Chapter 11

24 0 0
                                    

Gusto ni Gelo na kumain kami sa restaurant kaso panay ang tanggi ko dahil alam ko naman na mahal yung mga yun eh kaya naginsist ako na sa fastfood nalang muna kami since paubos narin allowance namin pareho dahil friday na ngayon. Buti nalang pumayag sya kasit halata sa mukha nya na hindi sya yung taong pipila sa counter para mag order, iniimagine ko palang natatawa na ako.

"Ako na magoorder okay lang ba na sa upuan kana lang maghintay?" Nakangiti nyang tanong pero feeling ko di sya komportable.

"Sige" yung lang sinabi ko, hmmm tignan natin ngayon kung hanggang saan ang pasensya mo.

Haos mag 30 minutes na saka sya dumating na may dalang pagkain sa tray. Badtrip ba sya?

"Gelo okay ka lang? Sorry natagalan ka tuloy" sabi ko pero feeling ko natatawa ako, pero sya nginitian lang ako.

"Okay lang first dinner naman natin to" tapos nilagay nya na pagkain ko sa harapan ko tapos nilagay nya kutsara at tinidor ko pati narin straw sa inumin ko.

Tahimik lang kaming kumain, ganito talaga sya no? Tahimik sobra, hindi mo mababasa kung anong nasa isip nya pero imbis na maboring ako parang mas nageenjoy ako na tinititigan lang sya.

"Kamusta maging Law student?" Bigla nyang tanong habang pinupunasan yung bibig nya ng tissue sabay patong ng siko nya sa mesa at tiningnan ako ng deretcho sa mata.

"Tinatanong pa ba yan? Siempre nakakstress, iba yung stress level paghalos limpak limpak na libro yung sasaulihin mo every sem" Natawa naman sya sa sinabi ko, nagagree sya dahil nakarelate sya kasi medical student sya ganun din sakanila. Halos basagan ng utak yung mga napili naming course.

"Lawyer and a Doctor, siguro ang ganda ng future natin pag tayo magkatuluyan noh?" Nabulunan ako sa sinabi nya pero parang wala lang sakanya kasi deretcho ulit sya sa pagkain nya. Yung tibok ng puso ko hanggang langit na! Iniisip nya na agad yung future wala pa ngang kami O.M.G











Biruan lang kami ng biruan halos hindi na namin napansin yung oras hanggang sa umabot na sa seryosong topic yung usapan namin.

"Ano ba nagustuhan mo sakin?" Bigla kong tanong skanya, kasi curious talaga ako eh. "I mean, out of all people bakit ako?" Gusto ko lang malaman na hindi mali tong pinapasok ko.

"Hindi mo naman kailangan ng rason para magustuhan mo yung isang tao" Sabi nya.

Naupo ako ng maayos at tiningnan sya sa mga mata. Tama sya, kahit nga ako hindi ko alam kung anong nagustuhan ko skanya basta ang alam ko nung nkita ko sya, sya na talaga, kaso naudlot pero parang........... bumabalik yung feelings ko.

"Naninibago lang kasi ako, dati pangarap lang kita tapos ngayon...." hindi ko na nadiretcho yung sasabihin ko kasi ang lakas naman talaga makadream come true nitong peg na to eh.

Napangiti sya, yung ngiting halata mong totoo.. yung ngiting alam mong tunay.

"Ngayon, naabot mo na?" Aba! Malakas ang hangin ngayon dito ah? Inirapan ko lang sya pero natawa lang sya. Feeling ko nakangisi yung labi ko buong oras na magkasama kami. Hindi ko man lang naramdaman na hindi mapangiti sa tuwing magbibiro sya or magpipick up line.

"Hala 8pm na!" Nagulat ako pagtingin ko ng relo ko, OMG lagot ako kay tita neto.

"Wag kang magalala ako nalang magpapaliwanag sa Tita mo, wag kanang kabahan" sabi nya tapos tumayo na kami, kinuha nya bag ko at sya na nagdala hanggang sa makauwi kami.


Patay ako ni Tita! Sheeet

SANA HINDI NALANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon