Chapter - 8 " Bitter Sweet "

68 6 0
                                    

Dedicate to : Gennie Rose Anne Aranjuez

RYAN's POV

SCHOOL

Yung gabi na yun ang pinaka masayang araw sa buhay ko , Ang umamin sa taong mahal mo na mahal na mahal mo siya ng walang takot mula sa nakaraan.

una naalisan na ako ng takot na mag-mahal. Bakit ka nga naman matatakot mag mahal kung yung taong mamahalin mo alam mong mabuti ang kalooban at mahal karin.

Pangalawa seryoso ako , seryoso ako

sa gusto ko at handa akong ligawan siya at patunayan ang sarili ko.

Pangatlo ito na ang pang 4 na araw nang  pangliligaw ko sa kanya at sana hindi niya na ako pahirapan.

Rerespetuhin ko ang magiging desisyon niya, kung sa huli maramdaman niyang hindi pa ko ang karapdapat na para sa kanya matututo akong mag antay. Ganyan ko na talaga siya siguro kamahal at yun ang tamang dapat gawin ng isang seryosong lalaki.

Kasalukuyan ko siyang inaantay sa labas ng room nila, breaktime na kase at gusto ko sana siyang makasabay kumain, panay naman ang tingin sakin ng mga babae syempre dahil mabait na ko at nagbago na ko ngayun hindi na ko snob kaya lahat nang dumadaan ngini-ngitian ko.

Nang makalabas naman na sila tinarayan ako? syempre nakaka pagtaka wala naman akong ginawa sa kanya, tinignan ko naman ang mga kaibigan nya pero wala silang imik agad ko naman siyang hinabol para tanungin?

"Ui? Miss. Sungit na mahal ko anong problema?" Paglalambing ko sa kanya.

"Ewan ko sayo Mr.Landi hindi panga tayo mag on lumalandi kana?" Mataray na sagot nito.

Ui mukang nagseselos siya aah!!! mas kinikilig ako pag ganyan siya ibig sabihin love niya talaga ko.

"Sorry na po , wala po yun tsaka diba nga po good boy na ko !! promise po ikaw lang mahal ko miss. sungit . Wag kana po mag selos."-Ryan

"Ui kapal mo ahh!! hindi kaya ako nag seselos tara na nga kumain na tayo basta promise mo hindi kana lalandi." Kendal

"Yes Mam. " Sagot ko naman sa kanya natutuwa talaga ko, alam mo yung pakiramdam na sobrang gaang yung puro saya lang ganun yung feeling.

Naglalakad na kame papunta sa canteen gusto ko sanang hawakan yung kamay niya kaso nahihiya ako baka sabihin niya tini-take advantage ko siya kaya wag nalang. Pagdating naman namen sa canteen humiwalay kame ng pwesto sa grupo para naman makapag usap kame yung walang istorbo.

"Wait mo ko dito huh! bibili lang ako ng pagkain natin." - Ryan

"Saglit lang ito yung pambili ko" - Kendal

"Ako na bahala tsaka nakakahiya, ako nag invite sayo tas ikaw magbabayad ng kakain mo."  ayoko nga tangapin kahit magalit pa siya, mamaya kung ano pa sabihin nang mga estudyante dito .

"Ryan wag nang makulit , kuhain muna to" - Kendal.

"Ayoko nga " sagot ko naman sa kanya na naka simangot.

"Mr. Montero pag hindi mo to kinuha kumain kang mag-isa mo dito huh! wala kang obligasyon saken kaya hindi mo ko dapat ilibre, hindi rin kita financer manliligaw kita ok. mag kaiba yun" - Kendal

"May obligasyon ako sayo kase mahal kita" sagot ko naman sa kanya na nagtatampo. Pag tingin ko naman sa kanya naka ngiti na siya.

"oh ? bat naka ngiti ka nang aasar kaba? " - Ryan

"Hindi po , alam mo bang ang cute mo nagtatampo ka ^_^ ayieee " sagot niya sakin sabay pout ng lips.

"Hindi mo ko madadala sa mga ganyan mo Miss. Rivera." Sagot ko naman sa kanya na seryoso , pero deep inside halos mamatay na ko sa kilig .

The Man Hater Meets The King  ( on-going )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon