I

1.2K 30 5
                                    

MUNDO SA LIKOD NG SALAMIN

“Ang ganda ng nilalang na nasa talon ng hiwaga di ba Ariel? “ kasalukuyan kaming nakatingin ngayon sa talon ng hiwaga dahil ito ang nagsisilbing  daan upang makita namin ang mga pangyayari sa likod ng mundong  aming kinabibilangan.

“Opo kamahalan maganda ang dilag na nasa ating harapan.”

 

 

 

“Oo, maganda nga siya, kaya lang lagi ko nalang nakikita malungkot siya.” sa tuwing nakikita ko siya na humaharap sa salamin nakikita ko sa mga mata niya na may kung anong bumabagabag sa kanya. “Pero, hindi ko pa siya nakikitang ngumiti man lang o lumuha kapag nakaharap siya sa salamin.”

 

“Hayaan na po natin siya, iba naman po ang iyong tignan.” Idinantay niya ang kanyang mga kanang kamay sa talon ng hiwaga na animo’y nakikipagdaupang palad  upang mailipat sa ibang imahe.

Nagsimula na silang makakita ng iba’t-ibang kaganapan ng ibang mundo. Mga nilalang na kakaiba ang pananamit at di kaaya-aya ang mga ugali. Hindi nakakagalak pagmasdan. Mundong puno ng makasalanan.

Habang sila’y pinagmamasdan ang pangyayari sa mundong ibabaw. May dumating na isang magandang binibini na may pakpak na katulad ng sa paru-paro. Sila’y tinatawag na mariposa, mensahera ng kahariang PRISIMA.

“Ano ang kelangan mo Mariposa”- sabi ni Ariel. Siya ay ang kanang kamay ng prinsipe at isang magiting na tagapagtanggol nito. Matipuno ang pangangatawan. May mahaba at puting buhok na hanggang dibdib.  Seryosong mukha na nakakadagdag sa kanyang katipunuan. Nakasuot ng puting telang hanggang itaas lamang ng tuhod at may nakasabit na espada sa kanang bahaging beywang nito.

“May mensahe po ako galing sa mahal na reyna.” Siya ay yumuko upang magbigay galang at nanatiling nakayuko upang banggitin ang kanyang sadya.  “Mahal na prinsipe pinapatawag po kayo ng Mahal na Reyna Prima.”Mariposa

 

 

 

“Sige makakaalis ka na.” pagkasabi ni Ariel kinampay nito ang kanyang pakpak ng dalawang beses upang maglabas ng gintong alikabok na ang ibig sabihin ay natapos na ang kanyang sadya at ito’y lumipad papalayo sa lugar na kung nasaan ang talon ng hiwaga.

Naghanda na ang prinsipe sa kanyang pag-alis sa lugar. Sumakay sa kanyang mahiwagang ulap na kulay asul at ipinag-ekis ang kanyang kamay sa harap ng kanyang dibdib. Habang lumilipad ang ulap, lumilipad din ang isip ng prinsipe.

‘may kakaiba talaga sa dalagang iyon’ nasabi niya sa kanyang isipan. Ginugulo ang kanyang isip ng nilalang na ilang ulit niya na napagmasdan sa talon ng hiwaga. Hindi maalis sa isip niya ang buong mukha nito at kung paano siya tumingin sa harap ng salamin. ‘Para bang nakatingin siya sa akin’.  

MUNDO sa LIKOD ng SALAMINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon