Isang linggo kaming hindi nagkatext pati narin sa skwelahan ay hindi man lang kami nagkasalubungan kahit isang beses. Siguro hindi sya yung inaaakala kong para saakin, hindi ko ineexpect na may ganun syang side. Kahit mga kaibigan ko sinasabing tama lang yung ginawa ko at wag na wag nang mahuhulog sakanya ulit dahil ang mga lalakeng pa-fall nya ay walang lugar sa mga pusong handang magmahal ng buo.
Pero bakit ganon? Bakit parang hindi lang simpleng paghanga ang nararamdaman ko? Normally madali lang akong makapagmove on sa mga nagugustuhan ko pero bakit pagdating sakanya parang ang hirap pigilan nitong nararamdaman ko? I really did fell inlove with him.
"Hoy" hindi ko alam nakatulala na pala ako ngayon. "Babatukan talaga kita Jo pag hindi mo pa tinigilan yang kakaisip mo kay Gelo" Hala? Pano nya nalaman? Ganun ba ako kaobvious sa nararamdaman ko?
Pagkatapos ng lahat ng subject namin ngayong araw umuwi na kaagad ako. Nitong mga nakaraang linggo wala akong ibang naging routine kundi ang pumasok at umuwi. Binabagabag kasi ang isip ko ng hindi ko malamn kung ano. Hayyyyyy 17 palang ako pero ang stress level ko mataas pa sa mga matatanda, dahil lang sa lalake.
*new message*
Gelo: Pwede ba tayong magkita ngayon?
Nahulog ako sa kama ko ng mabasa ko ang text ni Gelo saakin. Takte naman oh! Pagkatapos ng nangyare may gana pa syang magtext saakin? Pagkatapos nyang paglaruan ang feelings ko at ipahiya ang kaibigan ko? Ganon ganon nalang yun! Hindi!
Gelo: Pupuntahan kita sa bahay ninyo
Anak ng! Relax Jo hindi nya alam kung nasan ang bahay nyo. Wag kang papaapekto. May pride ka! Wag kang bibigay. At teka! Ano naman ang paguusapan namin? As if naman may kailangan syang ipaliwanag diba?
After ilang minutes hindi na sya nagtext. Hayyyy buti naman! Psshh sabi na eh laro laro lang talaga sakanya lahat.
"Jo iha, may nagaantay sayo sa labas kaibigan mo raw" Biglang pumasok si Tita sa kwarto ko. No way! "Ah s-sino daw po?" Please tell me na mali ang iniisip ko! Omg! "Abay ewan ko puntahan mo kaya?" Oo nga naman.
"Sabi ko sayo pupuntahan kita"
Dug.dug.dug.dug
"Anong ginagawa mo dito?"
Lumapit sya saakin, nasa labas kami ng bahay at medyo madilim kaya hindi ko makita masyado ang reaksyon nya. Gabi na pero ano bang pumasok sa kukute nya at pumunta sya rito ng ganitong oras?
"Let's date"
O, bakit ba kailangan pang umalis?
Pakiusap lang na wag ka nang lumihis
Tayo'y mag usap, teka lang, ika'y huminto
Wag mo kong iwan, aayusin natin 'toAng daling sabihin na ayaw mo na
Pero pinag-isipan mo ba?Lapit nang lapit, ako'y lalapit
Layo nang layo ba't ka lumalayo?
Labo nang labo, ika'y malabo
Malabo, tayo'y malaboBumalik, at muli ka ring aalis
Tatakbo ka ng mabilis
Yayakapin nang mahigpit"Baliw ka ba o baliw ka talaga?" Napangiti sya sa sagot ko. "Ano bang trip mo Gelo?"
Una humakbang sya ng napakalapit, halos maramdaman ko ang hininga nya. Titig na titig saakin ang mga mata nya na para bang binabasa nya kung ano ang nasa isip ko.
"Alam ko ang babaw ng dahilan ko pero, this past few days hindi ka maalis sa isipan ko" napakamot sya sa noo nya saka nagsalita ulit "Dahil siguro sa pagbato mo ng sapatos mo kaya naalog yung utak ko" napatawa sya ng kaunti saka nilagay sa bulsa nya ang mga kamay nya saka huminga ng malalim, "Namimiss ko yung mga text mo"
Totoo ba to?
"Akala ko ba gusto mo si Dawn?" Yun na lang yung lumabas sa bibig ko.
"Hindi ko sya gusto, actually, hindi ko rin alam kung bakit ko sinabi skanya yung mga salitang yun. Siguro napreassure lang ako sa mga kaibigan ko dahil akala nila may gusto ako kay Dawn"
Ang lame ng excuse nya pero bakit ang lakas parin ng tibok ng puso ko hanggang ngayon? Dahil sakanya.....
"Gelo I was about to confess to you that night, pero narealise ko na....... mali yung nagustuhan kita"
Tama ba to? Parang binagsakan ng langit yung mukha nya.
"I know, di ko rin alam kung anong sumapi saakin ng gabing yun at napagsalitaan kita ng masama. Pero.....kung kailangan kong ligawan kita gagawin ko"
Ano bang pinagsasasabi ng lalakeng to? Dahil lang namiss nya mga text ko kaya ganito sya?
"Gabi na umuwi kana"
"Di. Seryoso. Liligawan kita pwede ba yun?" Hala bat ganito sya? "Please?" Napapout sya sabay pacute.
Oh no! Im in trouble. Pano ko sasabihin sa mga kaibigan ko na liligawan ako ni Gelo? Although hindi pa naman ako umuoo pero ayyyyy basta bahala na!
BINABASA MO ANG
SANA HINDI NALANG
Short StorySa una masaya, nakakapanibago, nakakakilig pero habang tumatagal lahat ng iyon ay hindi na maibigkas ng mga labi at hindi na maiparamdam ng puso. Ang mga masasayang oras, kiligan at tawanan ay tuluyan ng nakakasawa, nakakapagod at nakakalungkot. Sa...