Chapter - 2 " Meet The King "

95 7 0
                                    

Dedicate to : Ma. Almira Sacriz

RYAN's POV

Nagmamadali akong naglalakad  papunta sa Room ko di kase ako naka pasok sa mga naunang subject ko,Lagot nanaman ako nito sa mga teachers ko kahit na daw kase varsity player ako ng School kailangan ko paren mag focus sa studies ko at ng sa di inaasahan may nabungo akong babae. Hihingi sana ako ng sorry kaso sadyang nagmamadli talaga ako.

"Aray ! di manlang marunong mag sorry akala mo kung sinong may ari ng daan." 

Ano ba naman to! sa isip-isip ko wrong timing kung kelan naman nag mamadali ako oh! Nakaka asar siguradong isa lang to sa mga babaeng nag papansin saakin eh ! kaya naman onti-onti na kong lumingon at nilapitan siya na naging dahilan nang sigawan at tilian ng mga babae.

"Nagpapa pansin kaba sakin. Wala kase akong time ngayun Ms. ?  nagmamadali kase ako" which is totoo naman , tsaka ayoko nang pahabain pa ang usapan remember nagmamadali nga ako diba?.

"What ? bat ko naman gagawin yun sino kaba? Hindi ka manlang marunong humingi ng sorry !!! naka bungo ka kaya !! "  - panget

Muka talagang galit siya ah ! at ang nakaka gulat hindi nya ko kilala ?  Ang nag iisang "Ryan Montero" 

ang kilalang "The King" ng SJB Academy ang pinaka gwapong studyante sa balat ng lupa , Ang Team Captain ng SJB Tiger Basketball Team ang nag iisang Crush ng bayan.

imposibleng di nya ko kilala.

Walang babae ang hindi nag ka interest sakin dito sa school , Hindi naman sa pag mamayabang pero gwapo talaga ako eh! at yun ang totoo . Baka tehcnique nya lang yan para makuha ang loob ko tsk. style neto bulok hindi na ko nadadala sa mga ganyang style. Tsaka napahiya nya ko ng sabihing nyang di nya ko kilala first time ko yun na may babae sa school na to na hindi ako kilala. Kailangan maka bawi ako !! ..

"Talaga di mo ko kilala ? , Sabagay ikaw nga parang ngayun lang kita nakita . Kung ayaw mo mabungo wag kang pakalat kalat dito sa hallway."  ganting sagot ko sa kanya.

"Bastos ka !! Hindi ka matinong kausap kaya hindi na kita papatulan." - Panget

Ako bastos? kahit kailan hindi ako ng bastos ng babae ! , babae mismo ang nagpapa bastos sakin. Hindi daw ako matinong kausap baka siya ! Muka siyang hindi matino, tas hindi nya daw ako papatulan wow huh! As in W O W !!! ang isang Ryan Montero pa talaga ang sinabihan nya ng ganun. Sa tingin nya ba papatulan ko siya ! tsk. siya nga ang bastos eh ! talikuran ba naman ako .

Tandaan mo to Panget magkikita pa tayo !! sa isip isip ko.

KENDAL's POV

Urghhh. nakaka inis talaga yung Ungoy na yun akala mo kung sino. Ako mag papansin sa kanya! what the heck . Anong tingin nya sa sarili nya Hari bat naman ako mag papansin sa kanya ni hindi manlang nang hingi nang sorry.

"Ang lalim naman ata ng ini-isip mo ateng" -Andrea

Nagulat ako, nag salita nanaman pala siya bihira kase siya mag salita eh! kaya pag may sinasabi siya nagugulat nalang kame ni Esther. Kasalukuyan kameng naglalakad papunta sa gate ng school , uwian narin kase at ang nakaka asar ng dahil sa lalaking yun di ako na kapag concentrate sa pag-aaral  sa sobrang asar at gigil ko iniisip ko kung pano ko babaliin ang buto nya pag nag tagpo ang aming mga landas ! Nakaka pangigil .

"Mukang nahanap na ni Princess Kendal ang kanyang Prince Charming". -Esther

Naghawak kamay pa ang dalawa na parang baliw na kinikilig kilig.

"Shut up ! tigilan nyu nga akong dalawa , pano naman magiging Prince Charming what ever ang UNGOY na yun bukod sa over confident bastos pa ." Mataray kung sagot sa kanila.

"Pano mo naman nasabe na siya yung tinutukoy namen"- Esther.

"Siguro siya ang dahilan bakit malalim ang ini-isip mo no!" -Andrea.

Bwiset tong mga to!! Badtrip na nga ako , pinagtutulungan pa talaga ako. "Whatever , hindi ko naman siya kilala tsaka anong pake ko sa kanya."

"OMG !! Hindi mo talaga siya kilala? as in?".- Esther

"Hala ulit-ulit hindi nga diba tanga lang?" Sagot ko naman sa kanya

napanguso naman ang loka loka dahil sa sinabi ko.

"Sige ako na ang mag papakilala sayo kung sino siya" -Andrea .

"yung lalaking kanina pa gumugulo dyan sa isipan mo ay si Ryan Montero 15 yrs. old din siya kagaya mo at mas kilala siya dito sa SJB Academy bilang "THE KING" bakit?  dahil siya lang naman ang Pinaka Gwapo at pinaka mayaman dito sa school naten. Hindi lang yun Team Captain siya ng Basketball team sa school naten at bali-balita na marami na siyang pina iyak na babae pero correction kasalanan yun ng mga babaeng patay na patay sa kanya.

Grabe ang perfect nya lang." For the record yan na ang pinaka mahabang salaysay ni Andrea sa buong buhay nya kaloka.

"at talagang kabisado mo ang kwento nya huh! kakaiba kadin eh! " -Kendal

"Oo naman no ! unang kita ko palang sa kanya dito sa school nagustuhan kuna siya." -Andrea.

"Ahhhhh !!!! Basta wala akong paki- alam sa hambog nayun, Tsaka tama na ang chika nandyan na mga sundo nyo." bangit ko sa dalawang buang.

"ayy oo nga, ayaw mo bang sumabay?" - Esther

"oo nga tara sabay kana samen" - Andrea .

"Wag na salamat nalang tsaka iba yung way papunta sa inyo mapapalayo lang kayu , Kita-kits nalang tayo bukas " sabe ko sa kanila

At yun nga nag kanya kanya na kame ng way. Ako naman pumunta na sa Terminal ng Jeep at sumakay pauwi.

~~~~~~~~~~

Sa Bahay

" Kamusta school Sis " - Kuya Josh

"Ok. naman yung school , Ayos paden bakit may papagawa ka?" - Kendal

" Pilosopo ka ! Ibig kong sabihin kamusta pag-aaral mo? " Galit na bangit ni kuya.

"Linawin mo kase mga tanong mo!!! " Pasigaw kong sagot.

"oh!!! ayan nanaman kayu , Nung isang lingo bago umalis ang kuya mo ang sweet sweet nyu pa. Tas kaka kita nyu palang sa isat-isa nag aaway na kayu. Ikaw Kendal wag na wag mong sasagutin ang kuya mo ng ganyan mas matanda siya sayo. Tara na at kakain na tayu " -Mommy .

Sumumod na si kuya kay Mommy pero bago siya mawala sa paningin ko biruin nyu yun dumila pa na parang bata tsk. nakuha pang mang asar. Naasar kase ako dito kay kuya ehh!!! Ang botlogs mag tanong pasalamat siya at kamuka nya si Enrique Gil kung hindi tinakwil kuna siya bilang kapatid, wala naman akong magawa kaya sumunod nadin ako sa kusina kesa naman mapagalitan pa ko.

"Mommy anong ulam naten?" tanong ko kay Mommy.

"Edi yung favorite nyung magkapatid sinigang na hipon." Sagot naman ni Mommy saken.

Wow!!! sobrang favorite talaga namen to ni kuya. Kaya mukang madame nanaman akong makakain ngayung gabi.

"Mom? Si Daddy nga pala nasaan?". -Kuya Josh.

Oo nga no? hindi ko manlang napansin na wala pala si Daddy.

"Ah! Sinama kase ng Boss nya ang Daddy nyu sa Business Meeting nila sa Cebu , Baka sa susunod na araw nandito nayun." - Mommy

ahhhh kaya pala , nakaka tuwa rin yung Boss ng Daddy ko eh ! Sobrang dame nyang naitulong samen pati scholarship ni kuya sa College sagot ng company nila kaya ayun mas nakaka ipon sila Mommy at Daddy.

Sabi nga ni Daddy eh! baka pag nag celebrate daw ng anniversary yung company nila ay isasama nya daw kame para naman daw makilala at makapag pasalamat kame sa boss niya.

Pagkatapos namen kumain ay pumunta na ko sa kwarto ko! Grabe ang dameng nangyari ngayung araw na to yung stress ko lume-level up na, bwiset kaseng Ungoy na yun eh! Sana hindi na kame magkita baka masaktan ko lang siya! Tsk.

End of Chapter 2

Vote and Comment

JC Santos <3

The Man Hater Meets The King  ( on-going )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon