CHAPTER 1: Somebody to you

1.5K 20 0
                                    

CHAPTER 1: Somebody to you

Hannah’s POV

Heto na naman ako…

Nakamasid, nakabantay…

Ganito naman na lagi, wala nang pinagbago…

Haaays :-(

Sa tatlong taon na pagpaparamdam ko sa kanya…

Hindi man lang niya ako napapansin o pinapansin…

Sarap ngang ihampas sa mukha niya ang kanta ni Vice eh… yung “Manhid ka” ba ‘yun?

Ah basta yun na yun XD

Pero ayun nga, ok na sana eh, yung ako lang ang nagmamahal sa kanya ng pa-sekreto…

Pero ang sakit lang isipin na ginagawa  mo na nga ang lahat mapansin ka lang niya, iisang babae lang naman pala nakikita niya….. si Dannah Leondale…

Anak ng may-ari ng Leondale Academy at heiress ng Leondale Corp…. Maganda, sikat at queen bee sa campus…. Ang perfect noh? Mayaman na nga, maganda pa…

Pero alam mo yun? Ang Queen namin sa campus eh may tinatagong kababalaghan din pala…. Oo, siya lang rin naman ang Queen BEEYOTCH sa academy at ang dakilang babaeng mahilig mantrip at mambully sa’kin…. Saklap noh?

Pero ang pinaka-nakakainis sa lahat eh yung kahit gaano pa ka-sablay ang attitude ni Dannah eh hindi pa rin maipagkakaila na bagay na bagay silang dalawa… isang queen bee at isang heartthrob…

Kainis nga eh!! Sa lahat ba naman ng lalaki sa mundo bakit ba ang Clark Lee na yun pa ang pinili kong mahalin sa loob ng tatlong taon? Yun pang hindi ko kapantay…. Yun pang heartthrob na yun, yung MVP Basketball Captain at ang pinaka- gwapo at mayaman pa sa school ang pinili nitong letcheng puso ko?

Sabagay, wala namang hindi kamahal- mahal sa kanya diba?

Yung pagkamanhid lang naman niya….

At sino ba naman ako para pansinin niya diba? Eh hindi naman ako kasing yaman niya o nung Dannah na yun... well, mayaman din naman ako, pero sila yung MAS eh…. Hindi din naman ako kagandahan at hindi rin ganun kasikat tulad ni Dannah… para nga akong hangin sa school eh…. Ni walang ibang tao nakakakilala sa’kin ng husto kundi si---

“Hoy!! Hannah ano na naman bang katangahan pinaggagawa mo sa buhay mo?!” speaking of the devil -_-

“Aish! Ano ka ba naman Rella? Hinaan mo nga yang boses mo? Baka marinig tayo ni Clark eh! Kainis ka!!” Nakalunok na naman ba toh ng megaphone?! Max na ang volume eh! Rinig na rinig na sa buong school! Tsk!

“Puro ka na lang ba Clark?! Wala ka na sigurong ibang iniisip eh kundi yang CLARK na yan na hindi ka naman  kilala!!!” Aba’t may lakas pa siyang loob na i-emphasize ang pangalan ni Clark ah?! Sabihin nyo nga? Bestfriend ko ba talaga toh?! Amputs naman oh!!

“Shut.UP!” madiin kong bulong sa kanya… mukha namang na-gets niya ang sinabi ko kaya nanahimik na siya… buti naman..

“Hindi naman siguro niya narinig eh… busy nga siya makipaglampungan sa girlfriend niya oh” bulong niya sabay ngumuso sa direksyon nina Clark at Dannah… na naglalambingan </3

Hindi ko mapigilang masaktan… malamang eh sa mahal ko yung taong kalampungan nung babaeng yun eh!! P*tek lang… ang hirap pigilan nitong letcheng luha ko :’(

Mukha namang napansin ni Rella na on the verge of crying na ang lola niyo kaya dali-dali siyang tumayo at kinaladkad ako sa kung saan…. Palayo sa kanya… palayo kay Clark :-(

“Asan tayo pupunta?” tanong ko na lang kasi malamang sesermunan na naman ako nito ni Rella kung magda-drama na naman ako sa harapan niya

“Magsa-stalk kay BEBE AAAAARRRRJAAAAAAYYY!!! WHOOT!! WHOO--- aray naman ano ba?!” ayan binatukan ko nga -_- ingay eh..

“Ingay mo” sabi ko sabay irap…

“Eeeh!! Masisisi mo ba ako? Eh sa excited na akong Makita si bebe labs eeeh!!” kinikilig pa siya nyan ha? Kakaiba talaga tong bespren ko… bigla- bigla na lang magtitili ng wala sa oras… may topak na nga siguro to eh!! Hindi man lang niya namana sa ate niya ang katinuan sa ulo!! Tsk!

“Bahala ka nga sa buhay mo” sabi ko sabay walk out… kakahiya kasama tong babaeng toh!! Ang hilig niya sa attention!!

Pinigilan naman niya ako..

“Ano ka ba bespren!! Wag ka ngang KJ!! Samahan mo ‘ko!! Tsaka isa pa, ayaw mo bang makita ang future brother-in-law mo huh?”

“Ayaw..Eh ano ngayon kung pareho Lee surname niyang RJ mo at Clark ko ha? Pake ko naman kung magkapatid sila? Isa pa, waste of time namang magstalk sa taong hindi ko naman gusto noh!! Bahala ka nga dyan! Basta ayoko, AYOKO!!” naiinis na sabi ko sabay aakmang mag-wa-walk out na naman ng bigla na lang niya akong kinaladkad—na naman—papunta sa kung saan mang lupalop sa mundo… OH GOD! Pakawalan mo ako sa tuliring kong best friend!!! WAAAAAHH!!! TT__TT

******

A/N: Wahh!! Sorry kung sabaw!! Perstime ko kas—este NAMIN magsulat…and when I say namin, NAMIN!! Yup!! Hindi lang po nag-iisa ang author ng istoryang to ;-) APAT po kami actually… and honestly, WE are trying very hard para maging successful ‘tong story na to kaya please! Paki support naman oh TT—TT pwamis hindi po kayo magsasawa!! XD 

Loving Him From AfarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon