Chapter 2

63 0 0
                                    

*Group message sent*

Nakasanayan ko nang gawin to lalo na pag nakahiga na ako sa kama at wala nang ginagawa kumbaga pampalipas oras lang. Hindi naman ako nageexpect na may magrereply saakin or what pero wala namang mawawala hindi ba? Tutal unli text naman ang lola nyo.

Maya maya pa tumunog ang phone ko, my message.

New message from Gelo

Napanganga ako ng makita ang pangalan nya sa screen ko pero naalala ko baka nasama ko sya sa GM ko. Oo may number nya ako last year pa dahil nang makitext saakin kaibigan nya doon ko sinave ang number nya incase of emergency charot! At eto rin yung unang beses na sinama ko sya sa GM ko and I don't even know why. Basta gusto ko lang magpapansin sakanya mula nung nakita ko sya kanina, parang feeling ko sya na ang hinahanap ko.

Gelo: Hu u?

Ang jejemon naman ng text nya di ba sya aware na 2015 na?

Ako: Sorry wrong send, nakasave kasi number mo sa phonebook ko kaya naisama kita sa GM ko.

Ayan kunware pabebe lang tayo, kunware hindi sinasadya when infact eto yung dahilan ko para mapalapit sakanya.

Gelo: ah ok

Yun lang? Siempre yan lang alangan namang magkwento agad sya ng buhay nya eh hindi nya nga kilala kung sino ako. Pero after nang text nya na yan hindi na ako nagreply dahil nakakahiya. Halatang halata naman na wala syang interes makipagtextmate saakin.

Sa sumunod na araw ganon parin kami ng mga kaibigan ko pero this time seryoso na ang klase namin kaya hindi na kami nagkaroon ng oras para mag pogi hunting which is hindi ko na kailangan dahil sa tingin ko ay nahanap ko na ang target ko. Hindi naman ako ganito sa lahat ng lalaki eh infact mula elementary hanggang college tatlo palang ang nagiging crush ko at yung isa doon feeling ko first love ko dahil naglast ng 3 years yung paghanga ko sakanya pero siempre hanggang doon lang yun dahil may girlfriend sya at hindi naman ako kagandahan ng mga panahong iyon.

"Jo sama ka mamaya sakin ha wala akong kasama pauwi eh may praktis kami ng sayaw mamaya" Binulungan ako ni Che, si Che talaga yung pinakaclose friend ko as in kami talaga yung magkasundo dahil pareho namin kayang sakyan ang trip ng isat-isa kung baga match kami. "Sure walang problema" sabi ko sakanya at napangiti naman sya ng todo. Pero sa totoo lang gusto ko rin naman talagang makitang sumayaw si Gelo eh kaya umuo nalang ako kay Che.

Pagkatapos ng klase pumunta na kmi sa place kung saan sila magppraktis at heto ako nililibot ang mata ko at umaasang makikita sya pero wala. Siguro may evening class sya yun nalang ang inisip ko or... Baka hindi meant to be? Hayyyyy


Gabi na nang makauwi kami, buti nalang nakakauwi ako ng ganitong oras dahil wala ako sa bahay namin, nasa tita ko ako nakatira dahil medyo may kalayuan sa ciudad ang bahay namin. Wala namang sumisita saakin tuwing gabi na ako umuuwi pero sana lang hindi ito makarating kina mama dahil kung mangyari man edi siempre lagot ang lola nyo!

SANA HINDI NALANGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon