Hinawi niya ang kalungkutang nadarama sa pagbulalas ng hinanakit niya sa mundong kinagisnan at itinuon ang kanyang atensyon sa nilalang na nagsasabing siya'y kanyang kakambal.
"Ano ang iyong ngalan?" wika niya sa nilalang sa kanyang harapan.
'CANIS ang aking pangalan.'Sagot ng kakambal niyang lobo.
Hindi man niya lubos maintindihan kung ano ang nangyayari batid niya sa kanyang sarili na nagagalak siya sa mga misteryong kanyang natuklasan dahil pakiramdam niya ay magiiba na ang mundo niyang walang kulay.
"Nais ko sanang malaman kung bakit ako naririto ngayon sa inyong daigdig, nalalaman mo ba kung anong pakay ng nagtangkang kumuha sa akin mula sa kabilang mundo.? "
'Hindi ka maaaring manatili dito dahil mapanganib, sa ngayon ay humayo ka muna at bumalik sa mundong pinanggalingan mo. Sasagutin ko ang iba mo pang tanong pagkarating natin doon.'
'Maaaring nararamdaman na nila na may iba pang nilalang silang kasama rito hindi magandang magtagal ka sa lugar na ito.'
Lumapit ang lobo sa kanya at hinimas ng kanyang malambot na mga buntot ang katawan ng dalaga. At tila'y yumayabong ang mga ito hanggang siya'y mapalibutan na ng balahibo nito. Iniangat niya ito at inilagay sa kanyang likuran.
Hindi pa siya nakakaayos ng mabuti nang nagsimula na itong tumakbo at tumalon sa sanga ng matataas na puno. Habang ang dalaga nama'y pumikit at yumakap ng mabuti sa mga balahibo nito.
Bumibilis ang pagtibok ng kanyang puso. At nagugustuhan niya ang panibagong karanasan na ito na para bang siya'y lumilipad sa kalangitan idinagdag pa dito ang humahampas sa kanyang mga balat, ang malamig na simoy ng hangin na dinagdagan pa ng lamig na nanggaling sa mga natunaw na niyebe. May kakaibang kiliting dulot sa kanyang balat.
Makalipas ang ilang oras na paglalakbay ay narating din nila ang kanilang paroroonan. Isang mayelong kweba na ang kalooban nito ay malakristal na anyo nito na gawa ng yelong bumabalot sa bawat parte ng kweba.
Namamanghang pumasok ang dalaga papunta sa loob ng kweba. Kumikinang ang mga ito bawat matamaan ng sikat ng araw.
Nagtungo ang lobo sa kalooban ng yungib kung saan maraming matutulis na nagyeyelong mga bato ang makikita sa itaas na parte nito.
Sa kanilang paglalakad papaloob sa kweba ay unti-unti ng lumiliit ang espasyo nitowat nawawalan ng liwanag, ang kaninang maganda nitong katangian ay naging nakakabahala dahil sa dilim ng paligid at ang mga batong kaninang nagkikinangan ay naging matutulis na bato na lamang na kapag nagkamali ka ng pagkakasandal ay maaaring magdulot ng grabeng pinsala sa iyong katawan.
Sa sobrang katahimikan, tila ay nabibingi ang mga tenga ng dalaga at mga patak na lamang ng tubig ang kanyang naririnig mula sa natunaw na yelo.
"Hindi ba tayo mapapahamak sa pagusad natin patungo sa kalooban nito?" pagbasag ng dalaga sa katahimikan.
'Huwag kang mangamba higit na mas ligtas ka rito sa lugar na ito dahil ang enerhiya na lumalabas sa iyong katawan ay humahalo sa enerhiya na nababalot sa yungib na ito. Hindi ka matutunton ng ibang nilalang na nakasagap ng enerhiya mo kanina ng tayo'y naglakbay papunta rito'.
Ilang metro na ang layo ng kanilang nilakad mula ng sila'y pumasok ngunit di pa rin alam ng dalaga kung anong kanyang dadatnan sa kanilang patutunguham. Habang nasa malalim na pagiisip ng bigla na lamang lumubog ang kanyang mga paa sa malalim na tubig na hanggang limang pulgada ang lalim at nagkaroong ng malakas na hangin. Itinaas niya ang kanyang braso at isinanggalang ang mga ito sa kanyang mukha. Para bang ipo-ipo ang ngayong tinatamasa ng kanyang katawan. Hindi lamang hangin kundi pati na rin tubig ang tumatama sa kanya dahil sa lakas ng dulot nito. Pakiramdam niya'y niyayanig ang buong kweba sa lakas ng hangin sa bawat sulok nito.
Maya maya pa ay naramdaman niyang tumigil ang paghampas ng hangin sa kanyang katawan at tumahimik muli ang kanyang paligid. Sa pagmulat muli ng kanyang mga mata, bumunga sa kanya ang malamlam na liwanag na nanggaling sa gitna. Dito lamang niya napagmasdan mabuti anp anyo ng paligid niya.'Tayo ngayon ay nasa ibang dimensyon ng kweba na pawang piling nilalang lamang ang nakakapasok.' saad ni Canis mula sa kanyang tabi.
Naglakad pagalapit ang lobo sa gitna kung saan nanggaling liwanag at tinawag naman nito ang huli upang sumunod sa kanya. Doon nakita ng dalaga ang bagay na nagbibigay liwanag sa gitnang bahagi nito. Isang bilog na lagusan kung saan dumadaan ang ibang tubig sa kweba. Pagtapak nila sa mismong bilog na salamin bigla na lamang lumubog ito at pakiramdam niya ay malulunod siya sa biglaang pagbaba nito na para bang hinigop sila ng lagusan pailalim.
Hindi niya napigilan ang kanyang tinig na huwag kumalas sa kanyang bibig.
"AAAAAAAAAAAAAAAAAaHHHHHHHHHhhHhhHHhHhHH" iyon na lamang ang kanyang nasambit hanggang sa tuluyan na siyang nilamon pailalim nito.
BINABASA MO ANG
MUNDO sa LIKOD ng SALAMIN
FantasíaAno ang hiwaga sa likod ng salamin? Kung ang nakikita mo lang ay ang iyong imahe. Buksan ang mga mata at isipan at sumama sa mundo sa likod ng salamin. (((IPINAGPAPATULOY)))