Chapter - 14 " The Untold Past " Part 1

50 6 0
                                    

(A/N) : ito yung History nung Father ni Ryan na si Senyor Rafael Montero. I hope you enjoy reading this Throwback story. Para naman malaman nyu kung bakit ganun yung Father nya.

Pasensya na po mawawala muna saglit si Ryan at Kendal sa story siguro mga tatlong chapter po pls. Do comment and vote para alam ko yung feedback sa story salamat po ^_^

Let's Do This !! :)

Dedicate To : Joel Bonguit

THE MAJOR THROWBACK

-------> Year 1 9 7 5

Ang nakaraan ang kukumpleto sa mga tanong sa hinaharap mga sikretong patuloy paring hinahanapan nang sagot , mga ala-alang kinalimutan na kasama ng lumang panahon!! Kung ako sayo samahan mo ko tuklasin natin ang nakaraan.

Rafael's POV

Ako si Rafael Montero 21 anyos taga bayan ng Madrigal anak ni Don. Renato Montero at Donya Nerrisa Montero ang pinaka mayaman na Don. at Donya sa buong bayan ng Madrigal, nag mamay-ari kame ng malaking lupain sa bayan na to at malaki ang respeto nang lahat ng tagarito sa aking Ama at Ina, kahit ang Gobernador nang aming bayan ay humihingi rin nang payo sa aking Ama sapagkat naniniwala sila sa lahat ng plano at gusto nito.

Kasalukuyan akong nag-aaral sa pinaka malaking koleyoho sa bayan namin ang Unibersidad De Madrigal sa kursong Bussines Administration hindi ko itatangi na kilala ako sa paaralan namen dahil narin siguro sa anak ako nang isang Don. at Donya at isa rin sa mga rason siguro ay ang taglay kong kagwapuhan may halong Espanyol kase ang aking Ama.

Pauwi ako sa Hacienda ngayun dahil bukas gaganapin ang Fiesta sa bayan namen at siguradong paghahandaan ito ni Mama kilala kase ang aking Ina na mahilig sa handaan gusto niya na laging may nakikitang mga tao sa aming mansion mga pobre , trabahador at pati narin ang mayayaman at mga kilalang tao sa lugar namen.

Para sa aking Ina lahat ng tao ay pantay pantay kaya nga ang bansag sa kanya ay ang pinaka mabait na Donya sa buong mundo. Totoo yun napaka buti ng aking Ina napaka maalaga niya at mapag mahal ganun din naman ang aking ama kaya wala talagang masasabi na masama ang mga taga Madrigal sa kanila.

Kasalukuyan nang umaandar ang bus na sinakyan ko pauwi sa Hacienda namen hindi ko kase pinasabi na ngayun ako luluwas ang alam nila bukas pa ako uuwi , plano ko kase silang sopresahin tutal naman umpisa na ng Sembreak bukas.

Nasa tabi ako ng bintana naka upo, nakatingin ako sa daan napakaganda talaga nang Madrigal sobrang bango ng simoy nang hangin kaya kung mabubuhay man ako ng matagal mas nanaisin ko na dito na nalang ako tumanda kasama ng aking magiging pamilya.

Nasa ganun akong pag iisip ng kalabitin ako ng aking katabi. "Ginoo Maari ba namin hiramin ang inuupuan mo para dito sa kasama ko kanina pa kase siya naka tayo eh!" banggit nang babaeng katabi ko

Tinignan ko naman yung babaeng nakatayo, maganda siya maamo ang muka napaka simple niya ring manamit kaya halatang mahirap lang siya pero hindi porket sinabi kong mahirap siya masama na agad ang ibig sabihin ko.

"Makaka pag antay paba yang kasama mo malapit narin naman ako bumaba" sagot ko sa kanya.

"Kung malapit kanarin naman nang bumaba ginoo maari bang paupuin muna ko." banggit nung babaeng nakatayo.

"Malapit narin naman ako bumaba paki antay nalang maari ba?". Sagot ko.

"Parang awa muna ginoo masama kase ang pakiramdam niya at ako naman ay buntis kung maari lang sana." pakiusap nang katabi ko

"Wag kanang maki usap Ate Ellen halata namang hindi niya planong magbigay" mataray na sagot ng babae.

"wag ka nga mag salita nang ganyan Lisa." pag suway nang katabi ko.

The Man Hater Meets The King  ( on-going )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon