Chapter - 16 " The Untold Past " Final Part

34 6 3
                                    

Final Part of : The Untold Past

Dedicate To : Jesca Decio

RAFAEL's POV

Kinabukasan nang gabi ay dinalaw ko si Lisa sa kanilang bahay para yayain pumunta sa perya hindi kase siya pumunta ngayun sa Hacienda kaya nag desisyon akong puntahan siya hindi naman ako nahirapan hanapin ang bahay niya dahil marami naman nakaka kilala sa kanila.

Kagabi ay muntikan kunang hindi mapigilan ang aking temptasyon sa kanya subalit naka kita ako ng takot sa mga mata niya at hindi ko kayang gawin yun sa isang babaeng hindi handa.

Kagabi rin ay napagtanto ko na meron na akong nararamdaman sa kanya at alam kong hindi lang ito basta simpleng pag tingin, gusto ko siyang ligawan at nakikita ko sa kanya ang mga katangian gusto ko sa isang babae.

Kumatok na ako para makita siya nang bumukas ang pinto si Mang Nestor ang sumalubong saakin. "Oh? Senyor bat po kayo naparito? May ipag uutos ho ba kayo pasensya na po." - Mang Nestor.

"Naku hindi ho Mang Nestor , si Lisa ho talaga ang pinunta ko rito gusto ko ho kase sanang mag pasama sa peryahan." -Rafael.

"Ay ganun ho ba Senyor? Pasok ho muna kayo at tatawagin kulang siya." - Mang Nestor.

Pumasok ako sa loob at umupo sa upuang gawa sa kawayan, maliit lang ang bahay nila ang mga gamit naman nila ay bilang lang makikita mo talaga na sapat lang ang buhay nila. Maya maya lang nang onti ay lumabas na ito sa kanyang silid.

"Anong ginagawa mo rito? " asar na tanong niya saakin.

"Anak bat ganyan ka mag salita kay Senyor baka nakakalimutan mo na Amo natin sila." -Mang Nestor

"Hindi ko ho yun nakakalimutan, ang saakin lang ho ! wala na ho tayo sa Mansion ngayun nasa bahay ho tayo kaya wala po tayong responsibilidad ngayun sa kanila." -Lisa

Tinamaan naman ako sa sinabi niya , tama nga naman siya wala sila sa Mansion ngayun kaya walang dahilan para mag utos ako ng gagawin nila.

"Walang iuutos ang Senyor , Lisa gusto niya mag pasama sa Perya kaya sumama kana."

~~~~~~~~~

walang nagawa si Lisa kaya heto kame ngayun magkasama naglalakad papunta sa peryahan.

"Ganun ba ako kasama kaya ayaw mong sumama saakin, puro panget ba ang naipakita ko sayo kaya mas nanaisin mong hindi ako makasama? " malungkot na tanong ko sa kanya.

Nabigla naman siya sa tanong ko kaya napatingin siya saakin. "Hindi naman sa ganoon senyor , nahihiya lang po ako dahil sa mga nagawa ko sayong pang babastos , tsaka hindi naman siguro ho bagay na mag kasama ang anak nang trabahador at ang amo nito, baka may masabi pa saakin ang mga tao." -Lisa.

"Bakit mo iisipin ang sasabihin ng mga tao kung ako naman mismo ang nag alok sayo na samahan ako, minsan Lisa subukan mong iwasang isipin ang sasabihin nila at makikita mo magiging masaya ka sa mga gagawin mo, tandaan mo lageng may nasasabi ang mga tao pero hindi nila alam ang totoo kaya hayaan mo lang sila." -Rafael.

"Sige ho Seny---" sagot niya pero pinigilan ko siya.

"Rafael , Diba sabe ko Rafael ang itawag mo saakin." Banggit ko sa kanya, Tumango naman siya at ngumiti.

"Yan ngumiti ka , mas maganda ka pag naka ngiti gusto kong wag kanang masyadong mag isip ngayung gabi punuin natin nang masasayang ala-ala ang bawat oras na mag kasama tayo." -Rafael.

LISA's POV

Kakaiba si Rafael ngayun mas mabait at mas maamo siya yung lalaking hindi ko inaakala na magiging mabait nang ganito ibang iba sa nakilala kong mayabang, arogante , bastos yung mga ganun pero ngayun hindi lumabas ang ugali niyang ganun.

The Man Hater Meets The King  ( on-going )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon