CHAPTER 6: Shattered tears

415 7 2
                                    

CHAPTER 6: Shattered tears

(A/N: Play the song on the multimedia!!!)

“Dannah…” I whispered horrified while staring at her angry-looking eyes…

“Dannah, It’s not what you thi---“ Clark tried to explain but Dannah cut him off

“So this is the ugly-looking b*tch your having a fling on? Gosh!!! I didn’t knew na mababa na pala standards mo sa mga babae, BABE?” Dannah said sarcastically while expressing the word ‘Babe’

“Dannah listen, kung iniisip mo na niloloko ka ni Clark, pwes hind---“ Again, she cut me off…

“Exactly b*tch!!! That is exactly what I’m thinking!! Hindi ko inakala na pati BOYFRIEND KO eh nilulusot mo na pala sa likod ko? At ikaw Clark? Bakit mo ba pinapatulan ‘yang low standard slut na ‘ya---“

“ Dannah!! Why can’t you just have faith in me? Since we were young, you are the only girl I have loved!!! I have never given you any reasons to doubt and now your accusing me---?”

“ Wow Clark!! Hindi mo talaga ako binigyan ng rason para pagdudahan ka ha? Eh ano ‘to? Ano tong ginagawa niyo dalawa nyang tanginang babaeng yan ha Clark? ANO?!” Sh*t… ano bang nangyayari? Wala namang ginagawang masama si Clark… Kaya bakit ganito na lang ang pagseselos ni Dannah sa’kin?

“ Dannah… please… just—just l-listen to m-me…” Nanghihinang pagmamakaawa ni Clark habang lumuluhod sa harapan ni Dannah… Clark, ano bang ginagawa mo? Hindi mo naman deserve si Dannah pero bakit mahal mo parin siya? Tangina ang sakit… ang sakit sakit… naramdaman kong tumulo ang mga luha ko habang nakatingin sa katangahang pinanggagawa ni Clark…

“Hindi Clark… I-I’m tired… bakit kasi ganito na lang palagi? Everytime na magkakasama tayo para namang hindi mo ako kasamang talaga… parang ibang babae pa ang iniisip mo… ibang tao ang nakikita mo…” Tumingin si Dannah sa akin… nagulat ako… hindi dahil sa pinagsasabi ni Dannah… kundi ang mga mensaheng nakatatak sa mata ni Dannah… na para bang, ako yung babaeng pinagsasabi niya…

Agad akong umiling… ‘wag ka ngang ilusyonada diyan Hannah, iisang babae lang nga ang nakikita ni Clark hindi ba? Pero bakit… bakit parang iba ang inaakala ko sa katunayan?

“ Dannah… I h-have never l-loved anyone b-but you… I love no one else but you… P-please… we can work t-this out r-right? Just give me time to e-explain…” Tumutulo na ang luha ni Clark habang parang desperadong lumuluhod sa harapan ng babaeng kina-iinggitan ko  sa oras na ito…

Grabe siya… maganda na nga siya, sexy pa, mayaman, sikat, lahat nasa kanya na…. pati nga si Clark kanyang kanya eh…. Da hell, nakakapanlumo na makita ko si Clark sa sitwasyong ito… bwisit kasi na Dannah eh!!! Hindi ba niya nakikita, mahal siya ni Clark, pero bakit… bakit hindi man lang niya nakikita yun? Ganun na ba siya ka walang faith kay Clark? Ha?

Umiling iling si Dannah at saka tumingin sa gawi ko…

“Wala nang dapat pang i-explain Clark, kitang- kita na ng dalawa kong mata ang paglalandian niyo eh… kung hindi sana ako nakakita sa inyo… baka may kung ano pang mangyari “ She smiled at me… yung kakaibang smile..

I was shocked… Sh*t!!! ano daw? May mangyari? S-sa amin? Ni Clark? The hell?

“Dannah… that’s not true!!! I can explain… please let me expla---“

“Bwisit na explain ‘yan Clark!!!  Sa tingin mo ba maniniwala ako sa mga i-eexplain mo ‘kuno’ kung kitang kita na ng dalawa kong mata ang kalaswaan niyong pinanggagawa ha?! Sa tingin mo---“

“F*CK THIS SH*T DANNAH!!! THIS IS SO F*CKIN MESSED UP!!! I DON’T F*CKING UNDERSTAND WHY AFTER ALL THIS F*CKING YEARS YOU STILL HAVE THE MOTHERF*CKIN’ GUTS TO F*CKIN DOUBT ON ME?! I CAN’T F*CKIN BELIEVE YOU DANNAH!!! I F*CKIN LOVE YOU SO F*CKIN MUCH!!! I HAVE NEVER F*CKIN LOVED ANYONE BUT YOU!!! YET… yet wh-why? Why are you doing this t-to me? I d-didn’t deserve th-this… I just l-loved you… r-right? B-but why Dannah? Wh-why?”

Nanghihina si Clark habang humahugulgol ng malakas… for what felt like hours, wala akong ibang maramdaman kundi ang malakas na paghagulgol ni Clark at ang malakas na pagtibok ng aking puso… Hindi ko naramdamang, humihikbi na di pala ako… umiiyak na naman ako… Hindi ko magawang lumapit sa kanya para yakapin siya, sabihin na okay lang ang lahat kahit alam ko hindi… wala naman akong karapatan diba? Wala na rin akong lakas ng loob na lumapit pa sa kanya… awing-awa na ako sa sarili ko… bwisit kasi, ang martir martir ko na…

“ Bakit? BAKIT? Tangina Clark tinatanong mo kung BAKIT? KASI LAHAT NA LANG NG ATENSYON MO NASA KANYA!!! ULTIMO PAGMAMASID NIYA SA’YO NAKIKITA MO!!! AKO NANDITO LANG SA TABI MO HINDI MO MAN LANG MASYADONG PINAGBIBIGYAN NG PANSIN!!! SA TUWING MAGKASAMA TAYO LAGI NA LANG HANNAH, HANNAH!!! PURO NA LANG HANNAH BUKAMBIBIG MO CLARK!!! TANGINA NAKAKAG*GO EH!!! NAKAKA-LECHE!!! NGAYON SABIHIN MO… KUNG PAPAPILIIN KITA KUNG SINO SA AMING DALAWA NG HANNAH MONG ‘YAN… SINO PIPILIIN MO HA?! SINO?!”

O___O

Shocked. That was the first thing I have felt nung nalaman ko ang isang rebelasyon ni Dannah, Ni hindi nga magsink in sa utak ko ang mga sinabi niya sa’kin eh… leche talaga ano daw sabi niya? Nagkamali lang siguro ako ng rinig diba? Oo, tama, nagkamali lang talaga ako ng rinig…

Napaka-imposible naman kasi kung ako yung tinutukoy ni Dannah diba? At isa pa…

Tumingin ako sa dalawang taong nasa harap ko ngayon at saka napangiti ng peke… Isa pa, ako naman ang dakilang epal dito eh… ng dahil sa’kin masisira na ang maganda nilang relasyon…. Ng dahil sa’kin, nasasakan si Clark ngayon…

Tumango ako sa sarili ko… Tama ka Hannah, ng dahil sa’yo, nangyari ang lahat ng to, isa kang relationship-wrecker… wala ka nang ibang ginawa kundi sumira ang relasyon ng may relasyon…

Tumulo ang luha ko nang Makita kong biglang tumayo si Clark sa posisyon niya at saka niyakap niya si Dannah…

Alam na alam ko na ang susunod na mangyayari… Si Dannah ang pipiliin niya… kitang kita naman, at ako? Well, iiwas na ako sa kanila, hindi na ako manggugulo pa at magmo-move on na ako… kahit hindi naman naging kami… kahit hindi naman ako ang gusto niya… I chuckled in disgust… kadiri ka Hannah, nangwawasak ka na nga ng relasyon, may lakas ng loob ka pang magpantasya…

“ Dannah, I’m sorry..” wika ni Clark habang nakayakap ng mahigpit kay Dannah… nakita ko namang napangiti si Dannah at akmang gagantihan ng yakap si Clark ng bigla na lang itong kumalas sa yakap…

“ …but I choose H-hannah” he muttered silently but still enough para marinig namin dalawa ni Dannah…

For the second time around… I was shocked, pero ngayon, may kasama na akong nagulat, si Dannah… Bakit? Bakit ako ang pinili niya?

“ W-what? Clark, babe, y-your kidding right? Y-your not choosing that slut over me---“

“Don’t you hear what I said Dannah? I choose Hannah… You made me choose, so I.chose.her” matigas niyang sabi while gritting his teeth… his jaw is locked at alam kong nagpipigil lang siya sa mga luha niya…

“B-but Clar---“

“ If you don’t have anything important to say… then you can go” He coldly said habang diretsong nakatingin sa mga mata ni Dannah..

Si Dannah naman na obvious na natatakot sa tingin na ipinukol sa kanya ni Clark eh bumaling sa akin… tinignan niya ako ng masama…

“You, ikaw may pasimuno ng lahat ng ‘to… swear, if I could, I would kill you…” tumingin siya sa mga mata ko at nakakatakot na ngumiti..

“Pero dahil maganda ako… Mas worse pa dun ang gagawin ko... watch out b*tch, hindi mo alam kung binangga mo…” She said and smiled visciously before walking out… leaving the mess and heartaches deep within me…

******

A/N: yash!!! Edited na siya hoho ^.^ please ulitin niyo ng pagbasa ang chap nato kasi mapanghe ang nai-UD namin eh!!! At oo nga pala!! Tomorrow na lang ang next Ud… medyo busy eh!! Test kasi namin tomorrow so ayun!!! Enjoy reading!!! ^___^

Ps: Thank you sa mga sumuporta at nagbasa sa book naming ito!!! At kuya Xavier… thanks for the advice!!! Hehe ^.^

XOXO

Gimme_four

Loving Him From AfarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon