CHAPTER 11: Back off, she's mine

560 8 0
                                    

A/N: Promise namin sa inyo na magu-update kami within this week. So here it is!! Belated Merry Christmas sa inyo mga loyal readers!! Enjoy reading!! <3

Chapter 10: Back off, she’s mine

It’s been one month. One month na kami nag-iiwasan---Scratch that--- One month na siya umiiwas sa’kin. Yes, it has been one month since pinaghinalaan ako ni Clark na lumalandi kay Kookie. One month na ang lumipas mula nung sinuntok ni Clark si Kookie at sinabihan niya akong malandi. One month na since umiyak ako nang dahil sa kanya. One month na since sinabihan ko siyang ‘wag muna akong harapin hangga’t hindi pa siya handang magmahal.

At sobra ko ‘yung pinagsisisihan. Tinupad nga ni Clark ang sinabi ko sa kanya nung gabing ‘yun. One month na niya akong iniiwasan. Sa tuwing nagbabalak akong lapitan siya sa corridor ay tumitingin siya sa’kin na para bang sinasabing “back off” atsaka niya iniiba ang dinadaanan niya.

Ang unfair. Bakit niya ba ako ginaganito? Diba dapat ako ang nagagalit sakanya? Diba dapat ako ang umiiwas sa aming dalawa?

Pero bakit parang bumaliktad ata?

Two weeks. Two weeks lang akong galit sa kanya. Two weeks lang ako umiiwas sa kanya. Two weeks after naming mag-away lang ako galit. O baka nga tampo lang ‘yun.

After nun, wala na. Gusto ko na agad makipagbati sa kanya. Gusto ko na agad ayusin ang relasyon naming kahit parang wala naman ata akong aayusin. Kasi in the first place wala namang kami. Kasi puro Dannah lang naman ang nasa isip at puso ni Clark.

Ang tanga ko ba? Alam ko naman eh. Matagal na naman talaga akong tanga. Mula nung nakilala ko si Clark Lee nagiging tanga na ako. Nagsawa na nga ang isip ko sa pagpapakatanga sa kanya eh. Pero ang gaga talaga ng puso ko. Hindi pa rin napapagod kahit parang wala naman talagang chance na maging kami ni Clark.

Tumulo na naman ang luha ko. Pero hindi ako nag-abalang punasan iyon. Wala namang silbi. Aagos at aagos pa rin ang mga bwisit na mga luhang ito.

Tumingin ako sa bintana sa kwarto ko. Umuulan. Natawa ako ng mapakla. Mukhang nakikisabay din ata ang weather sa damdamin ko ah?

Narinig ko ang marahang pagkatok ni mama sa pinto ng kwarto ko.

“Anak? Tapos ka na bang mag-ayos? Bumaba ka na at naghihintay na si Jung sa baba. Baka ma-late pa kayo sa ball”

I sighed. Oo nga pala. Ngayon nga pala ang Acquaintace party namin. Ayaw ko ngang pumunta eh. Baka makita ko pa si Clark dun. Umiyak pa ako sa harapan niya. Nakakahiya kaya.

Pero nakakainis. Required sa’min ang pumunta dun kasi dagdag sa grado namin. Pathetic, right?Parang pinalabas pa sa amin na hindi kami magkakakilala eh nasa iisang school lang naman kami. Duh? Tsk.

Ang oa nga ng party eh kasi sa hotel pa ihe-held eh pwede namang sa school na lang. Pero hayaan na lang, ganyan talaga pag pang-mayaman ang school.

Bumaba na ako sa kwarto namin at lahat sila gulat na gulat pagkakita sa’kin. Hindi ko naman sila masisisi. Hindi naman sa nagmamayabang eh I’m like a living doll sa suot ko.  I’m wearing a white dress na knee length ang kataasan. Pinarisan ko ito ng white wedge na may 3 inch heels.  I put my hair into a loose braid . To complete my looks ay nilagyan ko ng konting make up ang face ko para hindi mahalata ang pagkatamlay nito. These past few days pa naman ay hindi ako makatulog =_=

(A/N: tignan niyo na lang sa gilid si Hannah. Nakakatamad mag-describe eh haha!! Hindi pa naman ako marunong mag-describe (_ _ )a)

“Oh my god anak!! You look so gorgeous!!” tili ni mama. Ngumiti lang ako ng tipid sa puri niya.

Loving Him From AfarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon