Am I Lucky?

333 8 0
                                    

Sasabihin ko sa inyo ha, magisa na lang ako, as in ulila na ko.

Iniwan ako ng parents ko sa auntie ko then hindi na nila ako binalikan, ngayon, nasa ibang bansa siya para magtrabaho.

Nagpapasalamat ako sa kanya kasi siya yung tumayong nanay ko nung iniwan ako ni mama, kaya halos mabaliw ako ng magising ako sa katotohanan, ng malaman ko na hindi ko na sila makikita.

Naisip ko, hindi ko kailangan magmukmok o umiyak habang buhay, hindi ko dapat sayangin ang oras ko sa lungkot.

Diyan na ako na adik sa EXO, naging masayahin ulit ako, tinanggap ko na ang aking sitwasyon, nagporsige ako magaral.

Nagtatrabaho ako bilang cashier sa isang kainan, tuwing gabi lang naman yan, o pag walang pasok.

Oo nga pala, scholar ako, matalinong bata ehh :D

So, yun lang, gusto ko lang naman uminahon, medyo hirap na ako eh, but may dahilan pa ako para gawin ko to lahat, yan ang para makaahon ako sa hirap at magkaroon ako ng magandang kinabukasan.

Ang drama ko naman, tama na nga! XD

~~~~~~~~~~

Pagpasok ko sa university, nagtataka ako kung bakit nagbubulungan yung ibang tao pag nakita/nasalubong nila ako.

Biglang lumapit sa akin yung principal.

"Goodmorning ma'm, may kailangan po kayo sakin?" tanong ko sa kanya ng magalang.

Huminga muna siya ng malalim at nagsalita.

"Hija, pasensya na pero, tatanggalin na kita sa scholarship mo"

Bumalik sa akin yung mga pangyayari dati, yung tipong magssuicide na ako sa hirap ng buhay.

"P-pero ma'm, hirap na po ako, please po, mas bubutihan ko yung pagaaral ko, wag niyo lang kukunin yun please!" pagmamakaawa ko sa kanya.

"Sorry talaga, wala na kaming magagawa" umalis siya at ako naman naka tulala lang doon.

~~~~~~~~~~

*Ring*

Buti na lang dismissal na, gusto ko na umuwi at magisip kung ano gagawin.

Ayoko muna magtrabaho, pass muna.

Medyo nakalayo na ko sa school ng may nakita akong nagbubugbugan sa may kanto.

Mukang kawawa yung lalaki, kailangan ko na awatin.

"Huy! bitawan niyo siya!" sigaw ko sa kanila. Tinantanan nila yung lalaki at tumakbo paalis.

Pinuntahan ko siya at tinulungan ng...

"K-kevin?! bakit kanila binugbog?!"

Kitang kita ko yung mga pasa niya sa muka, tapos may dumudugo siyang sugat.

"C-caroll? ano ginagawa mo dito?" mahinang tanong niya.

"Aray!" sabi niya at hinawakan yung tiyan niya.

"Halika na, dadalhin na kita sa ospital"

~~~~~~~~~~~

Nakaupo ako ngayon sa tabi ng kama niya, sa ospital hindi bahay niya, wag kayong atat XD

Sabi kasi ng doktor, medyo malala ang condition niya ngayon kaya kailangan niya muna magstay.

Habang naghihintay, ginawa ko na ang homeworks ko at...naghintay ulit, ano pa ba magagawa ko?

Huhu~ kevin! gumising ka na! gusto ko na umuwi.

Hm? ano to? may notebook dun sa bag niya, hindi naman siya notebook sa school, hehe papakealaman ko.

Pagbuklat ko nung libro, may mga picture na nalaglag.

Pinulot ko sila at tiningnan.

Tapos, may picture niya na may kasamang babae.

In fairness, mukang bata pa siya sa pic., pareho sila nung gurl.

Napansin ko may nakasulat pala sa likod.

Gemini, all these years, hindi ko lang maamin sayo na gusto kita, simula nung bata pa tayo. Lagi akong nabubugbog kasi kinakalaban ko yung mga nambubully sayo. Ayaw ko lang talaga mawala yung friendship natin, sa tagal nating nagsama, ayaw ko mawala yun. Sana magkita pa tayo u-

"Caroll? ano yan?" sabi ni Kevin na gising na at tatayo pa sana kaso binalik ko na yung picture sa notebook at binalik sa bag niya.

"Ah wala, nahulog kasi yung mga gamit mo sa bag, babalik ko lang"

"Wala ka namang nakita na importante?"

"Wala." agad ko siyang sinagot, baka mapunta pa sa kung ano eh.

Hindi na siya umimik at huminga ng malalim.

"Caroll, salamat ha" nginitian ko siya at sinabing wala lang yun, ayos lang.

Biglang nagbuzz yung phone ko.

Tiningnan ko yung notif. at may nakalagay dun:

EXO CONCERT LIVE IN SEOUL!! JULY  24 AT 8:30 P.M.

WHAT? EXO? CONCERT? ABA'Y PUPUNTA AKO DIYAN!

Siyempre joke lang, walang pera ehh.

~~~~~~~~~

School

Buti na lang at pumasok na si Kevin.

Ccr na sana ako ng may humatak sa braso ko.

"Bakit hindi mo sinabi na natanggal ka na sa scholarship mo?"

K-kevin?

"A-ah, wala, ano naman paki mo?" sabi ko sa kanya.

"Eh diba hirap ka na? bakit ka naman pumayag?"

Pfft, sila tanungin mo diyan.

Hinila ko yung braso ko at pumasok sa cr, iniwan ko lang siya dun, bahala siya.

Kaso para akong nanghina, tapos may sumakit sa dibdib ko at hindi ko na nakayanan, nahulog ako sa sahig ng walang malay.

Till I Met You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon