Chapter 4 : Act it Out

639 19 11
                                    

A/N 

Happy 84 reads !! Sinipag si author my loves hahaha xD kaya nagpost ng dalawang chapters! Bukas na ang Becoming a somebody :))

Sorry po kung sabaw-sabaw ulit yung chapter. Inaantok na kasi ako, but dahil mahal ko kayong mga readers ko tinuloy ko parin yung pagpo-post.

Enjoy reading!

========================

Ms. NBSB Meets Mr. NGSB

MNMMN

Erin Freya POV

Asa school na ako ngayon, Tuesday morning! Nakatambay lang sa mini park habang kumakain ng brownies na binake ni manang. Maaga pa, wala pa si Miles. Lagi namang late yun eh, first day lang ginaganahan.

Sinimulan ko ng basahin yun librong binili ko sa NBS ng linggo. Naalala ko tuloy yung si kuyang ng agaw ng libro kukunin ko sana. Ano ba yan ! Nabadtrip tuloy ako. Pagnakita ko talaga ulit siya, pasalamat siya nakahoodie siya that time! Pero talaga, pag talagang nakita ko siya tatadyakan ko siya.

Nagbabasa lang ako ngayon, paminsan-minsan tinitignan yung mga dumadaang estudyante. Nakakarelax dito, kung pwedeng dito nalang ako maghapon eh.

Nagbell na rin kaya umakyat na ako ng 4th floor. Pagkarating ko dun andun na lahat except sa akin at sa adviser namin. Napatingin sila saakin habang papunta ako sa upuan ko.

Nginitian ko lang sila sabay shrug. Ilang sandali lang din dumating na si sir Panganiban.

"Goodmorning class!"

"Good morning Sir Panganiban."

"Please seat down."

Umupo kami, nakita naming may sinusulat si sir sa whiteboard. Nung natapos na niya yun, binasa namin yun. Eto yung nakalagay,

Get a piece of yellow pad paper and write down different kinds of people that you encounter in your everyday lives. Examples are moody, fashionista, geek, etc. Explain their characteristic, like moody that often changes their mood without no certain reasons. Work with your seatmate!

"Class, if you have any questions just raise your hands."

Agad na nagtaas yung isa kong kaklase na mukhang sinunog yung buhok dahil sa sobrang dry.

"Yes Ms. Reyes?"

"Sir, can we write the kind of people like torpe, manhid, etc?"

"Of course."

Nag-yes yung mga kaklase ko at nagsimula ng kumuha ng yellow pad.Dun naman sila magaling eh, relationships! PSH!  Paano ko sisimulan 'to eh tulog yung katabi ko? Gigisingin ko na ngalang.

"Psst! Uy Daniel, may gagawin tayo. Gising na!" niyugyog ko yung balikat niya

"Ano ba? Kaya mo na yan."

"Work with your seatmate nga eh."

"Basta kaya mo na yan. Istorbo ko eh."

"Gumising ka dyan o isusumbong kita kay sir?"

"Oo na gigising na. Sumbongera na teacher's pet. Tss...." umupo na siya ng maayos at humarap saakin ng may halong masamang tingin.

"Ano?! Hindi ako sumbongera 'no!"

"Manahimik ka nga dyan! Tapusin na natin para makatulog na ako."

Ms. NBSB meets Mr. NGSBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon