2: Caught in the Camera

8.8K 173 22
                                    

2: Caught in the Camera

I PUT ON MY shades before stepping out of my car. Hinilot-hilot ko ang sentido ko at kamuntik pa akong mapaungol nang malakas dahil sa matinding sikat ng araw na sumalubong sa akin.

Darn hangover.

Kahit wala pang alas-kuwatro ng hapon kahapon nang magsimula kaming mag-inuman ay inumaga pa rin kami ng uwi gawa nang masyado kaming nagkatuwaan ng barkada. Ito tuloy napala ko. Buti na lang at tanghali pa ang unang exam ko sa SocSci11 at nakapag-aral din naman ako kahit papa’no noong isang araw.

Inayos ko ang pagkakasukbit ng back pack ko sa aking balikat. You want an insider tip on how to look cool and awesome in an instant? Do not strap your bag on both shoulders para hindi ka magmukhang nerd. It was a plus pogi points.

“Hi, Robbie!”

“Hello,” I smiled at the girls who greeted me kahit sumasakit talaga ang ulo ko. Hindi naman sa heartthrob ako dito. Saktong guwapo lang na may malakas na sex appeal na gusto ng mga babae.

In-adjust ko rin ang camera na nakasabit sa leeg ko. If someone would ask me about my passion, isa lang ang sasabihin ko – I am in love with people and photography. It was my mission to put up my own studio someday.

Nang makarating ako sa Comm. Arts building ay naupo muna ako sa baitang ng hagdan at kinalikot ang camera ko. It was a Nikon N90s SLR Body.

Naalala ko ang babae kahapon. Napapalatak ako.

Sayang, hindi ko dala ‘tong camera kahapon. Nakuhanan ko sana siya ng picture. Makikita ko kaya ulit siya? I wanted to capture an image of her – messy with paint and all. She would make a good subject.

Itinaas ko ang camera sa tapat ng mukha ko. I’d just take random photos. Gustong-gusto kasing kinukuhanan ang mg apangyayari sa university. People were always reading or walking or chatting. Pabalik-balik din ang mga jeep sa tapat ng building – may mga bababa na may bitbit na malalaking libro, may sasakay na alam mong nagmamadali. It was like capturing a small portion of life itself inside a very small device.

Sinusubukan kong kuhanan ng litrato ang isang jeep na huminto sa tapat ng building at nagbababa ng mga pasahero nang mahagip siya ng lente ng camera ko.

Pagkakataon nga naman. I smiled and clicked on.

Dang! She was breathtaking.

Tuloy-tuloy ang ginawa kong pagpindot sa shutter habang naglalakad siya… papalapit sa akin? Ibinaba ko ang camera at pinanood siyang maglakad.

She looked more divine up-close. Mas maayos ang hitsura niya ngayon kaysa kahapon kaya mas lumutang ang ganda niya. Her red hair was up in a messy bun and stray strands of hair were falling on her face dahil nakayuko siya at may binabasa. She was wearing a gray sweater, a short pair of white short that flaunted her creamy pair of long legs and her feet were cute in those simple white flip-flops. Napansin ko rin na may suot siyang silver anklet na hindi ko makita ang design.

The air followed her as she walk.

Bago pa ako makapag-isip nang diretso ay nakatayo na ako at naglakad palapit sa kanya.

“Hey,” nakangiting batik o sa kanya. My smile faltered when she just walk passed me. I cocked my head on one side. Maybe she did not hear me. Sinundan ko siya sa hagdan at naupo sa tabi niya nang maupo siya doon. Sinubukan ko ulit siyang batiin. “Hi, Miss?”

Kumaway-kaway ako sa tapat ng mukha niya. That caught her attention kaya napangisi ako. There was that crease on her forehead once again.

“Hello,” kumaway ulit ako at ngumiti nang maayos.

NefelibataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon