8: Kumpesyon with Pareng Miguel

4.5K 126 10
                                    

8: Kumpesyon with Pareng Miguel

Masakit mang isipin, kailangang tanggapin. Kung kelan ka naging seryoso tsaka ka niya gagaguhin ♬♪

---

"SHIGE PA, Manong Jojo. Tagay lang ng tagay, marami pang halak do'n sa kushina. Shi Manang Elsh ang bahala shaten! Syat lang ng syat! Iskay ish ze limit!"

"Kow, batha! Ihyang mwanga babaeng 'yan, mwanga shakit sha hulo! Mwanga... paasha! 'Yan, 'yang Manang Elsh mo, ilang buwan ko nang niririgawan wala pa ren! Ginupit ko na shong buhok ko, huwala pa ren!"

"Kampay, kampay! Magpakalunod tayo sha halak!"

"Walanghiya ka talagang matandang damuho ka! Dinamay mo pa 'yang alaga ko sa kalokohan mo! Hala, sige, uwi! Layas!"

"Mang Jojo, bumalik kah ditoh! Mahina ka pala, eh! Shinashabi ko shayo, Manong, hindi ka shashagutin niiiih Manang Elsh!"

Bumagsak ang ulo ko sa ibabaw ng mesa, sa tabi ng mga walang lamang balot ng tsitsirya at mga walang lamang bote ng beer. Wala naman pala 'yung ka-labtim ni Manang Els, eh. Mahina! Isang kafyot lang ni Manang, tumiklop na. Isang case pa lang 'tong natutumba namin, may dalawa pa! Di bale, ako, si Roberto Jacinto III, gwapo, matangkad at anim ba pandesal sa tiyan ang uubos ng lahat ng 'to!

May naramdam akong umalog-alog sa balikat ko at tumapik-tapik sa mukha ko.

"Hoy, lapashtagan! Huuuuu-weg ang mukha ko!"

Biglang sumakit ang ulo ko sa malaks na pwersang tumama roon.

"Eh, gago ka pala eh. Iinom-inom ka, hindi mo kami niyayaya. Lakas ng loob mong magsolo, hindi naman kaya."

"Anong kabaklaan na naman 'to, Berto?"

May mga nagsi-upauan sa paligid ko. Ipinilig ko ang ulo ko para maaninag ang mga dumating bago napangisi.

"Kita mo nga namhan, mga parekoy na tunhaaaaay! Halikayo, dali. Shamahan niyo akong ubushen 'to. Mag-shelebreyt tayo!" tinapik-tapik ko ang magkapatong na case sa tabi ko pero sa 'di ko malamang dahilan, umiiwas sa akin ang mga alak. Napasimangot ako at hinampas ang mesa. "Madulash shila, pare. Kuha lang nang kuha! Marami pa sha tindahan!"

"Lakas na ng tama mo, p're," ani Brent na nagbubukas ng isang bote. "Talagang kay Pareng Miguel ka pa naglalabas ng sama ng loob."

"Pweh! Shama ng loob? Shush! Katuwaan lang mga parekoy. Hala, shige. Shot lang tayo nang shot!" Itinaas ko ang kamay ko pero parang may mabigat na nakapatong doon. "Bhaket ambigat ng brasho ko, tangene pare walang badingan! Para namang hindi tayo magkakaibigan nyan!"

May bumatok sa akin. Napasubsob na naman ako sa mesa.

"Putangna, pare. Umayos ka," seryosong sabi ni Kian.

Napangisi na naman ako. Hinarap ko siya at tinapik-tapik sa balikat. "Kian, beshpren, akalain mo nga naman?Inom tayo, pare. Masharap hang halak!"

"Tigilan mo na nga yang katarantaduhan mo, Roberto. Nasaan si Annie?"

Nagbaba ako ng tingin at muling tumungga. Bigla akong napabungisngis. "Shinong Hanneh? Syota mo? Pakilala mo nga shamen yang shiks mo! Kalishkishan naten!"

NefelibataTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon