15: Eli

4.1K 111 19
                                    

15: Eli

---

Tulog kami ni Annie hanggang maka-tanghali. Kundi pa dahil sa pagkakagulo ng mga kasama namin sa labas ng kuwarto, hindi pa kami maaalimpungatan. Naligo lang kami't nagbihis tapos bumaba na rin kami.

Nakasimangot silang lahat habang kumakain ng noodles. Katabi ng malaking bowl ng noodles ay isang pitsel ng orange juice at isang balot ng tasty bread.

"Uh, bakit ang sasama ng mukha niyo? Paraan niyo ba 'yan ng pagpaubaya na ako talaga ang pinaka-gwapo sa ating lahat?"

Si Annie lang ang natawa ng bahagya sa sinabi ko.

"Nawawala 'yung tatlong pirasong chicken sa ref," sabi ni Grey na may kasamang buntong-hininga.

"'Yung tira kong cake kahapon, nawawala rin."

"My chocolate bar is missing, too."

"The coffee's missing, too. Damn! I need coffee now."

"'Yung marshmallows para sa bonfire mamaya, wala rin."

"Akalain mong pati mineral water, nawawala? Iisang litro nga lang 'yun!"

Hindi ako nakapagsalita. Si Annie naman ay tuloy-tuloy sa lababo para maghugas ng kamay. Sa isip ko ay binabalikan ko kung gaano ba kalaki ang dalang bag ni Annie kagabi.

Napalunok ako bago pinakunot ang noo. "Nakain at nainom niyo na siguro kagabi?"

"No, pare," ani Eron na hindi nawawala ang kunot ng noo. "I am a hundred percent sure na iniwan ko sa loob ng ref kagabi 'yung tira kong cake, eh."

Hindi ako ulit nakaimik. Malikot na ang takbo ng isip ko. Sasabihin ko ba ang totoo? Annie seemed to be nonchalant o baka ayaw lang niya talaga magpahalata.

"Baka naman kasi talaga na-consume na natin. Alam niyo na…" atubili kong sabi. Lalong kumunot ang noo nila. Napabuga ako ng hangin at napakamot sa batok. "Bakit─"

"Bakit hindi na lang tayo kumain sa labas tapos mag-grocery?" sabi ni Annie habang iniisa-isang buksan ang cupboard. "Magbe-bake ako ng cake para sa ating lahat mamayang pag-uwi."

"Magbe-bake ka?" Nakahinga ako ng maluwag. Okay, so ayaw niya ipaalam. "Chocolate?"

Tumango siya at ikiniling ang ulo sa mga kasama namin. Napakamot siya sa baba at tumingala. "Sure. Gusto niyo rin ba ng tiramisu mamaya?"

Nanumbalik ang sigla sa mga mukha nila at nagkanya-kanya ng request. Annie list them all down nang walang reklamo. Pinanood ko sila at mula sa kung saan ay nakaramdam ako ng pagmamalaki.

Hindi lang approved ng barkada si Annie ─ they also loved her. Hindi rin naman papahuli si Annie. She was fond of my friends and she adores them. Patunay na ang madalas na pagluluto niya para sa kanilang lahat.

He watched her shining brighter. A too becoming familiar warmth and a tug in my chest washed over me. The same warmth and tug that filled me everytime I see her happy.

---

Annie looked so beautiful standing in that aisle habang salubong ang kilay niya at hawak sa dalawang kamay ang dalawang maliit na kahon. Her attention was too focus on the items in her hand like her life depends on them. Ni hindi niya alintana ang nagkakagulong mga kaibigan ko na nasa likod lang nila at pinagtatalunan kung anong bibilhin nila ─ ready-to-cook hotcake o strawberry syrup.

Kung bakit nila pinagtatalunan iyon, wala na 'kong pake.

Napabuga ng hangin si Annie at inilagay ang kahon na nasa kaliwang kamay niya sa pushcart namin. Hindi na ako nakatiis, "Why?"

NefelibataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon