Chapter 5: Mission

3 0 0
                                    


Lucy's POV

"Ano pong meron?"

Tanong ko sa isang kasambahay namin. Kabababa ko lang at halos lahat sila ay abala sa pag aayos at pag lilinis ng buong bahay.

"Ngayon po darating ang mommy at daddy niyo" shocks! Bakit hindi ko alam?

Nilagpasan ko na ito at lumabas na ng mansion. Mas lalong magiging delikado kung dito ako mag sstay, kailangan kong makapag dahilan para makaalis dito pansamantala.

Napatingin ako sa isang lalaki na nasa tabi ng puno, ilang kilometro lang ang layo sakin. Kitang kita ko ang pag ngisi nito bago ito tumakbo palayo.

Hinabol ko ito at hinagisan ng kutsilyo. Nadaplisan ang braso nito at sumakay na sa kotseng naka abang sa kanya.

"Heart anong ginagawa mo dito sa labas?" Dumating na pala si nay Irene. "May tiningnan lang po. Anong oras ang dating nila dad?" I try to change the topic. Hindi pwedeng magka-gulo ngayon.

"Alam mo na pala" naglalakad na kami papasok ng mansion. Bumaba kase si nay Irene sa sasakyan ng makita ako "nandito nayon sa loob ng isang oras"

Mataman ko siyang tiningnan. Para bang kalkuladong kalkulado niya ang oras. Nasa mid-40s palang naman si nay Irene kaya siguro tanda niya parin ang makokonsumong oras.

Pagpasok sa loob ay dumeretsyo na ito sa kusina. Kinapa ko ang cellphone ko sa aking bulsa. Nakita kong may text si Andrea.

'We have a new mission. Pumunta ka dito bukas ng umaga, ipapaliwanag ko sayo'

Napabuntong hininga nalang ako sa nabasa ko. Ilang buwan rin akong mawawala kung saka-sakali.

Ano ano bang mga panganib ang naghihintay sakin?"Malungkot ata ang prinsesa namin?" Natigilan ako sa pag iisip at humarap sa nasa likod ko.

"Daddy! Mommy!" Masayang sambit ko. Pareho ko silang niyakap na dalawa. "Bakit hindi niyo ko sinabihan na uuwi na pala kayo? Kung hindi ako nagtanong hindi kopa malalaman" kungyaring nagtatampong sambit ko.

Tinawanan lang ako ni mom. "Its a surprise dear. Tsaka hindi rin kami magtatagal" hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.
"We have a lot of things to do. And I hope you understand that" sabi sakin ni dad "Ofcourse dad" nginitian ko lang sila ni mom.

"Magsikain na kayo" wika samin ni nanay Irene. Masaya kaming nagsalo salo. Nagkwentuha at nag asaran. I wish that were always like this

Assassin's LoveWhere stories live. Discover now