Yehet Ohorat

153 5 0
                                    

Korea Day 4

6:30 PM

Hindi ako makagetover dun sa kahapon, sobrang saya ko.

"Caroll magbihis ka na, aalis tayo"

Ha?! Ulet? Lumakwatsa lang kami kahapon lakwatsa ulit?

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko.

"Kakain lang naman tayo, dinner"

"Saan?"

"Malapit lang naman yung restaurant"

Tumango ako at tinulak ko siya palabas.

Sinara ko yung pinto at narinig ko naman na tumawa siya.

Weirdo.

~~~~~~~~~~~~~

Tama na ata to....

Kimchi spaghetti, tteokbokki, jajangmyeon at konting sushi.

"Takaw ah..." pangangasar sakin ni Kevin.

"Anu ba! Enjoy life lang"

"Fine sabi mo ehh"

Nasa eat all you can kami ngayon, ang dami daming pagkain, parang gusto ko kumuha ng madami.

"Magkano bayad dito?" Tanong ko kay Kevin ng mahina.

"Mga 20,000 won" sabi niya habang sumubo.

"Equivalent to?..." tanong ko.

"850 pesos"

HA?!!! 850?! PAANO KO SIYA MABABAYARAN?!

"Huehue, wag ka na magalala, ako na bahala sa babayaran"

Phew! Buti na lang, kaso nakakahiya naman.

"Sigurado ka?"

"Oo, kaya kumain ka pa para sulit yung bayad"

~~~~~~~~~~~~

"Kevin, uwi na tayoooo" pakiusap ko sa kanya.

Aba! Inaantok na kaya ako, katulad ng sabi nila, masarap matulog pagkatapos kumain XD

"Ehh, sandali lang may papakita ako sayo"

Yun, hinatak niya ako papunta dun sa madilim na part.

Pero teka, parang amoy dagat na to ah.

May naririnig rin akong hampas ng alon.

So technically, nasa BEACH nga kami.

"So, eto ba yun?" Tanong ko at humikab.

"Oo..."

"Edi halika na" sabi ko at tumalikod, nagsimula maglakad ng HATAKIN YUNG BUHOK KO.

"Tengene, ang sakit ha! Ano ba kasi yun" tapos hinimas himas ko yung ulo ko.

"Mas maganda siguro dito pag sunrise"

"So sinasabi mo na hanggang dito tayo hanggang mamaya?!"

Nagpoker face siya at napabuntong hininga.

"Gagu, hindi! Sinasabi ko lang"

Dahil inaantok ako, hindi ko namalayan na umakbay siya sakin.

"Huy, tanggalin mo yan, di yan uso"

Hindi siya nagsalita at sinandal pa yung ulo niya sakin.

Nyeh~ bahala siya.

"Kevin! May shooting star!"

Wow! Ang ganda! Kaso isa lang eh.

"Ang wish ko, sana makita ko ang EXO, sana maging kami ni Kyungsoo labs ko, at sana umuwi na rin kami kasi inaantok na ako" XD

Pagkatapos ng 10 segundo, nagkaroon ulit ng isa.

"Uy! Ikaw naman magwish!"

Napatingin siya sa langit at nagsalita.

"Sana...makita ko rin sila..."

"...at sana sabihin niya oo"

Ha?...

"Sana matupad wish natin" sabi ko.

"Sa tingin ko hindi matutupad yung akin eh" rinig kong sabi niya.

"Nothing's impossible" I said.

Wow, english XD

"Pero t-try ko..."

"Kailan?"

"Caroll..."

Tumingin ako sa kanya, at hinawakan niya kamay ko.

"Halika na! Inaantok na rin ako eh"

Nakauwi na rin kami sa wakas...

At nakatulog! :D

~~~~~~~~~~~~

Thank you for reading!

Till I Met You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon