Chapter 7

124 18 1
                                    

Jared

NAIINIS si Jared! Hindi, nagagalit siya! Bakit pati si Zoey, binibiktima ng kapatid niya sa paglalaro nito sa babae? 

Matapos niyang ihatid si Zoey, sa bahay nito bumiyahe siya sa Cavite, para kausapin ang kapatid niya at komprontahin. Naaalala na naman niya ang malungkot na mukha ni Zoey at ang pagluha nito habang nagpapaliwanag sa kanya, nang maihatid niya ito sa bahay. Mahal na mahal niya si Zoey at may tiwala naman siya rito, na hindi nito papatulan si Coby, pero hindi niya maiwasang magselos pa rin, lalo pa't alam na kung anong klaseng tao ang kapatid niya.

Pagdating niya sa bahay nila ay agad niyang hinanap ang kapatid at sa kwarto niya ito nakita.

"Oh, kuya bumalik ka?" gulat na tanong nito sa kanya. Agad niya itong nilapitan at kenwelyuhan.

"Ulitin mo pa ang ginawa mo sa girlfriend ko, papatulan na talaga kita at babasagin ko 'yang mukha mo!" galit niyang banta rito.

"Gawin mo na ngayon kuya, gawin mo na!" hamon nito sa kanya. Napakuyom ang kamao niya sa galit pero hindi niya ito sinuntok. Nakakabata pa rin niya itong kapatid kaya dapat magpigil pa rin siya. Binitawan niya ang kwelyo nito at tinulak ito kaya napaupo ito sa kama.

"Wala akong ginawa sayong masama para gawin mo sa akin ito!" sumbat niya kay Coby, "bakit pati ang girlfriend ko? Bakit pati ang taong mahal ko, binibiktima mo?" puno ng sama ng loob na tanong niya rito.

"Dahil na sayo na ang lahat!" galit na tugon nito, na ikinabigla niya, "sila Mama at Papa, na proud na proud sayo, magandang trabaho at pati si Zoey ay na sayo na! Lahat na lang kinuha mo! Ni wala ka ng tinira pa sa akin!" Puno na ng paninibugho ang mga mata nito sa kanya.

"Anong sinasabi mo?" nagtataka niyang tanong sa kapatid.

"Noon pa man bata pa lang tayo laging ikaw ang mas mahal nila Papa at Mama, laging sayo sila proud at laging ikaw inuuna nila keysa  sa akin. Ako, laging pangalawa o kaya hindi napapansin. Tapos pati ba naman si Zoey, na sayo na rin! Ang selfish mo kuya, lahat na lang kinuha mo!" sumbat nito.

"What do you mean?" naguguluhan pa ring tanong niya sa kapatid.

"I love Zoey, ako ang naunang nakakilala sa kanya at ako ang naunang mahalin siya kaya dapat akin si Zoey, hindi sayo!" galit na pagtatapat nito sa kanya.

"But she's my girlfriend!" diin niya kay Coby. "And we love each other!"

"So? Aagawin ko siya sayo, kuya! Kung kila Mama at Papa, hindi kita natalopero kay Zoey, ipapangako ko na mapapasaakin siya!" desidido nitong sabi, na ikinalaki ng mga mata niya.Iniwan siya ni Coby, sa kwarto nito at hindi na niya nagawa pang sundan ito.

Hindi niya akalain na may ganoong sama ng loob pala sa kanya ang kapatid at lalong hindi niya inaakala na mahal pala ng kapatid niya ang kasintahan niya. Hindi niya kasi nakikita ito kay Coby, hindi naman kasi pinapansin ni Coby si Zoey. At kahit naman si Zoey, kaya nagulat siya ngayon sa ipinagtapat nito sa kanya.

Nagmamadali na ulit siyang umalis sa bahay nila at muling nagbiyahe pabalik sa Maynila. Mabuti na lang ay may mga alam siyang short-cut para makaiwas sa matinding traffic.

Alas-nuebe na nang makarating siya sa harap ng bahay nila Zoey at nagdadalawang-isip pa siya kung mag-do-door bell siya o hindi.

"I need to talk to her, hindi ko dapat siya pinaghinalaan," sabi ng isip niya. Agad siyang nag-door bell, hindi naman nagtagal ay bumukas ang pinto ng bahay at si Zoey ang iniluwa nito.

Napatitig siya sa malungkot na mukha nito. Nakadama siya ng paninikip ng dibdib dahil siya ang dahilan ng kalungkutan nito.

"Mahal," tawag niya rito. Hindi ito nagsalita, nakatingin lang ito sa kanya at unti-unting lumapit.

The Wish GrantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon