Aerin
Malungkot akong napangiti kay Elektar ng kumustahin nito ang panliligaw ko. How can I say na nireject na ako ni Russia? Na kinamumuhian ako nito? At mamamatay ako pagkatapos nitong makatawid sa mundo ng mga tao. I couldn't tell Elektar about that.
"Maayos naman. Sana hindi na siya galit sa akin." Malungkot kong sagot rito.
"Kaya mo iyan mahal na Reyna! Sinong hindi magkakagusto sa iyo diba? Maganda ka, mabait, matulungin. In short mabuti kang elf at may mabuti ka ring puso."
Napangiti ako dito. "Sige na. Dadalhan ko na siya ng agahan niya at iset up mo iyong lunch date namin mamaya sa sagradong ilog."
Yumuko ito sa akin. "Masusunod po mahal na Reyna."
Dumiretso ako sa silid ko at nakita kong kakaligo lang ni Russia at sinusuklay nito ang light blonde nitong buhok.
"Good morning! Kumain kana. I gave you hot choco flavored strawberry at may pancakes dahil iyon daw ang kinakain ng mga tao. Tapos may mga prutas-"
"Just leave it there. Makakaalis ka na. Sabihin mo na lang na balikan nila ang tray mamaya."
My mood suddenly fell and I felt my chest clenched. Ngumiti pa rin ako dito.
"Gusto mo mamasyal tayo mamaya sa ilog tapos kakain tayo ng tanghalian doon. I'll set up the place for you."
Umupo ito sa gilid ng kama. "Ayokong lumabas na kasama ka at hindi ako makikipag-date sa iyo. Sige na. Huwag mo na lang akong isturbohin ngayon."
"I'm sorry."
"Para saan?!" Matalim ang titig nito sa akin. "Umalis ka na!"
Wala akong nagawa kundi lumabas sa aking silid na mabigat ang dibdib ko. Parang gusto kong umiyak pero pinigilan ko. I told my self na kaya ko that I am fine dahil mahal ko ito kaya naiintindihan ko ang nararamdaman nito.
"Elektar." I called her.
Yumuko ito. "Ano po iyon mahal na Reyna?"
"Hindi na matutuloy iyong date sa ilog mamaya. Hindi raw maganda ang pakiramdam niya at ayaw niyang maisturbo."
"Sige po." Yumuko ulit ito bago umalis.
Pumasok ako sa katabing silid kung nasaan ang inuukopa ko ngayon.
Why does my mate treat me like this? Why does she hate me so much? All I'm asking is two months before I will let her go. Gusto ko lang naman makasama ito. I am very happy ng pumayag itong maglagi ng dalawang buwan pero ngayon. Lahat ng pag-asang meron ako ay nawala na dahil lantaran nitong pinapahayag ang pagkadisgusto nito sa akin.
I didn't do anything bad at all.
Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako at nagising lang ng maghahapunan na. Nauna na akong kumain bago dalhan si Russia. Tulog ito ng pumasok ako. She told me she hate flowers pero hindi ko mapigilang lagyan ng isang puting rosas sa gilid ng tray nito. Iniwan ko ang pagkain nito doon sa lamesa at nagsulat pa ako ng eat me at nilagyan iyon ng smiley.
Dumiretso ako sa hardin at doon muna nagpahangin. Simula noong nawala ang mga magulang ko ay naging malungkot na ako. I found my mate pero ayaw nito sa akin. Sa palagay ko ay sinumpa ako dahil kakaiba ako. I am so sad na wala na iyong mga taong nagpapahalaga sa akin. I just want to be happy. Why is it so hard to have it? That happiness I had been dreaming of was cut off short.
Tumingala ako sa langit at kitang kita ko ang maliwanag na buwan. I missed my Mom and Dad. Kaunting panahon na lang magkakasama na din kami. If this is my fate then I will accept it.
BINABASA MO ANG
Different Worlds _Part 1 (Completed)
FantasyAerin Haleth is a playful Elf. Isa siyang Reyna sa Kahariang Ruddigorre. She couldn't find her mate in their Kingdom kaya binuksan niya ang portal para pumunta sa mundo ng mga tao pero kung kelan siya patawid ay siya namang pagpasok ng isang estrang...