VII

613 20 2
                                    

MUNDO sa HARAP ng SALAMIN

 

 

 

Naglalakad ako ngayon papasok sa unibersidad na aking pinapasukan.  Habang ako ay naglalakad madaming mga matang nakasunod sa akin, mga mapanghusgang tingin ng mga taong aking nakakasalubong sa daan. Hindi na kaila sa akin ang ganitong sitwasyon na laging tinitignan at pinagbubulungan ng mga taong nakapaligid. Sino ba namang hindi titignan ang taong puno ng pasa at sugat ang katawan. Bumabakas iyon sa kanilang mga mata at kanilang mga labi na kumukurba pailalim.

Napatungo na lamang ako at dumiretso sa paglalakad papunta sa aking klase. Nakakarinig ako ng bulung bulungan at mahihinang tawanan na para bang may magandang eksenang magaganap. Hindi ko na lang pinansin at nagpatuloy na lamang sa aking pupuntahan. Nang biglang may tumulak sa akin na naging dahilan ng aking pagkahiga sa semento.

Ayyyyy!! Narinig ko na sabi ng ibang estudyante

Sayang!! Naman!!.. Sabi naman ng ibang nakikiisyoso

"Ahhhh.. ARay!! Ansakit ng balakang ko.." sabi ko habang nakapikit na hinihimas ang masakit na parte kung saan unang bumagsak sa sementadong lugar.

Bigla na lang may narinig akong isang malakas na pagbagsak sa lupa. Bumangon ako at pilit na umupo sa sahig at inabot ang mga gamit ko na nahulog mula sa pagkakatulak sa akin.

“Anong problema niyo?”

Nagulat ako sa pagsigaw ng isang tao. Kaya agad kong hinanap kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon. Isang lalaking nakauniporme din na katulad ng pinapasukan kong unibersidad. Nakatalikod ito kaya hindi ko makita ang kanyang mukha.

“Sino ang may gawa nun?” walang sinuman ang umimik pagkatapos niyang magsalita.

“Sa tingin niyo ba nakakatuwa ang ginawa niyo? Para kayong mga nasa perya na nag-aabang ng magandang palabas. Paano kung natamaan siya ng paso na iyon sa ulo niya? Kayo ba ang responsable sa kanya?”

 

 

 

Hindi ko malaman kung bakit ginagawa ito ng binatang nakatalikod sa akin. Ni hindi ko nga siya kilala. Bakit niya ako iniligtas mula sa masamang balak ng ibang estudyante dito.

“Bakit mo siya tinulak? Bakit may gusto ka ba sa kanya? Kaya ba nagpapakabayani ka ngayon at ang tapang mo ahhh.. Di mo ba ko kilala?” sabi ni Trisha.

Alam ko siya ang pasimuno sa gulong ito dahil araw-araw may bago siyang pakulo sa bawat estudyanteng gusto niya takutin at lokohin. Ako ay isa din sa mga biktima niya kaya hindi na ko nagtataka kung may mangyari mang masama sa akin dito. Isa siyang mapang-aping nilalang na nabubuhay sa mundong ibabaw. Gamit ang yaman at impluwensiya ng kanyang mga magulang nagagawa niyang lahat ng gustuhin niya dito sa unibersidad na ito na hindi man lang napaparusahan ng mga opisyales.

“Bakit hindi mo din ba ako kilala? Pangilagan mo ako, kayo ng mga kasama mo. Hindi mo kilala ang kinakausap mo.” Sabi ng binata.

May itinapat ang binata sa mukha ng babae. Kaya napaatras ito at bumakas naman sa mukha nito ang takot na kailanman hindi ko pa nakikita sa ilang taon kong pag-aaral dito. Marahil nga ay maimpluwensiya din ang taong ito na tanging likod lamang ang aking napapagmasdan.

‘Ngunit ano kaya ang bagay na iyon na dahilan ng pagkatakot ni Trisha?’

 

 

 

“Gusto mo bang gawin ko din sayo ang ginawa mo sa babaeng yun para maramdaman mo ang sakit at hirap na nararamdaman ng mga inaapi mo?” sabi nang lalaking nakatalikod.

Hinila niya ang babae at itatali sa puno habang ang mga kaibigan naman nito ay walang magawa kundi manuod lamang at maawa sa kasasapitan ng kanilang pinuno ng grupo. Doon ay bigla akong nagising sa pagkatulala. 

“Itigil mo na iyan.”

 

 

 

Itinigil na ng lalaki ang kanyang ginagawa at nagtanong ng “bakit?” habang nakatalikod pa rin.

“Hindi maitatama ng pagkakamali ang paggawa din ng pagkakamali sa kapwa. Marahil ay may nagawa siyang mga bagay na hindi maganda sa iba pero siguro nama’y magtatanda na siya at babaunin ang sitwasyon na ito na isang aral upang di na siya makapanakit ng iba. Kaya hindi mo na kailangang pang saktan siya.”

“Maraming salamat sa pagtulak mo sa akin marahil kung hindi mo ginawa iyon ay duguan na ang parte ng katawan ko na tatamaan ng pasong iyon.”

Pagkasabi ko noon ay tumalikod na ako at dumiretso papunta sa aking klase. Pero hindi ko maitatanggi sa aking sarili na sobrang nagalak ang puso ko sa pagtatanggol sa akin ng binatang iyon. Kahit hindi ko man nakita ang kanyang mukha tiyak ko sa aking sarili na isa siyang mabuting tao. Hindi man lang siya nagatubili na tulungan ang isang tulad ko.

MUNDO sa LIKOD ng SALAMINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon