Chapter - 4 " Unexpected "

86 7 0
                                    

Dedicate to : Lourdes Fabreag

RYAN's POV

1 Month after what happen samen ni Kendal sa Auditorium ay marameng nagbago saken, Di ko alam pero sa isang iglap nagbago na ko. Ayoko lang aminin sa sarili ko na siya ang dahilan kung bakit ako nagbago, pero yun yung totoo. Yung pakiramdan kase na guilty paren ako ng dahil sa nagawa ko sa kanya.

Tama nga sila there's always a first time at siya yung unang babaeng nagparamdam saken na hindi ako perpektong lalaki na hindi pare parehas ang mga babae. Na may mga kagaya nya na kahit kelan hindi magkaka gusto sa mga kagaya ko, na hindi basehan ang itsura at pera para mahalin ako. Hindi ibig sabihin nun na nagugustuhan kuna siya may mga bagay lang talagang nabago sakin ng dahil sa kanya.

Saturday ngayun at walang pasok at pag ganitong walang pasok mas masaya na kong mag stay sa bahay. Pag nandito ako sa loob ng kwarto ko mas ramdam ko na totoo ako sa sarili ko at walang sinong makaka sakit sakin, kasalukuyan akong nagbabasa ng kwento sa libro ng may tumatawag sa phone ko.

"Oh ? Pare bakit ka napatawag? " -Ryan.

"Busy kaba pare ? tara samahan mo naman ako?!." -Carlo

"Oo busy ako! " -Ryan

Sagot ko kaagad sa kanya, sabado at lingo na nga lang ang pahinga namen galing sa puspusang training sa basketball plus idagdag pa ang pag-aaral na bawal pabayaan. Tapos ngayun sa dame namen sa team sakin pa talaga mag papasama.

"Grabe ka naman pare, ganyan kaba sa Bestfriend mo ? .- Carlo

"San kaba kase pupunta? at dinadamay mo pa ko? " - Ryan

"Sa Mall sa may bookstore may bibilhin kase ako" -Carlo

"Ulol !!! ka pare kelan kapa nahilig sa libro." - Ryan

"Kala mo lang yun haha , sige na samaha muna ko ?? " - Carlo.

Pasalamat siya at malapit kunang matapos yung librong binabasa ko kaya kailangan kunang bumili ng bago. Kung hindi wala siyang magagawa hindi ko siya sasamahan.

"Sige pare kita nalang tayo mamaya." -Ryan

KENDAL's POV

"Ano ba Esther? yung totoo bibili kaba ng libro o hindi? " -Kendal.

"Bibili ako ! Wait kalang dyan." - Esther

Naku pag ganito ang ina-akto ng kaibigan ko alam kung may ginagawa itong hindi maganda o kaya nag sisinungaling siya sakin.

"Pag nalaman ku lang na may ginagawa kang kalokohan humanda ka talaga saken." Pananakot ko sa kanya .

"Ok. ok aamin na ko wag muna kong takutin, Magkikita kame ni Carlo ngayun eh !! " - Esther.

Kita mo to makikipag kita lang pala sa Boyfriend nya dinamay pa ko sabe kuna kaya pala iba yung nararamdaman ko eh!

"Loka-loka ka talaga dinamay mo pa ko! edi sana nanahimik lang ako ngayun sa bahay. " -Kendal

"Kaya nga kita sinama eh! para mas makilala mo si Carlo para malaman mo na mahal nya talaga ako at hindi nya ko lolokohin."- Esther

"Ok. sige mabuti narin yung nandito ako mamaya san pa kayu mapunta." Sagot ko sa kanya na ikinalaki ng mata nya.

"Kendal !!! napaka sabog ng utak mo !!! hindi ako ganun noh!!! " .- Esther

"Alam ko , para lang sigurado" sagot ko naman sa kanya. Habang nag aantay siya ako naman tumitingin tingin ng libro, maya maya lang dumating na si Carlo , di ko siya pinansin nag titingin tingin parin kase ako ng libro. Pinakingan ko nalang kung anong pinag uusapan nila.

The Man Hater Meets The King  ( on-going )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon