"Tara na." Mabilis na naglakad si Lorenz papunta sa direksyon ni ate Dawn at kinaladkad ito.
"Lorenz, respect! Dito na muna." Simple lang ang mga salitang iyon ngunit bakad ang awtoridad niya noong sinabi niya iyon.
Walang ibang nagawa si Lorenz kundi ang umupo sa sala at manatili. Narinig ko pa ang kanyang pagbuntong-hininga.
Umupo ako sa tabi ni ate Dawn. Saka ko siya kinalabit at sumenyas na may ibubulong sa kanya.
"Ate, okay na ako. Pwede na kayong umalis."
Akala ko ay sasagutin niya ako pero pinagsawalang-bahala niya lang ito.
"Lorenz, may pagkain sa tray. Baka gusto mong kumain."
"No need. I'm full." Malamig niyang tugon.
"Oh come on! Sayang ang effort at preparation ni Nickqi para diyan."
Umiling-iling ako kay ate at tiningnan ko siya ng masama. Alam kong alam niya ang ibig kong sabihin pero gaya ng kanina, ipinagsawalang bahala niya lang ito.
Nakita kong unti-unting kinakain ni Lorenz ang mga pagkain na nasa tray. Hindi naman maipagkakaila sa mukha niya na nasarapan siya sa pagkain.
Binigyan naman ako ni ate Dawn ng ngiting nakakaloko saka tinuro si Lorenz gamit ang kanyang nguso.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Lorenz na sinusubo sa kanyang bibig ang huling pagkain na nasa tray at ininom ang huling baso ng drinks.
Hindi pa nakakakain si ate Dawn noon!
"Ate, kukunan ko na lang-"
"I'm okay. Kakatapos ko lang mag breakfast kaya busog pa ako."
Alam kong hindi pa nag aagahan si ate. Bago niya lang ito sinabi sa akin na hindi pa siya kumakain. Nahihiya pa rin ako kay ate Dawn kaya nagdesisyon pa rin ako na kumuha pa ng pagkain para sa kanya. Pero pinigilan pa rin niya ako kaya wala na akong nagawa.
"Let's go." Pagyayaya ni Lorenz. This time, he's calmer.
Tumayo na ang dalawa mula sa pagkakaupo nila sa sofa. Kinuha ko ang mga baso at plato sa table saka ito ninilagay sa tray.
"You know Nickqi, you should join us." Kumindat si ate sa akin. Umiling naman ako at tumanggi.
"No need-" Hindi ko na natapos ang gusto kong sabihin dahil kinaladkad na ako ni ate Dawn papalabas ng bahay hanggang sa nakarating kami sa parking area kung nasaan ang sasakyan nila.
Napahinga ako ng malalalim sa pag aakala na tapos na ang lahat. Pero bigla niyang binuksan ang front seat ng sasakyan at binuhat ako papasok.
She slammed the door to close it then I heard a sound. She closed the car. Mabubuksan ko naman ang sasakyan mula dito sa loob pero tutunog ang alarm nito. Hindi ko na lang ginawa dahil ayaw ko na ng eskandalo.
Hindi umaandar ang sasakyan kaya hindi ito gumagana. Hindi gumagana ang aircon, ang radio, lahat! Pinaypayan ko na lang ang sarili gamit ang kamay dahil sa sobrang init.
"This is violence!" Malakas kong sigaw mula sa loob kahit na maliit ang tyansa na maririnig nila ako.
"Okay I'll come with you. Paandarin niyo lang ang sasakyan! Ang init na!" I shouted those words from the top of my lungs.
Matapos iyon ay may narinig ulit na na tunog. That means that the car is open.
I felt Lorenz jumping off on the driver's seat and so is her sister on the passenger's seat.
Ang sunod ko namang naramdaman ay ang pagtakbo ng sasakyan at paglisan namin sa bahay.
I am a bit worried because the maids and all the other people inside the house night be worried about me because they don't know where I am. Kaya naman ay tinagwagan ko ang isa sa mga ate na naiwan sa bahay at sinabi kong sumama ako kay ate Dawn at papunta kami ngayon sa bahay nila.
BINABASA MO ANG
What If
Roman pour AdolescentsWARNING: Unedited. Will edit this once I break free from my academic responsibilities. ••• They say that there are two kinds of princesses. One is the damsel in distress, and the other one is the strong and independent. If Nickqi Lucelle Ocampo is a...