Nasa tapat na kmi ngayon ng bahay ko, actually halos 15 minutes lang yung byahe pero feeling ko ang tagal tagal. "Thank you Gelo hindi mo naman kailangan ihatid ako pero thank you pa din" awkward parin ako sakanya simula nung gabi ng confession.
"Welcome, gusto ko nga to pero sana sa susunod magdinner naman tayo bago umuwi... kung pwede" Nahihiya nyang sabi. Nanlaki mga mata ko at tinapik nya lang balikat ko saka nagpaalam na, iniwan akong tulala. ANO? DINNER?
BALIW BA SYA? Ang dami nang emotions ang binibigay nya sakin kota na sya ha. Ano to? Laruan ng feelings? Sya taya? Tapos ano pag game over na, ako matatalo kasi marupok ako? Hayyyyy.
Nagbihis na agad ako tapos niyaya na ako ni Tita kumain pero sabi ko busog ako. Hindi nya na ako pinilit at ginawa ko nalang yung assignments ko habang nagsosoundtrip ng BTS favorite tracks ko.
After 2 hours dinapuan na ako ng antok kaya nahiga na ako.*new message*
Gelo: Goodnight Jo :)
Nauuna na sya sakin magtext! Magrereply ba ako? Pag magreply ako ibig sabihin marupok talaga ako....
Ako: Goodnight din Ge.
Sorry guys marupok tlaga ako huhu.
Everyday ganonb na lagi yung routine ni Gelo kapag hindi ko kasabay mga kaibigan ko sa paguwi. Hanggang ngayon kinukulit nya ako sa dinner date na request nya kaso hindi ko talaga alam kung ano isasagot ko. Naninibago kasi ako, what if bet lang lahat ng to? What if pag nafall na ako saka nya ako iiwan sa ere? What if may mahanap sya na mas maganda kesa sakin? Ang daming what ifs eh. Hindi ko alam ang gagawin ko.
"Earth to Josefina, hello?" Tulala na pala ako. Pero hindi ko mapapalagpas ang patawag sakin ni Marty ng buong pangalan ko.
"Swear pag ako tinawag mo pa sa buong pangalan ko ibebenta talaga kita" pagbabanta ko pero natawa lang sya sakin.
Oo na! oo na! Josefina ang pangalan ko at wag na wag nyong babastusin ang pangalan ko dahil pinagisipan yan ng maigi ng mga magulang ko. Aish
"Ano ba kasi iniisip mo?" Sabay change topic.
"Eh kasi, ano ba pano ba to? Si Gelo kasi gusto nya mag dinner date" Nagulat sya sa sinabi ko. Buti nalang hindi namin kasama ang iba dahil may tinatapos pa sila na assignment sa library.
"Eh anong masama? Diba nililigawan ka?"
"Nahihiya ako"
"Anong gusto mo samahan ka namin?"
Oo nga noh! Pwede naman yun diba? Hindi ko kasi kayang kami lang dalawa. Napansin ni Marty yung pagtwinkle ng mga mata ko, feeling ko nagsisisi sya sa sinabi nya. Well
"No way! Ano ka highschool? Kaya mo na yan!" Sabi nya sabay walk out. Ugh! Hinabol ko sya tapos pinilit na samahan nalang ako pero sabi nya sa iba nalang eh hindi naman papayag si Che, pati si Nina at lalong lalo na si Dawn no! Ang awakward kaya!
Magkasabay kami ngayong uuwi ng mga kaibigan ko kaya hindi ako mahahatid ni Gelo ngayon. Nasa labas na sya ng room namin, "Kasabay ko ngayon sina Che" sabi ko sakanya tapos napa 'oh' nalang sya saka ngumiti.
"Ah ganun ba? Sige ingat kayo sa paguwi ha" sabi nya tapos bigla akong naguilty, nasanay na siguro ako na sya lagi naghahatid saakin pauwi.
"Wait lang! Magpapaalam lang ako sakanila na sabay tayo" hindi ko alam kung bat ko sinabi yun pero nung nakita kong umaliwalas yung mukha nya parang naligayahan ako?
Buti nalang pumayag sina Che, halos magiilang araw narin kasi mula nung magumpisa si Gelo saakin, alam nyo na, kaya nasanay narin sila. Tutuksuhin nila ako pero hanggang doon nalang yun, saamin lang hindi sa harap ni Gelo.
Papunta na sana kami sa parking lot kaso naisip ko bigla yung dinner, ngayon ko na kaya sya pagbigyan? Naguiguilty narin kasi ako. Halos everyday or every uwian or every end ng schedule nya sa labas ng classroom ko lagi sya nakatambay halos di na sya nasama sa mga kaibigan nya (buti nalang wala silang upcoming na competition) kaya maluwag ang oras nya. Tapos halos ilang araw narin mula ng niyaya nya ako at feeling ko, deserve nya rin naman yung dinner na to kakahatid nya sakin. HINDI KO SINASABING NAFAFALL NA AKO ULIT HA pero parang ganon na nga.
BINABASA MO ANG
SANA HINDI NALANG
Short StorySa una masaya, nakakapanibago, nakakakilig pero habang tumatagal lahat ng iyon ay hindi na maibigkas ng mga labi at hindi na maiparamdam ng puso. Ang mga masasayang oras, kiligan at tawanan ay tuluyan ng nakakasawa, nakakapagod at nakakalungkot. Sa...