Ngayon yung competition nina Gelo at kasama ko ngayon manood si Marty dahil hindi daw pwede malate ng uwi ngayon si Dawn at si Nina naman kasama ata jowa nya. Siempre dahil kasama si Che sa sasayaw ngayon dapat kahit isa or dalawa saaming magbabarkada may representative para suportahan sya. Ilang minuto nalang at magsisimula na ang competition, mula rito sa kinauupuan namin tanaw ko ang anino ni Gelo gosh ang gwapo nya. Kasama nya mga kagrupo nya at nagppraktis sila sa tabi ng stage ng kaunting mga steps.
Hindi naman gaano kalaki ang gymnasium kung kaya't maaaring makita nya rin ako dito sa kinauupuan ko. Ngayon palang nakakainlove na yung simpleng pasayaw sayaw nya, pano pa kaya mamaya? Gosh Lord help me na wag magfangirl ng todo todo mamaya.
Nagsimula na ang program at naka apat na grupo na ang nagperform. Susunod na sina Gelo at talaga namang nakafocus lang ang mga mata ko sakanya nang umakyat na sila sa stage. Wala na akong pake kay Che bahala sya sa buhay nya basta ang attention ko na kay Gelo lang. Grabe yung hiyawan ng mga tao lalong lalo na ang mga kababaihan, sinisigaw ang pangalan ng hinahangan nila pero bukod na umaalingawngaw ang pangalan ni Gelo. Hindi ko naman maiwasan mainis dahil hindi naman ako nainform ganito pala karami ang humahanga sa kanya. Pati narin si Marty mas tinataasan pa ang sigaw kesa sakin.
"Jo grabe! Ang galing nila feeling ko sila mananalo!" Excited na sabi ni Marty, samantalang abot tenga naman ang ngiti ko dahil deep inside iniimagine pano kaya pag naging kami ni Gelo tapos kasama nya lang ako backstage habang nagpeperform sila. Hayyyyyyyy sana nga. "Ano ka ba? Syempre sure na sila na mananalo kita mo naman yan" Sagot sabay turo sa mga audience na nagwawala sa mga kinauupuan nila para suportahan ang grupo nila.
"Marty magcoconfess na ako kay Gelo after nito"
Pabigla kong sabi dahilan para magulat si Marty at napatingin saakin.
"Inlove ka na sakanya?" Tanong nya habang dilat na dilat ang mata. Una hindi kami magkarinigan dahil sa ingay dito kaya halos magkadikit na mga mukha namin habang naguusap.
Tumango naman ako na sobrang proud sa gagawin kong kahihiyan mamaya pero malakas ang kutob ko, hindi one sided to. Dahil base sa mga text nya sakin ng mga nakaraan nararamdaman ko na parang mutual yung feelings namin sa isat isa although hindi ako umaasa pero umaasa parin ako ganun! Ganun na rin yun! Bahala na!
"Baliw ka! Eh pano kung hindi ka nya gusto pabalik?!" O.A lang yan magreact pero alam kong concern lang sya na baka masaktan lang ako sa gagawin ko. Pero diba sabi nila pano mo malalaman kung hindi mo susubukan?
"Susubukan ko lang naman, kung wala talaga edi okay. Wala namang mawawala diba kung susubukan ko?" Matapang kong sagot.
"Anong wala? Merong mawawala!" Ayan na naman tayo, hindi na ako makapagfocus panuodin sayaw nina Gelo na malapit na palang matapos. Sa magbabarkada kasi, si Marty lang yung super pranka at walang takot na sinasabi lahat ng nasa isip nya.
Hindi ko nalang sya pinansin dahil kahit sabihin nyang wag, eh gagawin ko parin.
So far, grupo nila Gelo ang may napakagandang performance at napakalakas na cheer mula sa crowd. Kaya naman nang inannounce na sila ang nanalo, mas lalong nabulabog ang gymnasium at kitang kita sa mukha nila na sobrang saya nila tila ba napawi lahat ng pagod at oras na binuhos nila para sa competition na to. For sure, super proud na naman sa kanila ang University.
"Marty this is it, pababa na sila backstage pupuntahan ko muna sya" Paalis na ako kaso bigla nya akong tinawag. "Goodluck!" AYAAAAAAN sinermonan pa ako. Yinakap ko sya saglit saka tumakbo papunta sa backstage.
Dug.dug.dug.dug
Yung kaba ko sobra pa sa sobra para atang mahihimatay ako. "Kaya mo yan Jo" sabi ko sa sarili ko habang hawak hawak ang dibdib ko sabay hingang malalim. "Fighting!"
Habang naglalakad ako pinapractice ko yung sasabihin ko sakanya. "Gelo I like you" hindi hindi pwede yun ang corny! "Gelo congrats ha may sasabihin sana ako, gusto kita" YUCK hindi!
Malapit na akong backstage, nakita ko yung grupo nina Gelo pati si Che, pero nagulat ako ng makita kong pati si Dawn nandito rin. Anong ginagawa nya dito? Kala ko hindi sya makakapanood? Pero dinedma ko lang. Pinikit ko mga mata ko at huminga ng malalim......
Pagdilat ko nakita ko si Gelo,
Lumakas ang kabog ng dibdib ko.
At si Dawn,
Mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko at nanghina ang mga tuhod ko sa mga narinig ko.
"Dawn Pwede ba kitang maging Girlfriend?"
"Hanggang sa dulo ng ating walang hanggan
Hanggang ang puso'y wala ng maramdaman
Hanggang sa dulo ng ating walang hanggan
Hanggang ang puso'y wala nang nararamdamanKahit matapos ang magpakailan pa man
Ako'y maghihintay sa ngalan ng pag-ibig
Hanggang sa dulo ng ating walang hanggan
Hanggang ang puso'y wala nang nararamdaman
Kahit matapos ang magpakailan pa man
Ako'y maghihintay sa ngalan ng pag-ibig mo"
BINABASA MO ANG
SANA HINDI NALANG
Short StorySa una masaya, nakakapanibago, nakakakilig pero habang tumatagal lahat ng iyon ay hindi na maibigkas ng mga labi at hindi na maiparamdam ng puso. Ang mga masasayang oras, kiligan at tawanan ay tuluyan ng nakakasawa, nakakapagod at nakakalungkot. Sa...