Chapter 1: stranger

9 0 0
                                    

Nakaupo ako dito sa mga upuan sa park. Nag mumuni-muni nag iisip - isip. Alas singko na ng hapon ngunit wala parin akong balak umuwi.

Dinadama kopa yung malamig na hangin na tumatama sa balat ko. Maaliwalas ang kalangitan na para bang perpekto ang lahat. Yung para bang wala kang problema sa buhay? Pinagmamasdan ko lang ang mga ulap na animoy nalikha ng larawan sa kalawakan.

Naalala ko ang kaibigan kong si Lizelle. Kadalasan Ay siya ang kasama ko dito. Pero dahil may inaasikaso pa sila about business matter, wala siya dito.

"Excuse me, pwedeng maki-upo?"

Isang lalaki na nakatayo ang nasa harapan ko ngayon. Naka jacket na itim, maong na pantalon at converse na sapatos.

"Sige" walang ganang sagot ko.

Kung titingnan mo siya ay halatang nakainom ito. Amoy na amoy ang alak sa kanya. Nagpapaka lango sa alak imbis na ipinangkakain nalang tsk!

Sinulyapan ko siya sandali at kapansin pansin na malalim ang iniisip nito.kaya naman napag desisyunan kona lang na umuwi na, gumagabi narin. Pero bago paman ako makatayo ay pinigilan na ako nito.

"Aalis kana agad?"

Sa tono ng pananalita niya ay masasabi kong nasa huwisyo pa naman ito. Pero anak ng! May gana pa talagang magtanong?!

"Gusto ko lang makipagkilala" Aniya sa mahinahon na paraan.
"Well I don't ca--"
"I'm Adriane Irvanne, and you are?"

Hindi kona naituloy ang sasabihin ko ng magsalita siya agad. Whatever!

"Lucy. Lucy Heart Alcantara" sinalubong ko ang mga mapupungay niyang mata na nakatingin sakin. Umiwas naman ako at umalis.

Paguwi ko sa bahay ay patay na ang mga ilaw. Malalagot nanaman ako nito kay nanay Irene bukas. Pumasok na ako sa loob at nag dinner mag isa. Yes I'm alone sila nanay Irene lang naman ang kasama ko kumain, ito ang mayor doma ng mansyion since palaging busy ang mga magulang ko sa business matters nila.

Sanay na ako sa ganitong buhay. Always been waiting for them to come home, again.

Pagkatapos ko kumain ay tumaas na ako para makapag pahinga. Ilang minuto akong nakatitig sa kisame ng pumasok sa isip ko si Adriane.

Kilala dito sa Pampangga ang Irvanne Family. Pumapangalawa sila samin sa pinakamayang pamilya dito sa syudad. Pero bakit hindi ko siya kilala? I mean, lahat sila ay kilala ko dahil narin sa partnership sa mga business namin but how come na may anak pala sila. Adriane

Bakit ba kase 'yon iniisip ko pa? Makatulog na nga lang!

---------

Mag aalas-dyis na ng umaga ng magising ako. Wala pa sana akong balak na bumangon pero narinig kona yung tiyan ko. Gutom nako

Kinuha ko na yung towel ko at nag shower na. Mabilis lang akong natapos at nakapag ayos agad ako ng sarili ko. Lumabas na ako ng aking silid, Habang tinatahak ko ang hagdan pababa naamoy ko agad ang napakabangong luto ni nay Irene

"Goodmorning heart, prepare na ang breakfast mo. Kumain kana"

Busy ito sa pagpupunas ng mga plato. Tapos na silang kumain at nakapag hugas narin ng plato , hindi man' lang niya ako hinintay :<

Tutungo na sana ako sa dining table ng humarap siya sakin at pina-mewangan ako. Patay!

Assassin's LoveWhere stories live. Discover now