Chapter 4: Welcome back

4 0 0
                                    

Ipinarada kona ang sasakyan ko sa isang abandonadong gusali. Mahirap makapasok sa lugar na ito dahil Napakasukal ng dadaanan mo, panigurado ring patay kana bago kapag makapasok sa dami ng tauhang nagbabantay dito.

Nakasuot ako ng maskarang asul sakto lang para takpan ang kalahati ng aking mukha. Naka jacket rin akong itim kung saan naka sulat dito ang assassin's leader.

Madaming tauhan ang nagkalat dito. Pagbaba ko ng sasakyan ay may lumapit saking lalaki. "Ms. Blue, kayo po pala 'yan" bahagya itong yumuko . "Yep, and if you don't mind kailangan ko ng umalis. Nakaharang ka sa dadaanan ko" mataray kong sabi. Kaya agad itong humingi ng paumanhin at binigyan ako ng daan.

Kung titingnan mo ang labas ng gusaling ito ay aakalain mong mababagsakan ka nalang anytime.

Pero sa likod nito nakakubli ang isang mala-palasyong gusali. Ito ang lugar kung saan ako natuto sa lahat ng bagay na alam ko ngayon.

Pumasok na ako sa loob at pumunta sa elevator. Maraming nagulat sa biglaang pag dating ko, inaasahan kona rin 'yon. Nasa ika-20 palapag ang opisina ko kaya ilang minuto rin ang tinagal ko sa loob ng elevator.

Paglabas ko ay tumambad sa harapan ko si Andrea kasamahan ko sa BGC.
"Look who's here!" Masayang bigkas nito na nakipag apir pa sakin. "Tara samahan na kita sa opisina mo" natatawa nalang ako sa mga ikinikilos nito.

"Na-miss moko no?"  Mahina niya akong hinampas sa braso. "Oo masaya kana? Bakit kase ang tagal mong bumalik e, kainis 'to" mas lalo akong napahalakhak sa sinabi niya.

Pumasok na kami sa loob at gaya ng inaasahan  ko ay nagulat rin sila. Hindi talaga nila inaasahan ang pagbabalik ko. "Woah, Ms. Blue your here" niyakap na ako ng mga kasamahan kong narito sa loob ng opisina.

"Biglaan ata ang pagdating mo?"nanigas ako sa kinatatayuan ko. Tila hindi ako makagalaw ng magsalita siya. Ang taong matagal ko ng gusto

Hinarap ko ito at ngumiti. Alex how I miss you. "Parang ayaw mo naman akong makita niyan" sabi ko sa kanya na ikinatawa lang nito.

Bigla niya akong inakbayan kung kayat parang kinukuryente ang buong sistema ko ngayon. Ang lahat naman ay halos natatawa lang sa nangyayari

"Na-miss kita" na-miss rin kita. "Namin" dagdag pa nito . "na-miss ka naming lahat" pag ulit pa niya. Para bang may bumara sa lalamunan ko at hindi ako makapag salita. Kayat nginitian kona lang ulit sila at nagpaalam na akoy tutungo muna sa silid ko.

Pagpasok ko sa loob ay ganoon parin ang ayos ng mga gamit na narito. Malinis at halos asul lahat ng kulay ng aking dingding. Nakakamiss ang lahat ng nandito pero hindi ko nakakalimutan ang pakay ko kung bakit ako maagang nagbalik.

Assassin's LoveWhere stories live. Discover now