Epilogue

233 16 1
                                    

Isang mahigpit na yakap mula kay tita Selena ang aking naramdaman. Nandito na pala sila.

Hindi ko pa rin maiwasang mapahikbi. Basa na ang balikat ni tita dahil sa mga luha ko pero sa tuwing pupunasan ko ang mga ito ay may tutulo nanaman na panibago.

Umupo kami sa long bench na nasa harapan ng kabaong, kung saan nakahiga ang malamig na katawan ni Lorenz.

Unang araw pa lamang ng lamay pero pakiramdam ko ay huli na. Dahil pare-pareho lang naman ang ibig sabihin, hindi ko na siya makikita.

"Nickqi, pahangin muna ako sa labas." Pagpaaalam ni tita Selena.

Tinanguan ko na lang siya kaya lumabas siya ng bahay para magpahangin. Ako na lang ang naiwan sa loob kasama si Lorenz.

Alam ko naman na hindi niya kayang makita na ganito ang anak niya. Kahit sino namang makakakita kay Lorenz na nasa ganitong kalagayan ay masasaktan. The hurt is inevitable.

Lumapit ako sa kabaong para makita ulit ng buo ang kanyang mukha. Malaki ang pinagbago niya. The make-ups can't restore his natural beauty. Pakiramdam ko ay kumulubot ang lang ang balat niya nang dahil dito.

He's not the same old Lorenz anymore. I miss the Lorenz who could make me pissed, laugh, and smile at the same time.

Gusto kong tingnan ulit ang mga mata niya pero nakapikit na siya at hindi na didilat pa.

Hindi na niya ako aasarin, hindi na niya ako kakantahan. No one would make fun of me anymore. I will lose my crying shoulder.

"Lorenz?" Tawag ko sa kanya kahit alam ko na hindi niya ako naririnig.

"Lorenz, bakit ang daya mo?"

Ramdam at rinig ko ang mga hikbi ko kabang sinasabi ko ang mga iyon.

"Paano mo nagawang isalba ang buhay ng isang tao na nanakit sa'yo habang iniiwan ang nagmamahal sa'yo ng husto? Kung alam mong mamamatay ka kung ililigtas mo siya, sana sinama mo na lang ako para sabay rin tayong dalawa?"

"How dare you!" Singhal ko sa malamig niyang katawan. Gusto ko siyang pakalmahin at yakapin ako. Gusto kong lambingin niya ako ngayong sinusumbatan ko siya.

Pero alam ko rin na hindi na niya ito magagawa.

"How dare you to save my life when I'm suicidal and take it afterwards? How dare you to teach me how to be brave and leave me when you were my strength? How dare you to come back if you would still leave me? How dare you to say that you love me and leave me afterwards to save somebody else? How dare you to save the one who left you while leaving the person who loved you the most?"

Medyo lumayo ako sa kanya para hindi mapatakan ng luha ang glass. Ayokong may makakitang galing akong umiyak.

"Because it feels like, you chose Vander Leigh over me. Alam kong hindi ganoon, alam kong tinutulungan mo lang siya. Likas sa'yo ang pagiging matulungin. Pero Lorenz, noong mga oras na iyon kailangan kita. I need you to run to me, hug me and say that you're okay. But you never did. Sa halip ang nakita ko ay ang hindi mo paggalaw, ang pagtalsik ng iyong dugo. And instead of hearing the words that you're okay, what I heard is you're gone."

Unti-unting gumagawa ng imahe sa utak ko ang mga pangyayari. Kung paano siya tumilapon nang nabangga siya ng SUV, kung paano tumalsik ang sarili niyang dugo sa kanyang damit at katawan, kung paano siya dinala sa ambulansya, at kung paano ideneklara na namatay siya pasadong alas dose ng madaling araw.

"Every time I hear your voice inside my head, it hurts me. Because I know that I will never hear it again. Every time I remember our dreams and prayers for each other, it hauntes me. Because I can't see your smile when my dreams came into reality."

What IfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon