Chapter 33

71 9 0
                                    

KINAKABAHAN si Zoey habang nag-aantay siya sa isang Asian Restaurant sa isang hotel sa Manila. Wala pa rin si Viona dahil napaaga siya nang dating kaya mas nauna siya rito. Nang makita niya na bumukas ang glass door ng restaurant at si Vion ang pumasok ay huminga siya nang malalim para pahupain ang kaba na nasa puso niya. 

Napatayo siya nang nakalapit na ito sa harap niya.

"Kanina ka pa?" nakangiting tanong nito. 

Ngayon niya napansin na ang ganda-ganda pala ni Vion at iyong mahabang buhok dati ay maiksi na, na hanggang balikat at nag-matured na ito na mas nagpaganda kay Vion. Sumexy lalo ang katawan dahil yumaman ang dibdin nito at marahil sa pagkaroon nito ng baby.

"Hindi naman masyado," tugon niya.  Umupo na ito kaya umupo na rin siya. "Vion, hindi na ako magpapaliguy-ligoy, ha, ano ba ang pag-uusapan natin? Kinakabahan kasi ako, eh," 'agad niyang tanong. Nakita niya na sumeryoso ito.

"Parang may kakaiba kasi sa kamatayan ni Kuya," umpisa nito. 

Nanlaki ang mata niya at lalong kumabog ang dibdib sa kaba.

"Anong ibig mong sabihin na may kakaiba?" tanong niya kahit halos walang lumabas na boses sa bibig niya.

"Five years ago, bago namatay si Kuya ay ang laki nang pagbabago niya. Naging mabait na kapatid siya sa akin at mapagmahal."

"Mabait at mapagmahal? Hindi ba ganoon naman si Orion?" nagtatakang tanong niya.

"H-hindi," malungkot na sabi ni Vion na ikinagulat niya. "Galit si Kuya sa akin. Bata pa lang ako hindi na niya ako tanggap kasi anak ako sa ibang babae." 

Nanlaki lalo ang mata niya sa nalaman niya. Hindi niya alam na ganoon pala si Orion at si Vion na magkapatid.

"Kung hindi niya ako pinapansin ay lagi naman siyang galit sa akin. Kaya nagtaka ako nang biglang naging mabait si Kuya sa akin at damang-dama ko na mahal na mahal niya ako bilang kapatid. Tapos siya pa mismo ang nag-suggest kay Dad na hayaan akong mangibang bansa para doon muna mag-aral samantalang noong una ay siya ang tutol na tutol. Dama ko nga dati na si Kuya ay ayaw akong maging maligaya kaya laging hindi siya umaayon sa mga gusto ko sa buhay. Pero iba siya bago siya nawala, nag-sorry pa siya sa akin at sabi niya mahal niya raw ako. Mahal raw ako ni Kuya," hindi na napigilan ni Vion ang mga luha na tumulo habang nagkekuwento. Nakadama siya ng habag sa babae kaya hinawakan niya ang kamay nito para aluin. "Niligtas ako ni kuya nang maaksidente kami kaya ngayon buhay na buhay ako, kaya ngayon nandito ako."

"Vion, ginawa niya iyon dahil mahal ka niya," alo niya.

"Alam ko.  Pero tingin ko ay may iba pang dahilan, Zoey," sabi nito na ikinatitig niya lalo. 

May inilabas itong isang journal note sa bag at ibinigay sa kanya.

"A-ano ito?" tanong niya.

"Journal iyan ni Kuya. Naguguluhan kasi ako dahil ang date nang mabasa ko ang journal na iyan ay advance."

"H-hindi kita maintindihan. Paanong advance?" naguguluhang tanong niya.

"Nabasa ko siya isang taon matapos mamatay ni Kuya. Twenty fourteen ko siya nabasa pero ang date sa Journal ay may Twenty sixteen at twenty nineteen na ikinatataka ko. Paanong magsusulat si Kuya ng Twenty-sixteen at Twenty-nineteen na date, eh, wala na siya nang mga panahon na iyon kahit ngayon. Saka iyong mga litrato at iba pang details diyan ay pina-imbestiga ko pero walang record sa shop o saan man diyan sa nakalagay sa journal," sabi nito.

"May mga litrato rito?" tanong niya.

"Oo. At isa pa ang tingin ko ay hindi dapat si Kuya ang mamatay nang araw na iyon. Tingin ko dapat ako dahil may death anniversary diyan na sa nickname ko ang nakapangalan, wierd at creepy pero parang totoo lahat. Kahit ang pangalan ng anak ko na Gelo diyan ko nakuha," sabi pa nito na lalong ikinagulat niya.

The Wish GrantedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon