Chapter 5

8.3K 385 9
                                    

Aerin

"Heto Russia tikman mo." Sabay abot ko sa kulay gintong maliliit na prutas. Bumalik kami sa sagradong mga puno dahil gusto nitong mamasyal dito.

Inabot nito ang bigay ko at tinikman iyon.

"Wow ang sarap! Ang tamis tapos may ibang lasa! Wala ang mga prutas na ito sa amin." Nakangiti lang ako dito habang pinagmamasdan ito. Mas lalo tuloy itong gumanda lalo na at suot nito ang isa sa mga damit ko. Para na rin itong Reyna. How I wished she will be mine.

"Anong nginingiti-ngiti mo diyan?" Nakataas ang isang kilay nito sa akin.

"Iyong damit ko kasi bagay na bagay sa iyo."

Inirapan ako nito. "Dalhin mo ako sa sagradong ilog."

I nodded bago ako sumipol at lumapit si Zoro sa akin. Hinimas ko ang leeg nito bago tinulungang umakyat si Russia. I walked beside her guiding my horse our way.

Wala kaming imikan hanggang sa makarating kami. Tinulungan ko itong makababa at mangha itong napatingin sa ilog. Malinaw ang tubig kaya kitang kita ang mga isdang lumalangoy at kumikinang ang mga ito.

"Ang ganda naman dito."

Naupo ako sa nakalatag na kumot at may mga pagkain na kami ritong nakahanda.

"Aerin?"

Tumingala ako rito. "Ano iyon mahal ko?" Wala sa loob kong tanong rito.

Nakita kong namula ang mga pisngi nito. Russia cleared her throat. "Bakit kumikinang iyong mga isda sa ilog?"

Ngumiti ako rito. "Kasi kapag may namamatay na elf. Iyong immortality namin napupunta sa mga isda. Iyong kumikinang na sinasabi mo. Iyon ang buhay namin."

Nanlaki ang mga mata nito. Gusto kong matawa sa pagiging cute nito.

"Ganon ba iyon? Andami naman nila."

Tumango ako rito. "Madami kasi namatay sila sa digmaan."

"Kaya ba sagrado dito?"

"Oo. Iyong sa sagradong talon naman iyong mga batong kumikinang sa loob ng tubig mga buhay din iyon. Mga elves na namatay dahil.. isinumpa."

Naupo ito sa harapan ko at kumuha ng isang prutas. "Anong ibig mong sabihin?"

"W-Wala. Pwedeng magtanong?"

"Depende."

Natawa ako rito. "Tungkol sa mga tao. Maganda bang mamuhay sa inyo?"

Nagliwanag ang mukha nito. Ewan ko kung guni-guni ko lang but I'm sure I saw something in her eyes.

"Oo. Masaya na mahirap. Miss na miss ko na ang mga kaibigan ko lalo na si Mommy at Daddy. Siguradong nag-aalala na sila sa akin ngayon tapos si Thaniel. Baka akala niya iniwan ko na siya."

Nalungkot ako sa narinig mula rito. Ang swerte ng Thaniel na iyon kasi kahit nandito si Russia ay iniisip pa rin nito ang lalaking iyon. Masarap siguro itong magmahal.

Gusto kong mahalin din ako nito pero imposible iyong mangyari. Ngayon na ako nagsisisi na sana pinanganak na lang akong isang normal para hindi ako tinatrato ng ganito.

My parents loved and adored me pero meron at meron pa rin talagang iba ang tingin sa akin. And I can't stop what others might say and think about me. All I can do is to ignore them.

"Aerin?"

"Ha? Don't worry. I keep my word. Ibabalik kita sa mundo niyo pangako."

Russia looked at me skeptically. Nakakahipnotismo ang mga mata nito. Ibinaling nito ang pansin sa ibang direksiyon.

Different Worlds _Part 1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon