MUNDO SA LIKOD NG SALAMIN
Nagising si Zyra sa ingay na kanyang naririnig mula sa mainit na hanging dumadantay sa kanyang mukha at mahinang ungol sa kanyang punong tenga.
Unti-unti niyang minulat ang kanyang mga mata at bumungad sa kanya ang isang lobo na may walong buntot. Kulay puti na balahibo na may halong kulay abo. May diyamante sa kanyang noo at mayroong kulay asul na mga mata na pinaganda lalo ng mahahabang pilik mata.
‘Ang gandang lobo na nasa aking harapan.’ Banggit niya sa kanyang isipan.
Pinikit niya muli ang kanyang mga mata at nagbabakasakali na panaginip lamang ang kanyang nakita. Ngunit may narinig siyang boses na nagsasalita.
’May masakit ba sa iyong katawan? Kamusta ang iyong pakiramdam?’ sabi ng kanyang narinig na tinig.
May naramdaman siyang malambot na bagay na dumampi sa kanyang balat at napunta sa sensitibong parte ng kanyang katawan dahilan para siyang makiliti at bigla na lamang niyang namulat ng buong buo ang kanyang mga mata at nagulat siya sa kanyang nakita.
Isang lobong halos kasing laki niya. Natakot siya dahil bago pa lamang sa kanyang paningin ang ganitong uri ng nilalang. Nanlilisik ang mga mata at nakakatakot ang matutulis at mahahabang kuko.
“Tunay nga hindi ka isang panaginip, akala ko nananginip lamang ako.”
Bigla siyang napatayo at lumayo sa lobo. Luminga linga siya at napagtanto niya na nasa ibang siyang lugar. Parang tambol sa lakas ang kabog ng kanyang dibdib dahil na rin sa pagkatuklas niya na nasa ibang mundo na siya, biglang bumalik sa kanyang alaala ang nangyari bago siya mawalan ng malay.
Papalapit na naglakad sa kanya ang lobo. Ngunit bago pa man makalapit ito ay nagsambit si Zyra. “Lobo, huwag mo akong sasaktan ano bang nais mo sa akin at ako’y pinakuha mo mula sa aming mundo?”
Natigilan ang lobo at animo’y panandaliang nagisip. Bigla na lamang may narinig na tinig si Zyra ngunit wala siyang makitang tao na nagsasalita.
‘Sino ang nagdala sayo dito mula sa mundo ng mga tao?’
“Sino ka? Magpakita ka sa akin”
‘Ako ang nagsasalita Zyra, ako na nasa iyong harapan’
“Papaano? Ikaw? Ngunit isa kang lobo paano ka nakikipag-usap sa katulad ko at papaano mo nalaman ang aking pangalan?”
‘Marami ka pang di alam Zyra, simpleng bagay lamang ang iyong mga katanungan, huwag kang matakot ako ay iyong kaibigan.’
‘Maaari tayong mag-usap gamit lamang ang ating kaisipan upang makapag-ingat sa mga nilalang na nakakarinig ng ating pinaguusapan.’
“Naririnig mo ang aking sinasabi? Gamit ang aking utak?”
‘Oo, sa pamamagitan ng ating ugnayan sa isa’t –isa. Ikaw at ako’y kambal ng tadhana dito sa kaharian, bawat maharlika ay may kasabay na pinapanganak na Aslum. Tawag sa mga kambal na nilalang ng mga maharlikang nabubuhay sa mundong ito. Kami’y may kakayahang makipag-usap sa aming kakambal gamit lamang ang aming mga isip.
“Teka hndi ko mabatid ang iyong nais ipahiwatig, paano ako magkakaroon ng kaugnayan sa iyo gayong isa lamang akong tao, ni hindi ko nga alam ang lugar na ito.”
‘Alam kung mahirap maunawaanang mga lahat ng ito sa ngayon, pero maari mo bang sabihin sa akin kung sino ang nagdala sayo rito mula sa iyong mundong pinanggalingan?’
“Isang kay gandang nilalang at maganda ang hubog ng pangangatawan. Hindi ko maalala kung sino ito, masyadong malabo ang mga naganap. Hindi ko na tuloy alam kung isa lamang ba itong panaginip sa pagkagusto kong makatakas sa mundo na kahit kapareho nila ako pakiramdam ko hindi ako nabibilang.”
Nakakabinging katahimikan ang sunod na naganap sa kanilang dalawa. Wala ni isa mang nagsalita matapos niyang sambitin ang kanyang maikli pero malalim na hinanakit mula sa kanyang dibdib para sa mundong kanyang kinalakhan. Nababakas naman sa mukha ng Lobo ang lungkot dahil batid nito ang hirap na dinanas ng kanyang kakambal.
BINABASA MO ANG
MUNDO sa LIKOD ng SALAMIN
FantasiaAno ang hiwaga sa likod ng salamin? Kung ang nakikita mo lang ay ang iyong imahe. Buksan ang mga mata at isipan at sumama sa mundo sa likod ng salamin. (((IPINAGPAPATULOY)))