikaw ba naman makatrabaho mo ang isang Daniel ng ilang buwan hindi ka ba kikiligin?!"  tanong ni Gina

"Hindi." Sagot ko

"Weh Erin?!" tanong naman ni Stacey

"Hindi nga eh. Pauit ulit nalang ba tayo dito? Tara na nga ako kumain na tayo! Ginugutom niyo ko eh." Pagyaya ko at nauna na sa paglalakad papuntang KFC.

Bakit KFC? Kasi baka makita ko si Chris, yung manager slash kuyang nagrerefill ng gravy. Gusto ko talaga magpa autograph sakanya kasi ang puti niya tapos gwapo tapos maputi tapos gwapo tapos paulit ulit na ako hahaha!

Pero one thing for sure ay gutom na ako at nac-crave ako sa chicken nila! Gusto ko rin matikman yung pie nila. Omg, feeling ko naglalaway na ako!

(a/n gusto kop o talaga matikman yung pie nila, plus namiss ko ng kumain sa kfc kasi matagal na akong hindi nakakakain doon =3)

Pagpasok ko sa loob ng KFC, pumila na ako. Asa likod ko na din pala sila Stacey at Gina. Akala ko magwawala nanaman yung dalawa, buti hindi. Ang alam ko kasi mag gi-girls night out kami, hindi magbaby sit ng dalawang baliw at isang masungit na artista.

"Stacey, hanap ka ng mauupuan natin." Utos ni Gina

"Bakit ako?! Ikaw nalang kaya!" reklamo naman ni Stacey

Ms. NBSB meets Mr. NGSBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon