17: Rain, Rain, Never Go Away

3.9K 89 5
                                    

17: Rain, Rain, Never Go Away

---

Huling gabi namin sa beach house nang bumuhos ang malakas na ulan na sinabayan pa ng malakas na hangin. Wala naman daw bagyo ayon sa PAGASA kaya hindi na kami nag-alala.

Annie prepared hot chocolate and marshmallows and cookies for all of us. Pinanindigan talaga niya ang pag-aasikaso sa pagkain namin. Ang buong barkada ay nasa sala at nakikinig lang sa isang local FM station, dala ang mga unan at kumot.

Ako naman, ito, balot na balot na pababa ng hagdan bitbit ang mga unan at kumot namin dahil sa sala namin balak mag-kampo hanggang umaga. Nang hindi kasi tumigil ang pag-ulan kaninang umaga ay in-empake na namin ang mga gamit namin at inuna nang ipasok sa sasakyan.

"Saan kayo sa Pasko?" narinig kong tanong ni Eron sa iba. Grabe ang kaltok at pambabatok na natanggap niyan pagkatapos ng eksena nung tukmol niyang kapitbahay.

"Luluwas kami sa Sta. Elena ni Auntie Vic," sagot ni Grey. "Ayoko sana kaya lang nagtampo no'ng hindi ko siya sinamahan ngayong sembreak."

"Bakit ayaw mo ro'n?" tanong ko nang makalapit. Pinausog ko sa kabilang dulo ng pang-apatang sofa si Brent at inilipag ang mga dala ko. "Ang ganda kaya sa Sta. Elena. 'Di ba, ang ganda no'ng pinakita sa atin ni Auntie Vic sa pictures? Kayo na may hacienda!"

"Pangit doon," pakli ni Grey na nanahimik na pagkatapos. Nagkatinginan naman kami ng iba at nagkibit-balikat. Malihim si Grey and he did not like talking about his hometown.

"Sa bahay lang kami," ani Brent. "It's our turn to host the annual Christmas party-cum-family reunion. Darating sina Lola from Hawaii."

"Aw, bummer!"

"'Lul! Masaya 'yon, lahat ng ninong at ninang ko nando'n. One kyaw pinakamahinang bigay taon-taon. Baka nga after no'n mabili ko na 'yung gusto kong kotse, eh." Pinagkiskis pa nito ang mga kamay. Natawa ako. Kahit pa hindi Pasko, maibibili at maibibili 'yan ng erpats niya ng kotse.

"We'll be flying to New York once the Christmas break starts. Doon na rin kami magnu-New Year kasi hindi makakauwi si Ate," napapaismid na sabi naman ni Sandro. "Hindi maiwan 'yung ka-live in niya."

"Init ng dugo mo sa boyfriend ng kapatid mo, dude," sabi ko. Totoo naman kasi. Sandro never approved of his sister's boyfriend. Katunayan, kada tawag ng kapatid nito, laging nitong tinatanong kung kailan magbe-break ang dalawa.

"Eh, wala namang kwenta 'yun!"

Oha? "Selos ka lang kasi hindi na ikaw ang baby ng ate mo, eh."

"Gago!" Nagtawanan kami nang mamula ang tenga ni Sandro. Certified sister's boy kasi ito palibhasa halos ang kapatid na ang nag-alaga noong active pa sa pagpapalago ng negosyo ang parents.

Kagaya ni Brent, sa bahay lang din ng mga ito si Kian. Sina Eron ay babalik dito sa resort sa Pasko tapos ako naman, malamang isasama na naman ako nina Erpats sa kung saang foundation man sila nag-volunteer. Taon-taon 'yon simula pa lang noong bata pa ako. Tradition na namin ang pagdaraos ng Pasko sa mga bahay-ampunan, home for the aged o kung saan man.

"Ikaw, Annie, saan mo balak mag-Pasko?"

Hindi ko na namalayan ang pagdating ni Annie sa living room. Nang makita ko syang bitbit ang isang tray na may cookies at mallows, tumayo na ako para tulungan siya. Hinanap naman nina Sandro ang hot chocolate at nang ituro ni Annie ang kusina, nagkusa na sila sa pagkuha.

"Saan mo nga balak mag-Pasko, babe? Aalis ka ba ng Manila? Isama mo naman ako," I whined. "Hindi na ako sanay na wala ka sa tabi ko."

"Cheesy," nakangiting iniumang niya sa tapat ng bibig ko ang isang piraso ng marshmallow. I opened my mouth and bit it. "Sa city lang ako."

NefelibataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon