Who You?

152 6 0
                                    

"Ah, wala naman" sabi ni Kevin.

Tumingin sa akin yung babae at napaisip ako.

"Oo nga pala, ako si Genevieve"

Genevieve? Parang pamilyar sa akin yung mukha niya pero hindi yung pangalan.

Nung tinitigan ko siya, nawala yung ngiti niya kanina at parang may naaalala siya nung tinitigan niya rin ako.

Sa sandaling iyon, may pangalan na pumasok agad sa isip ko...

Caroline...

Pero bakit? Ano tong nararamdaman ko? Bakit ganito? Parang kilala ko na siya? Huhu! Tulong!

"Okay lang ba kayo?" Tanong ni Kevin samin.

Ngumiti si Genevieve sa kanya.

"Oo, ako naman si Caroll" pagpapakilala ko.

"Umm, Caroll, ako yung nagpalit ng damit mo kanina"

"Oo nga! Pareho naman kayong babae eh" biglang singit na sabi ni Kevin.

"Oh, sorry Kevin ha"

Hehe, kung kayo kaya murahin sa hindi niyo naman kasalanan, mabwibwisit kayo diba?

"Sige na, lalabas na ako" sabi niya at lumabas.

Naiwan ako sa loob kasama ni Genevieve.

"Kamusta ka na?" Tanong niya sakin.

"Ummm, okay naman, salamat ha" sabi ko.

"Wala ka ba talagang maalala?" Rinig kong sabi niya ng napakahina, as in hindi ko nga alam kung tama narinig ko ehh.

"Ah sige, lalabas na ako, magpahinga ka na"

Ewan ko ba kung bakit pero napatayo ako at pinigilan siya sa paglabas, tapos niyakap niya ako.

"Hehe, salamat ha" sabi ko.

Ramdam ko yung pagyakap niya sakin, at parang nagkaroon ako ng feeling na sobrang saya ko, ewan kung bakit.

"Sana bumalik ka na sa dati..."

Hindi na lang ako nagsalita, baka naman kasi may pinagdadaanan siya at kailangan niya ng yakap.

"...Ate...Caroll"

~~~~~~~~~~~~~

Eto na yon

Till I Met You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon