Bakit...

177 8 1
                                    

"Ano? Ate Caroll?" Tanong ko bigla.

Muka naman siyang gulat sa tinanong ko pero ngumiti siya.

"Naman oh! Malamang ate kita! Mas matanda ka sakin eh!"

Nyeh~ kala ko pa naman...

"Uhmm sige, aalis na ako may pupuntahan pa ako eh, bye!" Pamamaalam niya at lumabas.

Narinig kong huminto siya sa labas ng pinto na may kausap sa telepono...

"Wag ka magalala, malalaman niya rin ang totoo"

wut????????????

Kevin

Naalala ko yung sabi nung nurse sakin.

Bakit ba kasi kailangan niya magkaganito, wag niyong sabihin na mauulit ang dati.

Kailangan ba kasi bilang ang araw niya?

Estimated, ganun? Hindi pwede yan! Kailangan ko siya pasayahin kahit sandali.

Bigla kong naalala yung concert...

Agad akong tumawag para bumili ng tickets.

Hehehe...

Caroll

3rd Day in Korea...

"San mo ba ako dadalhin?"

"Basta! Pumikit ka lang"

Naandito kasu kami sa loob ng sasakyan papunta sa somewhere over the rainbow... :D

Biglang huminto yung kotse, nandito na kami? Bilis naman.

Kita ko pa lang sa blindfold na madaming ilaw sa labas.

"Sige, tanggalin mo na"

Tinanggal ko yung blindfold at nakita kong nasa amusement park kami.

"Tada!~" sabi niya sakin.

"Ba't mo ako dinala dito?" Tanong ko sa kanya.

Kasi tbh, never pa ako nakapunta sa amusement park.

Kahit sa Pilipinas hindi pa, pero dito ako sa Korea makakapasok.

"Bakit? Ayaw mo ba? Sige balik na lang tayo" sabi niya at papasok na sana sa loob ng kotse kaso pinigilan ko.

"Eeh! Halika na! Pasok na tayo!" Kinulit ko siya.

"Oo na nga! Wait lang okay? Bili muna tayo ng tickets"

Pagkatapos namin magbayad ay pumasok na kami sa loob.

~~~~~~~~~~

2 Hours Later...

Waaaah! Ang saya saya! Never ko naranasan to! Grabe yung roller coaster kanina, sobrang bilis na akala ko hindi ako makakasurvive, lols, joke lang, kinayanan ko naman.

Nakailang sakay kami ni kevin sa iba't ibang rides, ang sarap talaga pag kasama siya!

Wait, what the pak am I saying?

Nebermaynd...

Naandito kami nakaupo habang kumakain, pagod na pagod na kami noh!

Ewan ko ba kung bakit kasi tingin ako ng tingin dun sa magshota na naglalambingan.

Nanalo kasi yung lalaki ng isang malaking teddy bear tapos humarap sa gf niya.

"자기야~ (Jagiya~)" sabi nung lalaki at ibinigay yung teddy bear.

"어어어어어~ 고마워 여보 (Awwww~ gomawo yeobo)" sabi naman nung isa.

Nagyakapan sila at umalis.

Ang sweet naman, nakakainggit...

Pagkaalis nila ay naubos ko yung pagkain ko.

"Jagiya~" rinig kong sabi ni Kevin mula sa likod ko.

Pagkaharap ko sa kanya, may hawak siyang teddy bear at cotton candy.

"Ano ba yun? Di kita maintindihan" sabi ko sa kanya. Well duh! Hindi ako korean na nakakaintindi.

"Hulaan mo" napaisip naman ako.

"Panget?"

"Hindi wtf?" Oo nga naman ba't sasabihin nung lalaki yun sa babae eh di sana nasapak yun.

"Babae?"

"Close"

"Babaeng Panget?"

Napa-facepalm siya sa sinabi ko.

Eh kasi di ko talaga alam.

"Uhmmm...mura ba yun?"

Nagpoker face naman siya.

"Bahala na nga basta alamin mo na lang"

Ngumiti ako at inabot niya sakin yung teddy bear at nagshare kami sa cotton candy.

Ewan ko ba kung bakit pero ang lakas ng tibok ng puso ko.

548 Heartbeats talaga ang peg ko ngayon...

...Joke lang...

"Kevin, marunong ka magkorean?" Tanong ko sa kanya ng mahina.

"Medyo..."

"Sige nga, sumample ka nga"

Inubos niya muna yung cotton candy na hawak niya tapos nagsalita.

"Saranghae..."

Saranghae? Ano yun?

"Annyeong Haseyo chingu"

Annyeong Haseyo? Chingu? Waaat?!

"Okay okay tama na gets ko na sige sige"

Hihi...sa totoo lang wala akong naintindihan. Nagtawanan lang kami at nagenjoy, sayang ang oras kung hindi diba?

Grabe, iba talaga tong nararamdaman ko...

Parang nagugustuhan ko siya...

Or worse...

Baka mahal ko na siya.

~~~~~~~~~~~~~

Oh! Ang haba niyan ah! Sige goodnight~

Lovemuchxoxo

Till I Met You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon