Matapos ang mga nagdaang misyon ay binigyan ni Fredrich si Laura nang isang Linggong Bakasyon. Isang Treat sana ito sa Greece subalit isang Trahedya ang nangyari sa binigay na Bakasyon ni Fredrich Bersamin. Hanggang sa mga Oras na ito ay hindi wala pa rin siyang Kontak kay Laura. Nakita ang Private Jetplane na ginamit pero wala doon si Laura.
" Ano ba, Laura nasaan ka na? Buhay ka pa ba? " Fredrich
" Mr. Bersamin! " Search & Rescue Man
" Ano!? May Balita na ba kayo? Nakita nyo na ba siya? " Fredrich
" Nilibot na po namin ang Buong Paligid ng Private Jetplane nyo, Sir. At kahit mga Karatig Isla ay wala silang nakitang Babae na naanod sa Baybayin o Dalampasigan. " S&R Man
" Hindi! Hindi siya Pwedeng Mamatay!... Laura!... " Fredrich
" Sir! Sir! Huminahon po kayo.. Ang Puso nyo.. " Agent Quesha
Unknown Islet
" Uhhmmnn... "
Nandito ako..nakasalampak ang Katawan sa Isang Tabing Dagat at Unti-unting nagkakamalay
" Uuungghh..N-Nasaan ako?... " Laura
Nilingon-lingon ko ang Paligid hanggang sa Maalala kong Bumagsak nga pala ang sinakyan kong Private Jet ni Fredrich Bersamin at sumabog. Hindi ko alam kung Nasaan ako kaya gamit ang Aking Dalawang Pistol na nasa sukbit ko ay nilibot ko ang Lugar.
Hindi nagtagal ay tila may naaninag akong tila isang gusali. Oo, Isang Abandonadong Gusali. Mukhang may nangyari pagsabog sa Lugar na ito. Dahil nagkalat ang mga Materyales at Gamit
" Isa ba 'tong Secret Facility ng Gobyerno? .. Kaninong Gobyerno naman? " Laura
Maya-maya ay may narinig akong mga Yabag ng Paa habang tumatama ito sa mga Bubog.
" M-May Tao!? " Laura
Mabilis akong nagtago at doon ay tumambad sa akin ang nasa likod ng mga Yabag na yon..
" Huh?!? Ano..Ano sila!?!? " Laura
Iba ang hitsura nila kumpara sa normal na Tao pero pareho sila ng Complexion ng Tao, Kulay Green nga lang ang Balat nila. Hindi kaya sila...Mga Mutant?
" Sigurado ka ba sa Naamoy mo!? " Mutant1
" Oo hindi ako pwedeng Magkamali! Napakabango ng Amoy na yun! Snifff-Snifff..Doon! " Mutant2
" Saan!? " Mutant1
" Dito! Malapit lang dito! " Mutant2
Pakiramdam ko, ako ang naamoy nila. Kailangan kong makaalis baka gawin nila akong Tanghalian.
Dahan-dahan akong naglakad pero hindi pala ganun kadali.
" Saan ka Pupunta!? " Mutant2
" Hahh!?!? " Mutant
BINABASA MO ANG
THE UNTOLD JOURNAL OF LAURA COXX
Adventure*EXTREME MATURE THEMES* Finding Relics and Artifacts are my Specialty Pero bukod pa pala doon ay magkakaroon pa pala ako ng Isang di Inaasahang Adventure as an Archeologist. Nasanay na ako na may mga Nakakasalamuha at Nakakalabang mga Sinaunang Hal...