Chapter 10

10.2K 432 26
                                    

Aerin

I wore my white royal dress and my gold cloak. Inayos ko ang aking buhok bago ko inilagay ang korona sa ulo ko.

Lumabas ako ng aking silid. Elektar bowed.

"Your Majesty. Nasa dining area na po si Princess Zirvana kasama si Prince Vander at si Russia." Tumango ako rito bago naglakad habang nakasunod ito sa akin.

I entered and all eyes set on me. Nakita kong tumayo ang isang napakagandang babae. She must be Princess Zirvana dahil sa ayos nito. She's wearing a blue dress with her blue cloak and she have this tiara in her head.

Her ears are pointed and cute. Her lips are red. Pointed nose and light blue eyes. Her hair is blonde and she's tall and slim.

"Your Majesty." Yumuko ito sa akin. "I am Princess Zirvana Alejandria Dyffortre of Dyffortre Kingdom."

I looked at her coldly.

"Dyffortre." Tumango ako rito. "The Kingdom who attacked here and destroyed this Kingdom. Killed innocent elves including my Mother and Father. The King and Queen itself. What makes you think Princess Zirvana that I will let you leave my Kingdom without avenging their death through you?"

Tinignan ako nito ng malungkot habang nakikinig lang si Prince Vander at Russia sa amin. "Your Majesty. Do you remember the girl you saved one thousand three hundred fifty eight years ago?"

Kumunot ang noo ko rito bago tumango. "I do remember. Her name's Andria. Why?"

Ngumiti ito sa akin. "I am that girl your Majesty. You were still a young girl too at that time ng maligaw ako dito sa kaharian niyo. Mula noon, minahal na kita so my parents locked me in our Kingdom. Matagal akong hindi nakalabas doon. They force me to get married to someone else pero hindi ako pumayag. I heard what happened here. I planned to escape dahil gusto kitang makausap."

Lumayo ako rito at hinugot ang ginto kong espada saka itinutok rito.

"Please your Majesty. I meant no harm saka wala akong alam sa mga nangyari dito."

Tumaas ang isang kilay ko rito. "What makes you think na paniniwalaan ko ang mga sinasabi mo?"

"Dahil alam ko kung sino ang may pakana ng digmaan na iyon and I have the antidote to cure you. May lumason sa iyo and your heart. It was stained of it."

Binaba ko ang espadang hawak ko.

"You got the info and the antidote. Spill it. You won't just give anything without taking something."

Ngumiti ito sa akin at kung posible lang na kikinang ang mga mata nito ay ito na iyon.

"Marry me Queen Aerin."

Narinig kong napasinghap si Russia pero nakatitig lang ako ngayon sa Prinsesang nasa harapan ko.

"That is insane!" Sigaw ni Prince Vander at marahas itong tumayo mula sa pagkakaupo. Lumapit ang mga gwardya at itinaas ko ang isang kamay ko para pigilan ang mga ito.

"In one condition Princess Zirvana."

"What is it your Majesty?"

Binalingan ko ng tingin si Elektar at tinanguan ito. Elektar already know what to do. Yumuko ito bago umalis.

I extended my right hand. "Have a lunch date with me in Forbidden Tower Princess."

I saw her face lit up at hinawakan nito ang kamay ko. I intertwined our hands and smiled at her. I know she's telling the truth at seryoso ang Prinsesang ito sa akin.

"Queen Aerin! Are you going to accept her proposal?! At bakit mo siya dadalhin sa forbidden tower kung alam mong bawal ang pumasok doon."

I smiled at my cousin. "Ilang beses ka na bang nakapasok doon Prince Vander?"

Different Worlds _Part 1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon