Adriane's POVHalos tatlong gabi na akong hindi makatulog kakaisip sa text ng danger caller daw'. At first inisip kong its just a prank by someone that I don't know. Pero hindi ako pagaaksayahan ng babaeng 'to ng walang dahilan.
Hindi ko rin malaman kung anong tinutukoy niyang Laro. Ilang araw nalang at magpapasukan nanaman at sa monday ang eksaktong araw na hihingi siya ng sagot.
Napagpasyahan ko munang mag lakad lakad. Gabi na at napaka lamig ng hanging na tumatama sa balat ko. Nakita ko sa di kalayuan si Lucy. Nakaupo ito at tulala lang
Lumapit ako sa kinauupuan niya. Hindi niya napansin ang pagtabi ko sa upuan niya. Tahimik lang ito na nakatingin sa nga bituin
"Mag-isa ka ata" basag ko sa nakakabinging katahimikan. Nagulat siya ng makita ako pfft, nakakatawa ang itsura niya.
"K-kanina kapa diyan?" Hindi makapaniwalang tanong niya. Umiling lang ako nilang sagot. Kumalma narin ito
"Why are you here?"
"Wala ba akong karapatan na pumunta dito?"
Balik na tanong ko sa kanya. Tumawa lang ito, tsk! abnormal talaga. Akmang tatayo na ito ng hawakan ko ang braso niya. Napatingin siya sakin dahil sa ginawa ko.
"Bakit ba palagi ka nalang naalis kapag malapit ako sayo?" Tinanggal niya ang pagkaka-kapit ko sa braso niya. May lumapit saming isang lalaki na sa tingin ko ay kakilala ni Lucy.
"Tsk! Kaya pala" bulong ko na parang narinig pa niya . inismidan niya lang ako bago naglakad na palayo.
Ramdam kong may dalawang mata ang kanina pang nakatingin sakin. Hindi nako nagulat mg tutukan niya ako mg kutsilyo sa leeg. "Do you miss me?" Bulong nito sa tenga ko. Napalunok naman ako ng ibaon pa nito ang kutsilyo sa leeg ko.
"Magpa kilala ka" nanginginig man' ay nakuha ko paring magsalita. Tumawa ito na akala mo'y wala ng bukas. "Hindi mona gugustuhin pang makilala ako" unti unti itong lumayo at nawala sa dilim.
Nakahinga lang ako ng maluwag ng masiguro kong wala na talaga ito. Tumayo na ako at umuwing gulo ang isip, anong kailangan mo sakin?
Lucy's POV
"Nabili niyo naba lahat ng kailangan niyo for tomorrow?" Tanong ni Andrea . nandito kaming apat nila Alex, Andrea at Andy sa isang mall. Bukas na ang pasukan kaya bumili na kami ng mga gagamitin para bukas.
Nagsi-tanguan lang kami bilang sagot. "Mauna na kayo sa parking lot, pupunta lang ako CR" paalam ko sa kanila. "Samahan na kita" Andrea suggested. "Mabilis lang ako"
Ipinahawak ko lang sa kanila ang mga gamit kong dala at pumasok na ulit sa mall. Papunta nako ng cr ng mabangga ako ng isang mama, halatang nagmamadali ito. Hindi kona siya pinansin dahil kailangan ko ng mag Cr.
YOU ARE READING
Assassin's Love
Mystery / ThrillerLove has no place in my world its just a waste of time. I grew up without the care and the love that I so-called-parents, but when I got the job that gives me the most important thing that I need. The care, the love and also the importancy. Suddenly...