Chapter - 5 " Practice Game"

79 6 0
                                    

Dedicate to : Nathaniel Broso

RYAN's POV

Maaga akong pumasok at kasalukuyang naka tambay dito sa Locker Room ng Basketball team namen, Nag mu-muni muni muna ko dahil wala pa namang gagawin dahil maaga pa nga at mamaya may practice game nanaman kame kaya kailangan ko ng maraming energy. Maya maya lang dumating na si Carlo .

"Pare kamusta mukang puyat ka ata?" Naka ngising nang a-asar ang gago.

"Wala kang pake ulol ka! " Ganting biro ko sa kanya.

"Ouch pare hahaha alam kuna mag papa good vibes sayo hahaha" - Carlo

Mukang malaki na ata ang tama sa ulo ng kaibigan ko ah? kawawa naman tsk. Ano nanaman kaya pina plano nang ugok na to?

"Kung may gagawin ka nanamang kalokohan wag mo na kong idamay, baka naka limutan mo na yung nangyari nung sabado." Galit kong paalala sa kanya.

"Wooh , Wooh pare chill kalang, kalimutan muna yun tsaka ang astig mo nga nung sabado ehh! Para kang Knight in Shinning Rumor astig diba? - Carlo

"Pare wag Bobo "Knight in Shinning Armor" yun . Aral aral din kase " natatawa kong sabe sa kanya.

"Edi ikaw na perpekto , bahala kana nga dyan , pupuntahan ko pa kase si Esther papasama sana ako sayo eh! kaso parang ayaw mo naman baka kase nandun din si Andrea at Kendal ng ma invite naman sila manood ng practice game.

Tama ba yung narinig ko binangit nya yung pangalan ni Kendal? para akong Robot na dali-dali siyang hinabol.

"oh? akala ko ba ayaw mo ko samahan? " Gulat na bangit neto.

"Bibili pala ko ng tubig sasabay na ko." -Ryan

"Tubig pala huh!! Tsk. " Nang aasar na bangit ni Carlo.

Naglakad na kame ni Carlo papunta kila Esther at nandun sila sa Garden nang school naka upo sa ilalim ng puno nang manga. Nakatalikod si Kendal kaya hindi niya kame nakikitang lumalapit.

"Hi Love? hi Andrea and Kendal"- Carlo.

Dahil sa pag karinig sa boses ni Carlo unti-unti siyang lumingon pero yung pag lingon niya mabagal sa aking paningin ewan ko ba nag slowmotion nanaman siya saken naging malabo nanaman ang paligid ko at tanging siya lang ang nakikita ko, nung naka tingin na siya sakin umiwas naman ako ng tingin.

Baka kung ano pang isipin niya at pag kamalan niyang nagugustuhan ko pa siya no way, (Kung wala kang gusto bakit ganyan ang kabog ng dibdib mo) Sabe ng paki alamerong utak ko. What nababaliw narin ba ko ? tsk. sinusulyapan ko siya kahit nakatingin ako sa ibang direksyon nakita kong pagkatapos niya kameng lingunin ay humarap na siya uli sa mga kaibigan niya

at yumuko.

"Wala lang gusto ko sana kayung invite manuod ng practice game namen mamaya kung ok. lang kay Kendal." - Carlo

"Naku ok. lang kay Kendal yan , lalo pa ngayun sa tingin ko ma-eenjoy nya manuod "- Andrea.

Anong ibig sabihin ni Andrea dun? May pumoporma nabang iba kay Kendal at galing pa sa Team namen ? sino kaya yun ? napakunot tuloy yung noo ko? humanda sakin kung sino man yun.

"Ano Kendal ayus lang ba? " - Esther .

"Sige ok. lang saken." - Kendal.

KENDAL's POV

Hindi ako nakatulog pagkatapos nang nangyari sa bookstore may makulit kaseng gumugulo sa utak ko, na kahit kelan hindi ko pa naranasan ng dahil lang sa lalaki. Feeling ko nga nababaliw na ko eh!.

The Man Hater Meets The King  ( on-going )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon