Chapter 9

9.4K 412 29
                                    

Aerin

I'm falling hard for Russia. Masaya ako sa mga nagdaang araw dahil malaya kong naipapakita kung gaano ko ito kamahal. Hindi na ito nagtataray o nagsusungit sa akin. She's actually getting along with me.

Nagbibiro na din ito minsan sa akin. We have been good friends pero umaasa pa rin akong mamahalin din ako nito. Sana hindi na ito umalis pa pero alam kong kailangan at mas lalong sasaya ito kasama ang pamilya nito.

I am used kissing her hands and giving her flowers. Mabuti na lang at nasanay na rin ito kahit walang sinasabi pero alam ko rin na naiilang ito minsan sa akin.

Nasa bundok kami ngayon kung nasaan ang maraming bulaklak. Nakaunan ito sa hita ko habang nakapikit at natutulog. Tinitigan ko ang maganda at maamong mukha nito. Wala sa loob na hinaplos ko ang malambot nitong labi. How I wished I can kiss this plump lips. How I wanted to feel and taste it.

Sana ganito na lang kami palagi. I sighed then start to comb her light brown hair using my fingers. Ang lambot ng buhok nito.

Everything about her is beautiful and she's my mate kaya lang ay ayaw naman nito sa akin. Why does it have to be so hard? I love her a lot.

"You look serene and beautiful. I love you Russia." I bent down and kiss her forehead pero nagmulat ito ng mga mata. Brown meets gray and my heart started to race.

"Stop kissing Aerin."

Ngumiti ako rito. "I will but I won't stop loving you."

Nakita kong namula ang mga pisngi nito. It's something I love to see dahil nagiging kaakit-akit ito sa paningin ko. Inirapan ako nito. Nagtataray na naman ang mahal ko.

"Whatever." She mumbled softly.

"Gutom ka na ba?"

Umiling lang ito. "Pero gusto ko ng bumalik sa palasyo dahil inaantok pa rin ako."

"Sige."

Tumayo ito at inalalayan kong makasakay kay Zoro bago ako sumakay at naupo sa likuran nito. I'm hugging Russia again na gustong gusto ko. "I love this." Wala sa loob na nasabi ko pero hindi ito umimik.

Pagdating namin sa palasyo ay inalalayan ko itong makababa kay Zoro. I took her hand pero binawi agad nito. Sinundan ko ang tingin nito at nakita ko si Prince Vander na nakatayo sa may terasa ng palasyo. Nakatanaw ito sa amin. What is he doing here?

Ng makapasok kami ay sinalubong ako nito.

"Long time no see cousin." Niyakap ako nito. Ewan ko kung anong nangyayari but the last time he was here. Galit na galit ito sa akin at hindi ko alam kung bakit.

"How are you?" Ngumiti pa rin ako dito.

Lumayo ito ng kaunti sa akin. "I'm fine." Bumaling ang tingin nito kay Russia and I saw him checked her out. Hindi ko nagustuhan ang inasal nito. "You have a lovely friend here Aerin."

"Yes." Mas lalo akong napangiti rito. "She's my-"

"I'm Prince Vander Ruddigorre my lady." Kinuha nito ang kamay ni Russia saka hinalikan. "I'm very please to meet someone as beautiful as you."

I saw how Russia's face lit up. Is she attractive to Vander? Sa pinsan ko? She can't be dahil mate ko ito. But Prince Vander is a good looking one.

But she doesn't love you. Nalungkot ako sa isiping iyon.

"I'm Russia. Nice to meet you Prince Vander."

Ewan ko kung anong sumapi sa akin at kinuha ko ang kamay ni Russia na hawak pa rin ng pinsan ko saka ko ito hinapit sa akin.

Different Worlds _Part 1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon