Pag uwi ko sa bahay galing Castle on the Hill ay agad akong nakatanggap ng message galing kay tita Selena. May beach outing raw sila bukas at gusto nila akong isama bilang pasasalamat sa pag-aalaga ko kay Lorenz.
It was nothing, though. I did it volontarily. But the offer is quite tempting. A little outing won't harm me, right? Lalo na't nandiyan naman si tita Selena at tito Francis.
They will pick me up at exactly 8:00 a.m. kaya naman ay kagabi pa lang ay naihanda ko na ang mga gamit ko.
"Nickqi?" Narinig ko ang pagkatok sa kwarto.
Agad ko naman iyong ipinagbuksan. It's probably one of our maids.
"Ate Yen!" Tawag ko nang makita ko siya sa harapan ko.
Naihanda ko na ang beach bag ko na naglalaman ng mga gamit ko para mamaya. I also bought some food but I will save them for later.
"Nandiyan na ang sasakyan ni ma'am Selena. Hinihintay ka na nila."
"Talaga po ba? Sige po, mauna na ako. Bye po!" Kumaway ako sa kanya habang papalabas ng kwarto.
Naiwan si ate sa pinto ng kwarto na at siya na ang nagsara nito dahil nakalimutan ko itong isara.
Papalakad ako papunta sa garage nang sinalubong ako ng mahigpit na yakap ni Lorenz.
"Nickqi!
Nang kumalas na si Lorenz ay kaagad niya akong hinatak papunta sa garage kung saan naka-park ang sasakyan nila.
Pagdating doon ay pinagbuksan niya ako ng pinto. Nauna na akong pumasok at sumunod si Lorenz. Nasa pinaka kaliwa si ate Dawn, nasa gitna ako at nasa kabilang dulo naman si Lorenz na malapit sa bintana. Si tita Selena ay nasa front seat habang si tito Francis naman ang magda-drive.
"Good morning po!" Bati ko sa kanilang lahat. I smiled a bit to show my courteousy. Nagmano naman ako kay tita Selena at tito Francis.
"Good morning love!" Tita Selena replied na kasalukuyang nag-aayos ng mga gamit na nasa loob ng beach bag.
"Good morning nak," si tito Francis naman ang bumati sa akin. "Kamusta ang gising?"
"Okay lang naman po," nahihiya kong tugon. "Thank you po pala sa pag-invite sa akin."
"Naku kami dapat ang magpasalamat sa'yo. Thank you Nickqi dahil... Alam mo na. Basta, salamat." She gave me a precious smile.
Natawa ako ng kaunti dahil sa sinabi niya pero alam ko naman ang ibig niyang sabihin.
I never thought that this would be na exclusive family outing. Alam ko na sasama silang lahat. Pero kung inakala ko ba na buong pamilya lang ni Lorenz ang makakasama ko? Well, it's a no.
Nang makaalis na ang sasakyan nila sa bahay ay hindi na ako nagsalita. Alam kong hindi dapat ako mahiya sa kanila dahil pamilya ko na rin sila. But knowing that I'm invited in their family outing? Hindi ko maiwasang mahiya ng kaunti.
Sa tuwing may iniaalok silang pagkain sa akin, hindi ko naman ito tinatanggihan. Sumasagot rin ako sa tuwing tinatanong nila ako. Hindi lang talaga ako ang unang nag a-approach.
Ganoon ang mood ko hanggang nakarating kami sa beach resort na sinasabi nila. Mahigit apat na oras ang ginugol namin para makarating dito.
Sa totoo lang, mga tatlong oras lang naman raw talaga dapat ang biyahe namin. Pero dahil sa napakaraming stop-overs at picture takings, natagalan kami.
Nilapag ko ang beach bag ko sa isang bench na medyo malayo sa pintuan ng cottage.
Matapos naming maayos ang mga gamit namin ay ang mesa naman ang inayos naming lahat. Our tummies can't wait for lunch.
BINABASA MO ANG
What If
Teen FictionWARNING: Unedited. Will edit this once I break free from my academic responsibilities. ••• They say that there are two kinds of princesses. One is the damsel in distress, and the other one is the strong and independent. If Nickqi Lucelle Ocampo is a...