CHAPTER 9: Patola

342 7 2
                                    

Chapter 8: Patola

Hannah’s P.O.V

Days have passed since THAT crazy encounter with the quuen bi—I mean Dannah. Simula noon ay iniiwasan ko na si Clark, and it seems that he doesn’t care rin naman. Whenever na nagsasalubong kami, agad akong lumilipat sa ibang daanan para lang iwasan siya ng bonggang-bongga. Hay. Ang hirap din kaya no! kapag yung mahal mo ang iniiwasan.

Anyway, nasa garden ako ng school ngayon, naglulunch.

Mula rin noong iniwasan ko siya, hindi na ako sumasabay sa kanila sa pagkain.

Dito ako tumatambay pag walang klase. Maganda kasi dito sa garden. Fresh air at nakakawala ng stress! Hay! Best place eve---

“Teka—Teka! Sino ka para kaladkarin ak—CLARK?!” gulat na gulat kong sambit dahil sa may kumaladkad sa akin. At ang mas nakakagulat pa, SI CLARK ANG TAONG KUMAKALADKAD SA AKIN! Paano niya nalamang nandito ako?

“We need to talk” malamig na sabi sa akin ni Clark.

Hala!! Talk daw? Pero kailangan kong umiwas sa kanya!! Aish!!

 “uhmm, Clark? Ano kase—uhmm.. may klase pa kasi ako ngayon, oo! May klase ako! Tama!” nagmamadaling sabi ko sa kanya habang nagpupumilit na agawin yung braso ko.

“Don’t lie to me. I know your schedule so you better shut the f*ck up” madiing sinabi niya sa akin na halatang pinipigilan niyang ilabas yung galit niya

Tumahimik nalang ako at hinayaan siyang kaladkarin ako at pumunta sa parking lot ng school.

Pagkarating na pagkarating namin sa sasakyan niya ay pilit niya akong ipinasok sa loob ng passenger seat.hay. Ano bang problema ng lalaking ‘to. Akala mo naman sobrang gwapo

Eh paano naman kasi, sobraang nagagwapuhan ka na sa g*gung ‘yan. Tsk! Landi mo teh

Ano ba naman ‘tong konsensya ko! Parang kabute! Bigla-biglang sumusulpot!

“Clark ano ba!! Saan mo ba ako dadalhin?!” I shouted. Eh kasi naman nakakainis na ‘tong lalaking to.

Hindi niya ako pinansin at nagdrive lang siya. At kung ako ang tatanungin ngayon, para na akong mamamatay.

“AAAAAAH!!!” ang bilis niyang magmaneho!!Parang anytime eh ibubuwal ako nitong sasakyan niya palabas!! >____<

“CLARK DAHAN-DAHAN LANG!! PLEASE MAAWA KA SA’KIIIN” hindi siya umimik pero naramdaman kong hininaan niya ang pagda-drive. Hay, buti naman.

After 2356789 minutes ay nakarating na kami sa palasyo—I mean mansion. Kanila siguro ‘to? No doubt. Mayaman sila eh.

“Uy Clark, bakit mo ko dinala dito sa mansion niyo? Hindi ba ako unauthorized?” Sobraaang laki ng bahay nila. Ang ganda-ganda rin at ang layo pa ng dadaanan bago kami makarating sa mismong mansion nila.

Hindi pa rin ako kinibo ni Clark atsaka siya bumaba sa kotse at iniwan niya akong mag-isa. Teka---Bakit niya ko iniwan?!

Dali-dali akong lumabas ng kotse at hinabol ko si Clark. Ni hindi ko napansin na pinagtitinginan na kami ng mga maids.

“Hoy Clark!! Napaka-walanghiya mo namang tao!! Matapos mo akong kaladkarin papunta dito, ikaw pa ang may lakas ng loob mang-iwan?! Aba’t hindi naman siguro pwede yo---“ Hindi ko natapos ang sinasabi ko nang mapansin kong may iba pa palang tao sa loob bukod sa’min ni Clark.

Waaaaa >.<  nakakahiya nandito parents niyaaaaa.

“Oh Clark? Hindi mo naman ata sinabing may bisita ka pala?” nakangiting sambit ng mama ni Clark atsaka siya lumapit sa’kin.

Loving Him From AfarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon