Chapter 1

120 3 0
                                    

Year 2015

Sobrang boring ng ikalawang taon ko ngayon sa college siguro kundi dahil sa mga barkada kong mga baliw baka isa na akong loner ngayon. Masaya ang lahat ngayong unang pasukan dahil after 2 months na bakasyon finally magkakasama na ulit kami.

Abala ang lahat sa pagpuna ng bawat isa tungkol sa mga naging pagbabago nito sa loob ng dalawang buwan. Natawa nalang ako kung pano nila tuksuhin ang isat isa "Wow Marty heavy pulang pula na ngayon ang buhok mo ah? Parang natapunan lang ng pintura" Pagbibiro ni Cherry kay Marty sabay hagalpak sa tawa. "Grabe Che hiyang hiya naman ako sa kulot mong buhok na nakableach parin hanggang ngayon buti hindi ka napagkakamalang walis sa bahay ninyo" At dahil sa counter attack ni Marty humagalpak ulit kami ng tawa dahil sobrang nabara ng todo si Che na pulang pula na ngayon sa hiya , doon nya napagtanto na kailangan nyang mahampas si Marty at yun na nga, naghampasan na silang dalawa.

"Ay pero si Jo, tignan nyo naman oh. Pumuti ang bakla!" Sabi ni Nina habang kinikilatis ang kutis ko, well hindi ko naman sila masisisi dahil mukha naman talaga akong uling nung first year kami. "Gumanda ka girl nakuuuuu maghahanap na yan ng boyfie" pangaasar pa nya. Napailing iling nalang ako sakanya. Boyfriend? Okay lang naman open naman ako lalo pa ngayong single ako at hindi ko naman maikakaila, searching naman talaga ako ngayon dahil hello? Dalaga na ang lola nyo beke nemen diba?

Siempre first day hidi pa regular ang klase kaya heto kmi ngayon sa ground ng campus nanghuhunting ng mabibiktima namin kasama ko mga kaibigan ko si Marty, Che, Nina at Dawn.
"Ayan girl oh pogi hingin ko na number?" Tanong ni Marty saakin. Hinampas naman sya ni Che "Gags eh mukha ngang butiki yan ayyyyyy eto eto bet ko to ayan si baby Gelo!!!!" Kinikilig na sabi ni Che habang tinuturo ang kasamahan nya sa dance troupe, si Gelo. I admit pwede na kaso suplado tska hindi pala imik pero gusto ko nga yang mga ganyan eh yung mga tahimik lang? Naghihintay lang sa gilid kung sinong lalapit pero yun pala nasa loob ang kulo. Papadaan ngayon sa tinatambayan namin si Gelo pati ang kaibigan nya at ang haliparot kong kaibigan eto "Hi baby Gelo~" sabi nya sabay pacute, tiningnan sya ni Gelo ng nakakairitang tingin tapos biglang sinabing "Ang landi landi mo Cherry" BOOM! Lahat kami napatahimik.

"Girl! Na-landi zone ka!" Tapos humagalpak kami ng tawa dahil minura ni Che si Gelo at sinigawan na hindi nya na raw sya crush. Oh diba parang bata lang. After ng pogi hunting namin naisipan na namin umuwi, habang naglalakad kami papuntang sakayan ng jeep hindi ko maiwasang isipin si Gelo. He has something that makes me want to know him more and I don't know why.

Isa lang ang nasa isip ko, I will make you mine Gelo. Hintayin mo ako dahil sinisiguro ko na ako na ang hinahanap mo *insert evil laugh* ang demonya lang ng dating noh? Buti nalang nakarating agad ako ng bahay at siempre dahil feeling ko pagod ako maghapon, nahiga na ako tapos hawak hawak ko na phone ko para mag group message sa lahat. Uso yan bes!



A/n: Hi readers! Welcome sa bago kong tagalog story :) alam ko sobrang waley ng mga mauunang chapters na ipupublish ko but..... wag kayong mag alala gagawin ko ang best ko para mabigyan ng hustisya tong story na to as the time goes by. Support support naman jan oh 😄👍💞

P.s- wala pa pong cover sa ngayon sorry :)

SANA HINDI NALANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon