MUNDO sa HARAP ng SALAMIN
Isang ngiti ang namutawi sa labi ng binata ng marinig ang mga sinambit ng dalaga.
‘Kakaiba talaga siya, nagawan na nga siya ng masama ng ibang tao ni hindi man lang niya hinayaan na makaganti siya sa pang-aapi ng mga babaeng ito’ patukoy sa grupo ni Trisha.
Muli niyang tinignan si Trisha at hinawakan ang braso nito na sobrang higpit at nagsabi.
“Sa susunod na makita ko pa na mananakit kayo ng ibang estudyante dito at lalong lalo na iyong babaeng muntik na mahulugan ng paso malilintikan kayo sa akin. Mukhang alam mo naman ang kaya kong gawin base sa pinakita mong reaksyon kanina kaya huwag mong antayin na may mangyari pa sayong masama” pagkasabi noon ay binitawan niya ito at tinulak ng malakas na ikinasanhi ng pagbagsak nito sa sahig.
Naglakad na siya papalayo sa lugar kung saan naganap ang palabas. Iniwan ang mga taong maraming tanong sa kanilang isipan at pagkabigla sa kanilang mga nasaksihan. Dahil ang isang reyna ng kaguluhan ay natakot sa isang lalaking hindi nila alam kung sino at ano ang katauhan.
Habang binabagtas niya ang daan iniisip niya ang babaeng kanyang tinulungan.
Naaawa siya para rito dahil sa itsura niya. Kanina nakita niya ito papasok ng unibersidad na pinagtitinginan at pinagbubulungan. Narinig niya sa isang estudyante na ‘grabe tignan mo oh andami niyang sugat eww’ . Kaya naman napatingin siya sa tinuturo nito at napagpasyahan niyang tignan kung totoo ang sinasabi ng mga ito. Kinagulat niya na totoo nga na napakadami nitong peklat at ang malala pa nito may mga sugat at pasa na mahahalata mong bago pa lang ang mga iyon base sa kulay ng mga ito.
Nahahabag siya para rito ngunit napalitan ito ng paghanga na may dalawang kadahilanan, una ay ang pinakitang katatagan nito at pangalawa ay ang kabutihang tinataglay ng kanyang puso.
Hindi siya tumuloy sa kanyang klase bagkus dumiretso siya sa opisina ng kanyang ama na may-ari ng unibersidad na ito.
Doon ng pagkarating niya inutusan niya agad ang sekretarya ng ama na ilabas ang mga impormasyon ng lahat ng babaeng estudyante sa kolehiyo. Nais niyang malaman ang katauhan ng babaeng kanina’y pumukaw ng kanyang atensyon. Inisip niya muna kung saan niya ito unang hahagilapin dahil hindi man lang pala niya alam kung ano ang pangalan nito, pati na rin kung anong kurso ang kanyang pinapasukan.
Habang inihahanda ng sekretarya sa computer ang mga kelangan ng anak ng kanyang amo. Ang binata naman ay nagiisip at di mapakali sa kanyang kinauupuan. Pinapadyak niya ang kanyang paa para mawala ang tension na kanyang nararamdaman at inip dahil na rin sa pag-aantay. ‘Mukhang iisa-isahin ko pa. tsk! Bakit ba ko nagaaksaya ng panahon para sa babaeng iyon. ‘ sabi niya sa isip habang nakataas ang kilay niya dahil sa naisip niya na mahihirapan siyang hagilapin ito dahil sa dami ng estudyanteng nag-aaral dito.
Umalis siya sa lugar na iyon na nakataas ang kilay at nakakakunot ang noo. Naglakad lakad siya sa buong unibersidad.
Dumaan siya sa cafeteria at tumingin tingin sa mga taong kumakaen at nagkukuwentuhan, sa gym na madaming naglalaro at mga babaeng nagtitilian, sa swimming pool na may mangilan ngilan na nageensayo sa paglangoy, sa bawat gusali ay naikot na niya ngunit bigo siya na makita ni anino ng babaeng iyon.
Kaya naisipan niyang puntahan ang kaisa-isang lugar na minsan lang puntahan ng mga estudyante at ito ay ang Rooftop. Binagtas niya ang hagdanan papunta doon kahit na pagod na pagod na ang kanyang mga binti dahil sa ilang beses na siyang paikot-ikot sa buong unibersidad. Kaya ng malapit na siya sa pintuan nakakaramdam na siya ng ginhawa na gawa ng hanging pumapasok mula rito.
Nakita niya ang isang magandang dilag na nakatayo at hinahangin ang mahahaba at kulay brown nitong buhok na animo’y parang isang diyosa ng hangin sa kagandahan. Hindi niya maialis ang kanyang tingin dito na para bang may humihila at naguutos sa kanyang tignan lamang ito.
Pinagmasdan niya ang mukha nito na walang mababakas na kahit ano mang ekspresyon dito. Ang mga mata nito ang nagsasabi ng kanyang nararamdaman. Nakikita niya ito sa paraan ng pagtingin niya sa mga ulap at sa kalangitan na para bang kinakausap ang mga ito ng kanyang mga mata at may gustong ipahiwatig sa kanila.
Nakita na lamang niya ang sarili na lumalakad na papalapit sa dalaga na para bang may mga sarili itong mga buhay dahil ang utak at mata ng binata ay nakatuon parin sa kanya.
“Ano ang kailangan mo?”
Nagulat siya sa pagsalita nito, dahil hindi pa man siya nakakalapit ay naramdaman na nito ang kanyang presensiya na naroroon.
“Ah-Eh.. W- wala ako kelangan sayo, masama bang pumunta ako sa lugar na ito?” eh amin naman ang buong school na ito. Sabi niya sa kanyang isipan.
“Hindi naman, wala kasing pumupunta dito.” dumungaw siya sa baba at tinitignan ang bawat taong naglalakad na parang maliliit na langgam lamang sa laki.
RrrrrrrrrrrrrrrriiiiiiNngggggggggggg…..
Magsasalita pa sana siya kaya lang tumunog na ang bell na hudyat na kelangan ng bumalik sa bawat klase.
Kaya nakita niya na inayos na ng dalaga ang mga gamit niya kasabay ng pagharap nito sa kanya at diretsong naglakad ng hindi man lang siya tinitignan. Nagdire-diretso itong maglakad papunta sa hagdan ng walang karea-reaksyon sa kanyang mukha na animo’y isang naglalakad na manika.
BINABASA MO ANG
MUNDO sa LIKOD ng SALAMIN
FantasyAno ang hiwaga sa likod ng salamin? Kung ang nakikita mo lang ay ang iyong imahe. Buksan ang mga mata at isipan at sumama sa mundo sa likod ng salamin. (((IPINAGPAPATULOY)))