Aerin
"What is the meaning of this?"
I am looking at Princess Zirvana and Prince Vander hugging each other in the garden. Nakakunot noo ako sa dalawa ng maghiwalay ang mga ito. Hindi makatingin sa akin si Prinsesa Zirvana habang nakapulupot ang braso ng pinsan ko rito. Nakatitig si Prinsipe Vander sa akin ng matiim.
"I love her." Nagsalubong ang mga kilay ko sa sinabi nito. Mahal nito si Prinsesa Zirvana? What's this? Are they both fooling around? Dahil ang pagkakaalam ko ay gusto din nito si Russia.
"Explain."
Napabuntong hininga ito. "It wasn't her. It was me. I love her. Dati ko na siyang nakikita sa Dyffortre kapag bumibisita ako doon and I fell in love with her. Hindi nga lang ako nabigyan ng pagkakataong makilala siya pero ngayon I decided to pursue her. Mahal ka niya pero hindi ko siya isusuko sa iyo. I will fight for her."
"So what makes you think Prince Vander na gusto ka niyang pakasalan?"
He shrugged. "I promised her to make her fall in love with me pagkatapos ko siyang gapangin kanina."
Tumaas ang isang sulok ng labi ko. "Well that's not very nice of you. Hindi iyan gawain ng isang Prinsepeng kagalang galang."
Napakamot ito sa batok nito. "Desperate call." He sheepishly smiled at me kaya naging boyish ito.
Natawa ako.
"Wait." Ito naman ang napakunot noo. "Hindi ka galit?"
Umiling ako rito. "Bakit ako magagalit kung mahal mo siya? We have a deal yes pero ginalaw mo na siya. Panindigan mo. Magpaparaya ako para sa iyo Prinsepe Vander."
Napangiti ito saka lumapit at niyakap ako. "I'm sorry for everything. Sa pagiging gago ko noon mula ngayon dahil ginapang ko ang bride to be mo but still naiintindihan mo ako. Napakabuti mong Reyna. I'm sure Aunt and Uncle are very proud of you. I am proud of you. Kung iba lang siguro pinatapon na ako o di kaya ay pinugutan na ng ulo."
Natawa ako rito at niyakap ito pabalik. "Iyon lang ang kaya kong ibigay. And I won't do that to you silly. What about Russia?"
"We're good friends Queen Aerin."
Tumango ako rito.
Lumuhod ito sa harapan ko at nagbow saka nag-angat ng tingin. "Gusto kong bumawi sa lahat ng mali at kasamaang nagawa ko sa iyo Reyna Aerin Haleth. I will help you defeat Dyffortre Kingdom against King Felipe and Prince Juliuz."
Inilabas ko ang isa sa royal silver dagger ko at itinutok dito. "I will honor your word Prince Vander. Accept this silver dagger as a sign of royal pact. Commit a treason and this dagger will serve as your death." Kinuha nito ang patalim sa akin.
"My loyalty is in you Queen Aerin Haleth."
I kiss the back of my hand at tumayo si Prince Vander mula sa pagkakaluhod at lumapit kay Prinsesa Zirvana.
Lumapit din ang Prinsesa sa akin at akmang ibibigay nito ang singsing pero umiling ako rito.
"I gave you that ring and it belongs to you. Take it as a sign of friendship and a thank you gift for saving my life."
"Thank you Queen Aerin Haleth." Nakangiti ito sa akin at bigla ako nitong niyakap.
"Be with him. I'm sorry sa panggagapang niya sa iyo."
Natawa ito sa akin. "I'm sorry din Queen Aerin dahil nagpadala ako sa tukso."
Pinakawalan ko ito saka tinaasan ng kilay si Prince Vander. "Make things right with her. I gave you the blessing to have her hand in marriage since dito siya naglalagi sa palasyo."
"We'll do my Queen. Thank you." Iniwan ako ng dalawa sa hardin at nakangiti akong tumingala sa kalangitan. I close my eyes and inhale the fresh air. I stayed there for a couple of minutes.
Nakatayo lang ako dito habang pinagmamasdan ang mga bulaklak ng biglang sumulpot si Russia at pasalampak na naupo sa damuhan.
Nakita kong parang malalim ang iniisip nito at nakikipagtalunan sa sarili. I wanted to know what's inside that pretty head of hers.
Naihilamos nito ang palad sa mukha bago huminga ng malalim. She's so cute! So this is how she looked like kapag naguguluhan ito. Nakita kong parang kinakalma nito ang sarili. What's wrong with her hm?
Biglang napatalon ito at napasigaw sa gulat ng makita si Gwendonaira. Nakita ako nito at mabilis nakalapit sa akin at literal na nagpakarga. Russia locked her legs in my waist at ang isang kamay nito ay ipinulupot sa leeg ko habang nakaduro ang kanang hintuturo nito kay Gwendonaira na nakalapit na rin sa amin.
I knew this little playful elf dahil lagi itong nagagawi dito para maglaro kasama si Ferocio at Lonferio.
"Aah! Paalisin mo siya Aerin! Ayoko sa kanya!"
Natawa ako rito. Nagsimula itong lumikot so I snake my arms on her butt to support and carry her. She's so soft and light.
"Sige na paalisin mo siya!" Takot na takot ito habang nakatingin sa batang elf na Kungua. Nakakapagpalit ito ng anyo at ang pinakagusto nitong gayahin ay kuneho pero may pakpak ito and that's how Gwendonaira look right now.
Umiiling akong nakangiti dahil sa reaksyon nito.
"Gwendonaira please don't scare our lovely visitor." Wika ko sa kunehong may pakpak.
I watch Gwendonaira turned into a girl. A lovely winged elf young girl.
Nagbow ito sa akin. "Mahal na Reyna. Pasensya na pero naglalaro lang kami ni Lonferio ng mapadpad ulit ako dito at hindi ko sinasadyang matakot sa akin ang magandang binibini."
Tumango ako rito. "Alam ko Gwendonaira at lagi kong sinasabi sa iyo na huwag kang masyadong lalayo. You can go play again with Lonferio."
Nagbow ito bago umalis at naging kunehong may pakpak.
"What is she?" Takang tanong ni Russia sa akin.
"Isa siyang Kungua. Isang klase ng elf na paglaki ay may kakayahang magbantay sa buong kaharian. Highest rank of an elf warrior kung saan sila nabibilang." Paliwanag ko rito.
Tumango tango ito sa akin. I wanted to tease her and see her reaction. I smirked in my thought.
"Enjoying me my lady?" Nakangiting tanong ko rito with my teasing playful tone.
Ng mapansin nito ang posisyon namin ay agad itong bumaba mula sa pagkakakarga ko at agad lumayo. Nakita kong namumula na naman ang mga pisngi nito. Does human often look like this? She's so adorable!
"Aalis na ako at magcoocoo." Coocoo? Isn't that what human says when they're going to make love?
So heto ang nasa isip nito?
Aha!
Nanlaki ang mga mata nito ng maisip ang sinabi at gusto kong matawa dahil priceless ang mukha nito. "I mean kakain. Iyon nga!"
Oh I'm gonna tease her. "So coocoo na pala ngayon ang ibig sabihin ng kakain. Ang alam ko kasi ang coocoo ay-"
Mabilis nitong tinakpan ang bibig ko pero hindi ko pa rin mapigilang mapangiti.
"Ituloy mo iyan at kahit Reyna ka pa sinasabi ko sa iyo ngayon Aerin sisipain kita!" Puno ng pagbabanta ang boses nito but I know it so well na hiyang hiya na ito sa akin.
Tinaas ko ang dalawang kamay na parang sumusuko. Dahan dahan nitong tinanggal ang kamay nito sa bibig ko kaya kitang kita nito ang ngiti kong nakakaloko.
"Sige na mahal na Russia. Punta ka na sa palasyo at magcoocoo. Gusto mo dalawa tayo." I tease her more and I wanted to burst out laughing when I saw her face!
Nanlaki ulit ang mga mata nito at namula ng todo.
Oh dang! I'm enjoying this!
Inirapan ako nito saka ako nito iniwan. I couldn't contain my laugh so I did.
Damn! My mate is funny, adorable, and beautiful! I could go on forever like this with Russia!
BINABASA MO ANG
Different Worlds _Part 1 (Completed)
FantasyAerin Haleth is a playful Elf. Isa siyang Reyna sa Kahariang Ruddigorre. She couldn't find her mate in their Kingdom kaya binuksan niya ang portal para pumunta sa mundo ng mga tao pero kung kelan siya patawid ay siya namang pagpasok ng isang estrang...