1: Nawawalang Karisma

18.3K 250 48
                                    

1: Nawawalang Karisma

“HALA! OY MISS! ILAG!”

“Gago, pare. Habulin mo na!”

Nagmamadaling tumakbo ako papunta sa direksyong tinungo ng Frisbee. Napalakas ang pagkakabato ko do’n. I tried running faster but still failed. Tumama pa rin ang bagay na iyon sa ulo ng babaeng napadaan lang. Even from my distance, rinig na rinig ko ang pagtama ng Frisbee sa isang matigas na bagay at ang isang malakas na pagsinghap.

Malalaki ang mga hakbang na lumapit na ako sa babae. She was now holding her side of the head where the Frisbee must have landed. Napangiwi na naman ako. Dang it! Sigurado akong masakit iyon. Hihingi na sana ako ng pasensya nang magsalita siya.

“Aray.”

Whoa, she has a nice voice, natigilang puna ko. I cleared my throat. Noon naman siya nag-angat ng tingin na ikinatigil kong muli. And beautiful pair of eyes, too.

The girl’s eyes were emerald green.

Out of habit, I did a quick once over at her appearance and what I saw made me do a double take. Wow!

Natauhan lang ako nang yumuko siya at pulutin ang mga gamit nita na hindi ko napansing nahulog pala. Kaagad na yumuko na rin ako para tulungan siya. Napansin kong puro painting materials ang nakakalat sa damuhan. Fine Arts siguro course niya, naisip ko. I put everything I picked up inside an empty tin can na nakataob din sa damuhan. Nang matapos ay dumiretso na ako ng tayo. The girl was simply staring at me without any emotions in her eyes. Natanong ko tuloy sa sarili ko kung bukod sa angking kagwapuhan, eherm, ano pa ang kakaibang bagay na nakikita niya sa mukha ko?

Iniabot ko na sa kanya ang mga gamit niya at binigyan siya ng ngiting tinitilian ng maraming babae.

“Pasensya na, Miss. Napalakas kasi ‘yung pagkakabato ko, natamaan ka tuloy. Nasaktan ka ba? I could bring you to the clinic if you want.”

Habang nagsasalita ay hindi ko na namang naiwasang pasadahan ng tingin ang kabuuan niya. I couldn’t help it, napasipol ako sabay tikhim nang matauhan.

Unang-unang mapapansin sa kanya ay ang kulay pula niyang buhok. It was not dyed, I can tell. It was a Lindsay Lohan kind of red and only I knew how much I drooled over her ever since my mom forced me to watch Mean Girls with her. Why, she was the hottest redhead I ever saw.

And this girl in front of me was one gorgeous redhead.

Move over, Lindsay! pilyong sigaw ko sa isip ko. Damn, saan galing ang babaeng ‘to?

Her red hair was wavy in a manner that would suggest that she forgot to brush her hair earlier this morning. It was waist length and messy. Bumagay iyon sa may kaliitan at hugis-puso niyang mukha. She had a narrow forehead. Her brows were thin and perfectly shaped and I bet those twin arch never even met any kind of blade. Parang wala sa hitsura niya ang nag-aahit ng kilay. Her emerald green eyes, wow, had the shape of an almond that were hooded with thick eyelashes that every girl I knew would die for. Maliit lang din ang ilong niya pero matangos. It was a bit perky but it suited her face just fine. And her lips… hindi ko naiwasang mapalunok. They were Cupid’s bow and naturally pink.

I cleared my throat once again and gave her my biggest smile.

Noon naman may tumamang matigas na bagay sa likod niya.

“Aw!” daing ko sabay lingon sa mga kaibigan ko. Nakalimutan kong nasa soccer field pa nga rin pala sila. Napaismid ako. Ang epal din, nakitang sinusubukan kong dumiskarte dito, eh.

“Oy, Roberto! Bumalik ka na dito!”

“Kamanyakan mo na naman, Berto!”

“Siraulo, pare! Hindi ka papatulan niyan! Porenjer ‘yan!”

NefelibataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon