Saved by the announcement

221 9 2
                                    

Guys! tulong naman diyan, pwede magcomment kayo kung PANGET TALAGA, huhubels! heelp mee!

Warning: may mura at kung anu-anong scene diyan haha! para sa mga open minded lang...

~~~~~~~~~~~~

Lahat ng damit ko, check! 2 rubber shoes, check! 2 tsinelas, check! panty at bra check na rin! haha lolzzz.

"Geurae wolf, naega wolf awoo!-"

Meh phone is ringing, must answer the call.....

"Yoboseyo?"

"Yah! ginawa mo na akong poste dito sa labas ng bahay mo, pakyu! dalian mo!"

Tumingin ako sa labas ng bintana at naandun nga siya sa harap ng sasakyan niya.

"Sorry po Mr. Sungit sandali na lang"

Sinara ko na yung maleta ko at pinatay yung main switch, tapos lumabas na ng bahay.

"Good Morning" bati ko sa kanya.

"Good Morning rin, bilisan mo!" utos niya at pumasok na ako sa loob ng kotse.

Sungit naman nito...

~~~~~~~~~

"Wow! Kevin! yung ulap oh!" sabi ko sa kanya.

Kanina pa kasi ako tuwang tuwa sa mga ulap dito, ang ganda ehh.

"Pang ilang beses mo na sinabi yan?"

"Basta! maganda ehh"

Kevin

Napansin ko na lang na may mabigat sa balikat ko, si Caroll pala tulog na.

Pinabayaan ko lang siya.

Kaso may kakaiba eh...

May basa...

Futangina, naglalaway siya sa damit ko!

Pero bakit parang ang cute tingnan, parang mas gusto ko siya nakaganyan sa akin?

Nagugustuhan ko na kaya siya?

Kaso hindi pwede, may dahilan eh.

F L A S H B A C K

Dinala ko siya sa clinic agad.

Pinasok siya sa kwarto at pinahintay ako sa labas. Hindi rin nagtagal, lumabas yung nurse.

"Uhmm, hindi maganda ang kondisyon niya ngayon..."

"Bakit? ano po meron sa kanya?"

"Ngayon lang nagtrigger yung a-"

------------

"Kevin! huy! you there?" tanong niya sa akin habang kumakaway sa mukha ko at nagsnap pa.

"A-ano?"

"Tulala ka diyan! sino iniisip mo?"

"W-wala -_-"

"Owwsss, wala daw, baka si Gemini yan?! ayiee! :D"

What the fuck?

Caroll

"Owwwss, wala daw, baka si Gemini yan?! ayiee! :D" asar ko sa kanya.

"Ha?! pano mo nakilala si Gemini?!" wow, galit si kuya ano meron.

Siyempre hindi ko pwede sabihing isa akong echoserang pakialamera na binasa yung message niya.

Magsasalita na dapat ako ng unahan nung pilot.

"We're now landing in Incheon, Korea, please stay in your seats until we finished landing, thank you"

Ooohh, saved by the announcement.

Tumahimik kaming dalawa at umupo ng maayos.

Yay! naandito na kami sa Korea, makikita ko na si Jongin babes!

#feeler #Jongin

Biro lang, hindi naman ako makakapunta sa concert ehh...

:'(

~~~~~~~~~~

Sorry kung late as in sobrang late, comment kayo kung panget or korni na ha, sorry, madami akong ginagawa ehh.

P.S. I don't do proof reading.

Sarreh!

Muah muah!

Saranghaeyo! :)

lovemuchxoxo

Till I Met You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon