14: Fictional

3.6K 114 7
                                    

14: Fictional

---

That night has to be phenomenal. What was happening must be permanently put on the records of the national history. Sigurado akong hindi ko makakalimutan ang gabi na 'to.

Nagising ako sa kalagitnaan ng gabi dahil sa liwanag na tumatama sa mukha ko. I groaned and put a pillow over my head. Umaga na kaagad? Bummer. Pakiramdam ko ilang minuto ko pa lang napipikit ang mga mata ko.

"Hey," someone said softly. I felt something poked my chest repeatedly. "Hey, Robbie. Robbie, gising."

"Annie?" namamaos na bulong ko. Napaungol ulit ako at mas binaon pa ang sarili ko sa higaan.  "Annie, join the guys. Promise, babawi ako sa'yo mamaya."

Hinila niya ang unan sa mukha ko. Hindi pa rin ako dumilat. After the stunt we all pulled at the cliff yesterday, balak kong matulog maghapon. My body hurt like hell, damn it.

"Tulog silang lahat. Alas-dos lang ng umaga," niyugyog niya ang balikat ko. "Get up, get up, get up."

"Let's sleep, please?"

"I can't sleep! Let's do something, c'mon."

"As much as I want to make out," I murmured and pulled the sheets over my head. "A man has to sleep."

Annie whacked me on the head.

"Annie!"

Hinila niya ako patayo sa kama. Agad namang nagprotesta ang kalamnan ko pero hindi na ako lumaban. She tossed me my gray hoodie and sweatpants. I put them on and get my snickers under the bed. Nang makapagbihis ako ay napansin kong halos parehas kami ni Annie ng suot.

I groaned. "Magpapasama ka na kaagad mag-jogging, babe?"

"No. Tara," hinila na niya ako palabas ng kuwarto. Tuloy-tuloy kaming dalawa palabas ng beach house at paulit-ulit kong itinanpng kung saan kami pupunta pero paulit-ulit din niyang sinabing, "somewhere."

Papalayo kami nang papalayo sa beach house nang mapansin kong daan papunta sa cliff ang daang tinatahak namin.

"Bakit tayo pupunta sa cliff, Annie?"

"We're not. Basta, sundan mo lang ako, okay?"

---

It turned out na lumagpas nga kami sa cliff pero nagtuloy-tuloy kami sa boundary ng property nina Eron. Akmang lulusot si Annie sa harang nang hilahin ko siya.

"What are you doing?" naguguluhang tanong ko.

"Kailangan nating tumawid sa kabila," she said na para bang walang mali sa gagawin daw namin.

"Are you insane? Mahuhuli tayo, Annie!"

"Nobody's going to catch us," pumiglas siya sa hawak ko at bago ko pa siya mahila ulit ay nakasampa na siya sa kabilang bakod. "Uy, tara na!"

Nababaliw na talaga ako, bulong ko sa sarili ko habang sumasampa na rin. Sa utak ko ay iniisip ko na kung ano ang pwedeng idahilan sakaling mahuli kami at ang mga kasong isasampa sa amin sakaling hindi paniwalaan ang palusot namin.

"Ano'ng ginagawa niyo sa lupain namin?" Sasabihin ng isang lalaking balbas sarado na may hawak na machine gun. Sa likod niya ay dalawang lalaking may dalang Doberman at shotgun na handang paputukan kami isang maling galaw lang namin.

"N-naligaw lang ho kami ng misis ko, mga manong," isasagot ko na may kasamang panginginig. "Pasensya n-na ho, aalis na ho kami."

"Nanginginig ka, bata. Sigurado ka bang nagsasabi ka ng totoo?" Mapanuring pang-iinsulto ng lalaking may hawak na Doberman na naglalaway at malinamnam na buto ang tingin sa amin.

NefelibataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon